Chapter 14: Random

Start from the beginning
                                    

Jasper, he's the leader of Al Durado Gang. I had his neck and I'm pretty confident na hindi niya ako ilalaglag . Kinikilala ko o nagko-conduct ako ng malakawakang pagsasaliksik sa mga taong may malapit na libel sakin o umaangat ang estado sa gangsters world. Lahat ng impormasyon na nasasakam ko ay ginagamit ko bilang  kahinaan nila, at ang kahinaan nga  mismo ang laso para  pasunodin si Jasper sa lahat ng gusto ko. Hindi lang si Jasper ang hawak ko sa leeg. Lahat sila.

Ganun ang sistema sa gangster world, kung sino ang mas maraming alam, at kung sino ang may mas kakayahan na makatagpo at kumonekta ang pinakamalakas sa lahat. Ako mismo ang nagpaniwala sa lahat na sa dugo, pawis, at bilang ng mga kapatiran ang mag aangat sa kanila sa mundo ng gangster. At dahil sa kaisipan na iyon hindi nila namamalayan na pinapain nila ang sarili nila at inilalagay sa kapahamakan.

Nakakatawang isipin na akala nila ang pag angat ng antas nila sa mundo ng gangster ay karangyaan at kapangyarihan. Wala silang kaide' ideya  na bawat hakbang pataas ay kaakibat ng agony at murder, figuratively. The more you get involved the more you risk your life. Lalo na at ako namumuno sa mundong ito. Wala silang takas! Lahat sila ay sunod sunoran at paniwalang paniwala.

Ang dahilan kung bakit ayaw ko ng sandatahan at batalyon sa sarili kong imperyo, dahil lahat ng gansters sa mundo nato ay hawak ko. Sila mismo ang kumakatawan at namamalakad para tumibay,lumawak at lumakas pa ang aking pwersa. Hindi lang ako basta hari ng Alpharetia gang , kundi hari mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaking gang.

Nang makapasok na ako sa isang bulwagan kung saan gaganapin ang  pagpupulong ay inaasahan ko ng lahat sila ay magbibigay pugay sa akin.

Every leader of the group bows and shows FEAR to their King.  Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at tinungo ang upuan sa pinakadulo ng kahabaan ng lamesa na ito.

Mabilis kong inilatag ang katawan ko sa swivel chair na ito at bahagyang iniikot ang sarili patalikod nilang lahat. Agad kong nilabas ang cellphone ko at  pinanuod ang kaganapan nila sa likod. Wala silang kamalay malay na bago ako umupo ay palihim kong ikinabit ang isang camera tube sa likod ng swivel chair.

At hindi nga ako nagkamali sa mga inaasahan kong mangyayare.

Nakita kong ang iba ay nagbabalak na batohin ako , habang ang iba ay dadahang bumunot ng ball pen at patakangkang itutusok sakin.
Tsk . Tsk. Tsk.

Mukhang nagsilakasan ang loob nila at nagiging kompiyansa na lapastanganin ako patalikod. Kung sabagay hindi ko sila masisisi, ilang buwan din akong hindi nagpaparamdam sa kanila. Hmmm?

At inaamin ko medyo dismayado ako sa sarili ko dahil mukhang hindi man lang tumatagal ang takot nila sakin.

Tsk. Tsk. Tsk. Kawawang Hari! Hindi kinakatakutan!

"Siguradohin niyong matatamaan at maibabaon niyo sakin yan. Dahil kung hindi.....hmmm"

Mahinahon kong pagkakasabi na naging mitya para sumilay sa mga mukha nila ang pagkagulat na di' naglaon ay nauwi sa takot.

"Dahil kung hindi patay kayo sakin,"
Nakaismid kong saad at mabilis na inikot ang swivel chair sa harap nila. Lahat sila nakamaskara pero kita ko sa labi at mga kilos nila ang pagnginig ng malamsot nilang pagkatao. Hmmm?

Medyo nainis pa ako dahil wala man lang sa nagtangka kanina ang nagbalak na magpamalas sakin ng tapang. Puta! Nasa likod lang pala lahat ng tapang ng mga bobong tao nato!

"Gagawin nyo o ako mismo gagawa sa inyo ng mga binabalak niyo?" mariin kong saad habang binagbagtas ang bawat atensyon na meron sa kanila.

Mas tumindi ang takot na sumasamo sa kanila . Ang mga guilty ay bumigat ang paghinga at nagkakaroon ng nginig syndrome. I'm giving them a chance and a choice na gawin ang binabalak nila dahil kung hindi ako ang gagawa sa pinaplano nila.

"F*ck! You think yourself as a king when in fact ! Bakla ka! Gago! "

"WAKE UP! HINDI KA NABABAGAY DITO? MAKAASTA KA KALA MO SINO KANG MALAKAS!"

