"sampung mga daliri---aray" di na natuloy ni vice ang kanta dahil binatukan na sya ni K dahilan para muntik matumba si Vice kasi nga nasa sahig si Vice nakaluhod para makapantay si K na nakaupo sa couch

"akala ko naman kakantahan mo ko ng sweet.." naiinis na sabi ni K pero halatang natatawa dahil sa kakulitan ni Vice

"sweet to, patapusin mo muna.." natatawang sabi ni vice habang lumuluhod nanaman ng maayos sa harap ni K, inirapan lang naman si Vice ng huli..pero tinuloy nya parin ang kanta

"sampung mga daliri nawala ang lima...hinanap ko..."

"hinanap ko..." hinawakan ni Vice ang kamay ni K

"na sayo pala.." sabay halik sa knuckles na nagpasmile naman kay K

"sorry na..wag ka ng magtampo" namamalat paring sabi ni Vice

"papatawarin lang kita pag nagpacheck up kna..." concern na sabi ni K

napabagsak naman ang balikat ni vice sa narinig... "ang dami kong ginagawa Kurba may shoo----"

di pa tapos ang sinasabi ni Vice tumayo na agad si K... 

"sige na umalis kana baka hinahanap kana ni Direk..." nagpaka busy na si K sa pagayos ng mga gamit nya pumasok narin yung PA at Make Up artist ni K kaya di na nakapagpapansin si Vice kay K dagdag mo pang di maganda ang pakiramdam nya kaya lumabas nlang sya... 

//

"hay naku Vice..." napailing si K dahil natatawa sya sa pinagagagawa ni Vice...

alam kasi ni Vice na hindi nanaman sila magkikita ni K dahil bawal nyang papuntahin si K sa bahay nito dahil nandun lagi si Sandy.. hindi rin sila makalabas dahil baka ma issue isa pa walang time talaga si Vice, hindi rin pwdeng pumunta si Vice sa bahay ni K dahil nandun naman si yael kaya naman...

"cameo talaga?" natatawang tanong ni K sa sarili nya ng binasa ang pinadalang kontrata ng manager nya sa bahay nya..binuklat lang nya yung folder pero yung envelope di nya pa binubuksan... "anong pangalan ko kaya dito? psh wag homopia cameo ka lang wala ka ngang lines.." natatawang puna ni K

"wedding organiser, crush ni Mark? mark? di ba yun yung baklang character sa GBBT? eh bat si mark?" kausap ni K ang sarili nya habang kumakain ng apple sa sala at binabasa ang script.. 

"hawi ng kurtina, then enters the venue, Peter will spot you then EYE TO EYE contact while dancing whoops kiri" napailing nanaman si K dahil binabasa palang nya alam nyang di nya mapipigilan ang kiligin.. 

50 SHADES DARKER VICE (ViceRylle SPG)Where stories live. Discover now