Chapter 2

13 3 0
                                    

It's been a week simula nang mareveal ang moon tatto ko. At sa loob ng isang linggong iyon, doon ko na yata natanggap ang pinakaraming attention na matatanggap ko sa buong buhay ko.

Hindi ako nakaiwas sa mga pang-uusisa ng mga kamag-anak ko. Right after kong makita ang tattoo ko, lahat sila ay agad na pumalibot sa akin. Ang iba ay binabati ako, ang iba naman ay puro katanungan ang ibinabato sa 'kin, at mayroon din namang gusto lang makita ang kagandahan nito.

Kinabukasan noon ay inusisa rin agad ako nina Laura at Cassy. Hindi maitatanggi ang saya sa kanilang mga mukha nang makita nila ang tattoo ko.

"Ikaw ang may pinakamagandang tattoo sa ating tatlo." Natatandaan kong sabi sa akin ni Laura habang nakatingin sa palapulsuhan ko.

"Finally, hindi ka na maa-out of place sa amin. Soon you'll find your souomate na rin." Natawa naman ako sa sinabing iyon ni Cassy.

Soon after they admired my tattoo, napalibutan na rin ako ng iba ko pang mga kaklase. Magkahalong tuwa at pagka-touch ang nadama ko nang makita ko ang mga mata nila na talagang ina-admire ang kung anong nakikita nila.

Pero out of all the reactions I got, favorite ko ang sa mga magulang ko. After the party at nakaalis na ang lahat ng mga bisita, doon lang sila nagkaroon ng pagkakataon na makita nang maayos ang wrist tattoo ko. Naluha si Mama pagkakita niya rito, samantalang nakangiti lang si Papa habang nakaakbay kay Mama at inaalo ito sa kaniyang pag-iyak.

Pagkatapos noon ay binalikan namin ang kwento kung paano sila nagkakilala. They have a matching lifeline tattoo. My dad was a manager sa isang store noon. And one day, naging customer si Mama doon, habang namimili siya kung anong mga bibilhin, napansin ni Papa na may matching tattoos sila. Kahit hindi naman hiningi ni Mama, he assisted her sa pamimili hanggang sa mapansin din niya ang matching tattoos nila.

Since then, hindi na sila mapaghiwalay. And then their tattoo made sense. Lifeline. Para bang hindi mabubuhay ang isa kung wala ang isa. Laging magkasama. Ang pagmamahal nila sa isa't isa ang bumubuo sa pagkatao nila.

That story made me want to meet the person I'm sharing my tattoo with. Gusto ko nang makilala yung taong mamahalin ako katulad ng pagmahahal ni Papa kay Mama. I want that kind of love. Yung nandiyan sa highest point ko at mags-stay kahit sa lowest point.

"Are you still thinking about when will you meet him?" pagbasag ni Cassy sa mga iniisip ko.

It's been a week since nareveal ang tattoo ko, and kahit na isa  siguro 'yon sa happiest week ng buhay ko, I'm not gonna lie dahil isa na rin siguro 'yon sa pinakamahaba. Araw-araw akong naghihintay at tumitingin sa paligid, nagbabaka-sakali kung may makikita akong kapareho ng marka. Pero sa bawat pagkakataon na gagawin ko 'yon, nabibigo lang ako.

Nang hindi ako makasagot ay nagpatuloy si Cassy sa pagsasalita. "Huwag kang mag-alala, dahil I'm sure na makikita mo rin siya. Matagalan man dumating 'yung panahon na 'yon, always remember na things will work out." Napangiti ako sa sinabing iyon ni Cassy.

Hinawakan naman ni Laura ang kamay ko. "Ito ang kagandahan ng mga tattoo natin, Asia. Exactly two people lang ang mayroong same tattoo, so kahit matagal mo mang makita, may assurance na nandiyan lang siya. May taong nakalaan para mahalin ka."

"I'll just buy some food muna," pagpapaalam ko sa kanila bago ako pumunta sa hilera ng mga pagkaing tinitinda sa canteen.

Habang nagtitingin-tingin ako ng kung anong pwedeng makain, nakita ko na may sisig pala. Bago ko pa man maitanong kung magkano 'yon, may nakita na akong daliri na nakaturo doon at nagtatanong kung magkano. Sinundan ko ng tingin ito at nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.

"Uh, miss, excuse me, may problema ba?" tanong sakin ng lalaki habang nakangiting ikinakaway ang kamay niya malapit sa mukha ko. Pero kahit na ginagawa niya 'yon ay hindi pa rin maalis ang gulat sa sistema ko at wala man lang akong maisagot sa kaniya.

Crossing StarsWhere stories live. Discover now