Siya yong lalaking  na nanggigigil na ibaon sakin ang ball pen niya.
Hmmm?

Mabilis niyang ibinato sakin ang ball pen  pero nasalo ng kanang kamay ko iyon. Lahat sila ay nagulat dahil mukhang hindi nila inaasahan ang bagay na iyon sakin. Tsk! Tsk!

Maya maya pa ay nagsitulong nadin ang iba pang mga gago at bwisit na lumapastangan sakin. Wala silang choice kundi gawin yan. Dahil papatayin nila ako o ako papatay sakanila?

Mabilis na naging alerto ang senses ko at inakupa ng atensyon ko ang kilos nila. Pagkatapos ng mabilisang pag aanalisa sa mga atakeng gagawin nila ay printeng nakaupo parin ako at nagpakawala lamang ng ismid.

Hmmmm? Mga bobo!

Nagsilaparan mga ball pen patungo sakin at hindi ko maiwasang humanga dahil tuwid na tuwid pagkakabato nila sa mga ito. Wala  na akong inaksaya pa na oras at mabilis na iniikot ang swivel chair para maging kasangga ko.  Kasabay noon ang pagtakbo nila papunta sa pwesto ko.

Mga nasa lima silang lahat na mga gago at walang kwenta!

Sige! Lapit mga hayop!

Ng maramdaman kong andiyan na sila ay mabilis akong tumayo at umiwas sa mga sabay sabay na suntok nila.  Dahil sa ginawa ko ay kanya kanya silang napuruhan sa sarili nilang opensa.
Hindi na ako nag aksaya pa ng panahon at grinab ang opportunity na umiinda sila . Alternatibong pinagsusuntok ko ang kanilang balikat malapit sa pressure point nila dahilan para maparalisa at hindi makagalaw ng maayos.

Tumalon ako sa kaebabawan ng lamesa at pinagsisipa ang mga mukha nilang walang kakwenta kwenta! Dahil don mabilis na dumarak ang dugo sa mukha nila. Hindi ko akalain na ganto sila kabobo. Alam kong malalakas sila at ginamit ko mismo ang bagay na iyon para patumbahin ang sarili nila.

Sa pagsuntok palang nila kanina batid kong nanggigigil na at puno na ng lakas ang lahat ng iyon. Kaya nga ganun na lang ang epekto ng mga suntok na  sa sarili nila mismo tumama dahil sa kabobohan nila. Tingin nila madadaan nila sa dahas at lakas ang panalo nila. Pweee! Ni hindi nga ako pinagpawisan!

Inilatag ko sarili ko sa ibaba ng lamesa at mabilis na pinagtataga sa leeg ang kanilang ball pen .

Aakmang tatalikuran ko na sila ng namataan kong kumikilos pa ang gagong nilait ang kasarian ko .

Mabilis ko siyang nilapitan at inilagay ang katawan niya sa lamesa. Hindi ko inalintana ang bigat nito dahil nanggigigil ako.

"Ipagpalagay nating bakla ako, hahahaha! Puta! Ito lang yong bakla na tatapos sa buhay mo! " tila demonyo ko pagkakasaad sabay untog ng ulo niya at pwersahang iniliko ang leeg niya. Dahil sa ginawa ko ay umalingasaw sa bulwagan na ito ang tunog ng pagkabali ng boto.

Nakita ko ang reaksyon ng mga natitirang kinatawan ng iba't ibang gang . Ang iba sa kanila ay natatakot at ang iba naman ay pinipilit itago ang pangamba.

"Magsilbing aral sana sa inyong lahat to," mahinahon kong pagkakasabi.

Agad ko na din nilisan ang lugar na ito. Ayoko maging brutal pero kailangan kong panatilihing takot sila sakin dahil yon ang lakas at kapangyarihan ko. Gangster ako, pero malimit akong gumagawa ng kabrutalan at pagkitil dahil hindi iyon ang tunay na hangarin ko.

Sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay naramdaman kong may nakasunod sakin.

"King," I know it's Jasper.

Hindi ako nag abalang lumingon at nagpatuloy sa paglalakad.

"Ayosin at linisin mo sila. Siguradohin mong mabubuhay ang mga bobo na iyon!"

Saad ko sa kanya bago tuloyang lisanin siya. Ayaw na ayaw kong pumatay pero they leave me no choice. Kailangan ko silang sindakin para matuto sila at mapagtatantong mali ang kalabanin ako.  Mabait pa ako sa palagay ko na iyan . Ginagamit ko ang pagiging hari ko para hindi gumawa ng talamak na maling gawain. May mas malalim ako na dahil kung bakit ako napaparito.

***
To be continued...

Dreaming Of You [On Going]Where stories live. Discover now