CHAPTER 10

523 4 0
                                    

Nasa byahe kami at tahimik lang ako na nakaupo sa frontseat ng ashton martin ni Harry , hindi ko alam kung bakit ako sumama sa mga lalaking ito at ako lang talaga mag isang babaeng kasama nila. Hindi naman daw makakasama ang mga kaibigan nilang babae kaya naisipan nilang isama nalang rin nila ako.

At pupunta kami ngayon sa hospital , hindi ko alam kung anong gagawin namin doon. Tinatanong ko si Niall tungkol don pero hindi naman nya ako sinasagot kung anong gagawin namin sa hospital. May sakit ba si Harry ? At kailangan nito ng moral support ng mga kaibigan nya? Kaya nya kami sinama?

" and we're here "

Ani Niall at agad na bumaba sila sa kotse , bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse na nasa gilid ko..

" ako na "

Biglang sabi ni Harry at mabilis syang lumabas ng kotse nya at pinagbuksan ako ng pinto. Nakangiting nakatingin sa kanya ang mga kaibigan nya habang pinagbuksan nya ako ng pinto.

Sekreto ko nalang na kagat ang labi ko at bumaba sa kotse nya. Nakita kong may dala ng mga malalaking supot at malalaking box sina Niall, Frank at Rian.

Ano naman ang laman ng mga iyon ? Ano nga bang gagawin namin dito ?

Binigay ni Niall ang dala nyang isang supot kay Harry at dinala nila ang mga ito papasok sa hospital. Ako lang ata ang walang bitbit, sumunod nalang ako sa kanila. At habang papasok kami sa loob nakangiting binabati kami ng mga nurses at staff sa  hospital, halatang kilalang kilala na sila dito.

At napatingin ako sa ibabaw ng pinto na hinintoan namin.

Childrens ward.

Basa ko doon, ng binuksan na ni Harry ang pintoan, nakangiting pumasok doon si Harry at sina Niall. Pagkapasok ko naman bumongad sa akin ang mga batang nakahiga sa kanilang hospital beds at may dextrose pa sa mga kamay nila.

Kita ko sa mga mukha nila ang saya sa pagdating namin sa loob.

Napatingin ako kay Harry na nakaupo na sa gilid ng kama na kinaroroonan ng isang batang lalaki na halus parang kalansay na ito sa sobrang payat.

Napatitig ako sa mukha ni Harry na masayang nakikipag kwentohan sa batang payat na nasa tabi nya. Parang nakikita ko sa kanya ang isang kuya na masayang nakikipag kwentohan sa kanyang batang kapatid.

" welcome to our favorite place Yvoree. "

Napatingin ako kay Niall na nasa gilid ko.

" matagal na naming inaalagan at binibisita ang mga batang ito. Si Harry din ang nagdala sa amin dito noong bago palang kaming nagkakakilala. Pinakilala nya kami sa tinuturing nyang mga kapatid at pamilya, ang mga batang ito. Kaya naging malapit narin ang loob namin sa mga batang nandito. "

Hindi ko maitatanggi na halus lumokso ang puso ko sa nakikita ko , masayang masaya ang mga bata habang kumakain sa dalang mga pagkain nila  Harry para sa kanila. At naglanding ulit ang mga tingin ko kay Harry na ngayon ay nakatingin narin pala sya sa akin.

Ngumiti sya sa akin at mas lalong kumabog ang puso ko sa ginawa nya.

Napangiti ako sa kanya at agad na iniwas ang tingin ko, hindi ko alam kung bakit parang nag slowmotion ang tingin ko kay Harry sa twing ngumingiti sya.

Ano ba naman yan, hindi ko na ata maiintindihan itong mga ginagawa ko. Hindi nga ako nakapag paalam kay Louis , at saka mga lalaki pa kasama ko.

Sigurado akong magagalit talaga si Louis pag nalaman nya itong ginagawa ko habang wala sya.

" Hi ? "

Napatingin ako sa batang nakaupo sa kanyang hospital bed na nasa gilid ko, she's smiling at me kaya hindi ko rin maiwasang mapangiti at lumapit ako sa kanya saka umopo ako sa gilid ng bed nya.

GUILTY PLEASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon