"Yeah.. para kumain ng sobrang unti tas papasok na naman sa kwarto mo para mag mukmok. You know that I'm here right? Sera is one phone away and Aster is coming home." Banggit niya sa akin na hindi ko alam na nakalapit na pala sa pwesto ko. She held my hand and pulled me towards her engulfin me in her tight hugs.

"Our baby girl, huwag nang ganito please. Pinag-aalala mo na kami masyado. Si Aster nung nabalitaan niya ang nangyari ay dali-daling umuwi agad dito." Sabi nito sakin bago ako binitawan.

Naglakad kami papunta sa living room kung saan nandun ang mga bagahi niya.

Tinignan ko siya na nakakunot noo.

"May balak ka bang tumira sa bahay namin, Raldy?" Nagkamot siya ng ulo bago tumango.

"Pumayag naman si Tito eh! Tsaka nagpaalam naman ako kela Tatay at Nanay."

"Wala ka bang mga taping or photo shoot? Laos ka na ba?" Sumimangot siya at hinampas ako sa may braso ng pagkalakas-lakas.

"Grabe siya! Nakitira lang ako kasi nag-aalala lang naman ako tas hindi ako tinatantanan ni Sera at Aster."

Nakilala ko si Aster kay Seraphine at Emerald. Nuong una akala ko hindi niya ako papansinin dahil sa aming tatlo nila Sera ay ako yung masasabi mong plain jane but Aster proved me wrong at isa lang ang masasabi ko mas malala siya kumpara sa dalawa. At hanggang sa may kanya-kanya na kaming trabaho ay hindi ko padin ma intindihan kung ano ang relasyon nila sa isa't-isa.

Raldy said they're definitely sisters but Aster always says not biologically but they are sister.

Ah.. weird girls.

Pinapanood ko lang na mag tnaggal ng kolorete sa mukha si Emerald ng marinig ko ang ugong ng sasakyan sa labas. It must be my father kaya lumabas ako para salubungin siya.

"Dad!" Nakangiting wika ko sa kanya. Nakatalikod ito sa akin kaya nakita ko ang agad nitong paglingon sa pwesto ko.

"Torah.." Sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap at unti-unting nangingilid ang mga luha sa aking mga mata.

"Sorry po kung naging pabigat ako sa inyo nitong mga nakaraang buwan dad." Umiling siya sa akin at hinalikan ako sa ulo.

"It's okay anak, lahat tayo may kanya-kanyang pamamaraan on how to cope up with the death of your sister. Pag pasensiyahan mo na din si daddy kasi hindi ko binalak na kausapin ka. I don't know where to start since we are still grieving with your sister and I want you to have the time in the world to do so. At gusto ko na kapag kakauspain na kita eh medyo maluwag-luwag na sa puso natin." Tumango ako sa sinabi niya kaya inalalayan ko siya papuntang dining table.

Nakita ko si Emerald na naglapag ng cup and saucer na may lamang tsaa.

"Nandito ka na pala, Emerald." Nagmano lang si Emerlad kay daddy bago sumagot.

"Opo, tito. Labas lang po muna ako saglit usap lang kay ni Torah."

Pagkasabi nito ay agad itong lumabas. Nilingon ko si daddy at isang desisyon ang namutawi sa akin.

"Dad, gusto ko po sanang lumipat ng bahay." Nakita ko kung pano tumigil si daddy sa pag inom ng kanyang tsaa bago dahan-dahang inilapag iyon sa lamesa. Tumango lang ito sa akin bago nagsalita.

"Alam ko po na marami tayong memories dito simula nung mga bata palang kami ni Avery pero hindi na po maganda sa akin ang bahay na ito. Halos lahat ng sulok lagi kung nakikita si Avery dito k-kahit sa m-mismong kwarto niya ayoko na po." Naguunahang naglabasan ang mga luha sa aking mga mata.

"Tatlong buwan na po akong wala masyadong tulog. Hindi ako makatulog dahil laging si Avery ang laman ng isipan ko. Alam ko din na magagalit si Avery if laging ganito nalang ako. I want us to move on, dad. Not necessariliy na kalimutan siya pero gusto ko lang na if maalala ko si Avery eh yung mga magagandang katangian lang niya. Kung meron man. Kung possible man."

Right now, all I want is to remember my sister in her smile not t-those lifeless cold body. Hindi ko kaya at pag lalong tatagal ay baka ako naman ang mawala sa tatay ko at alam ko na hindi na iyon makakaya pa ng daddy.

"Okay anak, sige pagplanuhan natin iyan. I'll file a leave, binigyan ako ng ospital ng bakasyon pagkatapos mag ilibing ang katapid mo pero hindi ko iyon ginamit." Tumango ako.

"Thank you anak for telling me. Thank you so much." Humigpit ang hawak ng daddy sa kamay ko.

"Ako na ang bahalang mag-hanap ng mga bahay na pwede niyo paglipatan as for now, I want you Torah and Tito to freshen up. I'll treat you guys dinner! Nanay and Tatay will also be there." Agad kung pinahid ang basa kong mukha at tumawa.

Walang palya talaga tong si Emerald. It's not because I decided to move forward it doesn't mean I'll forget things. It means I'll start a new life remembering her good deeds and tributing her for it because she deserves it. She may not here physically but her love for us will always remain.

That time I suddenly remembered a certain green-eyed guy who tried to give me a hand and told me to get up and start a new life.

Weird.

---
Yay! Henlo my friends 💜 It's raining and I just want to cuddle my pillows and have a good night.

Stay safe everyone.

Sorrowful SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon