CHAPTER 9

525 5 0
                                    

Excited akong simulan ang araw ko ngayon dahil babalik na sina Louis dito sa Maynila. Sa wakas ay makakasama ko na ulit ang nobyo ko, namiss ko sya ng sobra talaga.

Kahapon naman buong araw akong nasa boutique , habang hinihintay na matapos ang araw para agad ko ng makapilig si Louis ko.

Nasa boutique narin ako ngayon at kaka open ko lang dito , dala ko rin ang coffee ko na dinaanan ko kanina sa bilihan ng coffee . Mahilig akong mag kape at hindi mabubuo ang araw ko pag wala ito.

Humihigop ako ngayon sa kape ko ng bumokas ang glass door ng boutique ko at nakita ko si Harry. May dala syang supot at nakangiti nyang inilapag iyon sa lamesa ko.

" whats that ? "

Umupo na naman sya sa edge ng lamesa ko at binuksan ang supot na dala nya.

" cookies , para iparis sa coffee mo "

Na surprise ako sa sinabi nya at napatingin sa isang lunch box na dala nya at ng binuksan nya iyon natakam agad ako sa mga cookies na dala nya. Teka, paano nya nalaman na mahilig ako sa cookies ? O baka naman coincidence lang ?

" bakit mo naman naisipang dalhan ako ng cookies ngayon ? "

Nagkibit balikat sya saka lang sumagot .

" I love cookies , breakfast ko yan kanina sa bahay naalala kita kaya dinalhan na kita dito. Ayaw mo? "

Napatitig ako sa kanya saglit, parang natigil lang saglit ang puso ko sa sinabi nyang naalala nya ako habang nag breakfast sya sa bahay nya kaya nandito sya at dinalhan ako ng cookies.

" deretsahang tanong ko lang Harry ha. May gusto ka ba sa akin ? "

Walang pag aalinlangan kong tanong sa kanya, alangan naman na hindi ko maitanong yun ? Hindi sa nag assume ako or what kasi naman , inaalala ko lang na may boyfriend ako tapos hindi sya dapat magkakagusto sa akin, I need to be careful lang at naninigurado lang ako .

Nakita ko ang pag igting ng panga nya at nangilid ang labi nya sabay titig sa akin. And there, those eyes .. I can see theres something there, na hindi ko maintindihan at mababasa .

Ngayon ko lang rin masasabing ang ganda talaga ng mga mata nya , looks like you're looking a green forest .. ang lamig ng mga mata nyang kulay green talaga. At coincidence din ba na pareho kami ng kulay sa mata? May lahi kasi si mommy na taga england kaya namana ko ang mga mata ni mom.

" what if I tell you that I do ? "

Napakurap ako at parang natigil na naman sa ikalawang pagkakataon ang puso ko sa narinig sa kanya.

" Hindi "

Naiiling na sabi ko sa kanya at napatayo sya mula sa pagkakaupo nya sa table ko,  and he leans on the table with his both hands holding at the edge of my table to support himself.

" what did you just say ? Anong hindi ? "

Para akong na statwa sa inuupoan ko, salubong ang kanyang mga kilay habang nakatitig sa akin at ako naman na parang na umid ang dila dahil sa tingin nya sa akin.

" hindi ka pwedeng ligawan ? Iyon ba ang ibig mong sabihin ? Ano ka ? 15 years old?"

Pang aasar nya sa akin at napasandal ako sa sandalan ng swivel chair ko at naka cross arms na nakipag titigan sa kanya

" I'm not a 15 year old girl but I need to be focus muna sa sarili ko, no boyfriend ? No problem .. ganon yun "

Napatawa sya at naiiling. Oo at nagsinungaling na naman ako , and I dont care .. as long as safety ang relationship namin ni Louis.

GUILTY PLEASUREWhere stories live. Discover now