Chapter 3

25 3 6
                                    

That night I received a notification ng friend request ni Killian sa Facebook. Pinindot ko ang profile niya para i-stalk, pero wala rin ako masyadong nakita bukod sa profile picture niya at iilang tagged photos sa kaniya. Nang maabot ko na ang dulo ng kaniyang profile ay nag-scroll na ako pataas para ma-accept ang kaniyang friend request.

Maya-maya pa'y nakareceive ako ng chat mula sa kaniya.

Killian: miss na agad kita :'(

Napangiti ako dahil sa message niyang yon at agad na nagtipa ng reply.

Asia: oa, wala pa ngang isang araw HAHA

Napahiga ako sa kama habang nakangiti na para bang mapupunit na yung bibig ko. After ng ilang minuto ay naramdaman kong nagvibrate muli ang cellphone ko.

Killian: i know, pero nabitin ako sa kanina. wish i could be with you longer

Asia: well, kailangan mong magtiis muna HAHAHA. magkikita naman tayo bukas sa school.

Naramdaman kong nag-init ang pisngi ko dahil sa palitan namin ng message na iyon. After ng chat ko, hindi na siya nagreply pa, kaya naman nag-ayos na ako ng sarili para makatulog na.

Kinabukasan, excited akong bumaba sa dining area namin para makakain. Napatingin sa 'kin sina Mama at Papa at alam kong napansin nila na ang extra ng pagkasaya ko ngayong umaga pero hindi na lang sila nagsalita pa. Hindi ko pa sinasabi sa kanila na nakilala ko na si Killian. Gusto kong magkakilala muna kami nang higit at maging close bago ko siya ipakilala sa kanila.

Pagkatapos kong mag-ayos, nagpaalam na rin ako sa kanila para pumasok sa school. Pagkarating ko sa room ay nakita ko si Killian na naghihintay sa may pintuan.

"Wow, good morning. Nauna ka pa sa 'kin dito ah," natatawa kong bati sa kaniya.

"Gusto ko lang makita ka, masama ba 'yon?" sabi niya habang nakangiti na siya namang nagpainit sa aking mga pisngi.

Pabiro ko siyang inirapan bilang tugon kasi wala akong ibang masabi sa kaniya dahil sa kilig. "By the way, pwede ba akong sumabay sa 'yo sa lunch mamaya?" tanong niya sa 'kin.

"Okay lang naman. I mean it's up to you, okay lang ba na kasabay natin sina Laura and Cassy?"

"Yeah, sure, walang problema. See you at lunch then," nakangiti niyang sabi bago nagpaalam.

Pagkapasok ko sa room ay sinalubong naman ako ng mga kaibigan ko asking for details about me and Killian. So habang wala pa ang teacher namin kinwento ko sa kanila yung mga naging pag-uusap namin. Napagpaalam ko na rin sa kanila na sasabay sa 'min maglunch mamaya si Killian at mukhang mas excited pa sa 'kin ang dalawang 'to makasabay siya sa pagkain.

"Since kasama naman ni Asia si Killian mamaya, isama ko na rin Clifford sa lunch ah." Natawa naman ako sa pagpapaalam na yon ni Laura.

Inirapan siya ni Cassy. "Ano, balak niyo ba akong gawing fifth wheel? No way! One boy at a time lang, kaya si Killian lang ang kasabay natin mamaya."

Naputol naman ang usapan namin nang pumasok na sa room ang first teacher namin.

The subjects before lunch went well. Hindi ko naman masyadong inisip si Killian kaya mas nakapagfocus ako at nakapakinig nang maayos sa mga teachers. Nang mag-ring naman ang bell mabilis na nagpunta sina Laura at Cassy sa upuan ko para sabay-sabay kaming pumunta sa canteen.

"Hindi naman halatang excited kayo, no?" Natawa na lang silang dalawa sa sinabi kong 'yon saka ako hinatak para makapaglakad na kami.

Nang makarating na kami sa canteen naroon na si Killian na may mga kausap, mga kaibigan niya siguro. Nang makita niya kami, may sinabi lang siya sa mga ito at pumasok na sila sa loob, leaving him sa may pinto.

Crossing StarsWhere stories live. Discover now