CHAPTER 36

154 2 0
                                    

Napatanga ako sa sinabi nya... Malinaw na narinig ko ang mga katagang iyon galing sa kanya.

Malakas ang kaba sa dibdib ko at parang may kung anong koryente ang dumaloy sa loob ng katawan ko .

" I'm so inlove with you Yvoree, I wanna make you happy always. I don't want to hurt you, gusto kitang alagaan at makasama araw araw. God knows how I want you to be mine"

Napalunok ako at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nalilito ako kung ano dapat ang isasagot ko sa kanya.

I know i have feelings for him too, but I'm afraid to tell him right now. Kailangan ko pang kausapin si Louis tungkol sa amin, sobra na itong ginagawa ko ..

" Yvoree, will you be my girlfriend ? "

Dugtong pa nya.

I wanna say yes , pero mahigpit kong pinipigilan ang sarili ko . I need to answer him, ano ba ang dapat kong sabihin ? Shit! Ayokong masaktan ko ulit sya, pagkatapos nya akong pasayahin ngayong araw hindi  sya dapat makarinig ng salita na makakasira sa araw nya ngayon.

" Yvoree ? "

Pareho kaming napaigtag at napalingon sa likod ko, at napabuga ako ng hangin ng makita ko si Dad.

He's looking directly to Harry kaya agad na binitawan ni Harry ang kamay ko para lumapit kay dad at nag mano.

" Goodevening po sir, uhm .. hinatid ko lang po si Yvoree. Pasensya na po at nagabihan sya ng uwi "

Ani Harry kay dad, lumapit ako sa kanilang dalawa at tiningnan ako ng makahulogang tingin ni Dad kaya napayuko nalang ako .

" Okay lang iho, pasok muna sa loob maghaponan muna tayo "

" Ay nako wag na po sir, tapos na po kaming mag dinner ni Yvoree. Salamat po"

Nagkasalubong ang mga mata namin ni Harry , I'm happy that he's being so respectful in front of my father.

" Uuwi na po ako sir, gabi na rin po kasi. "

" Sige iho, mag-ingat ka. "

" Opo, salamat po "

Muli ay tumingin sa akin si Harry at nag wave lang sya sa akin, nginitian ko lang sya saka sya lumabas sa gate ng bahay namin.

Napabuntong hininga ako at nakayuko parin habang nasa gilid ko lang si dad nakatayo . Alam kong may sasabihin sya kaya naghintay akong magsalita sya. Narinig namin ang engine ng sasakyan ni Harry hanggang ang pag alis nito ..

" Nag usap na ba kayo ni Louis anak? "

I knew it, tatanongin nya talaga ako..

" Hindi pa dad, ayokong ako yung maunang lumapit pa sa kanya at makipag usap sa kanya. Kung mahal nya ako , pwes mag lalaan sya ng oras para kausapin ako. Kahit yun lang, mapakita nyang mahalaga pa sa kanya ang relasyon naming dalawa"

I heard him sign.

" Tama ka naman, dapat kaming mga lalaki ang unang sumusuyo sa minamahal namin. Pero anak , minsan kailangan nyo ring isipin ang mali ninyo at tanggapin na mali kayo para madali lang sa inyo ang humingi ng patawad. Alam ko naman na may natitira pang pagmamahal dyan sa puso para kay Louis. "

Napatitig ako kay dad at kumonot ang noo ko. Minsan hindi ko rin maintindihan si dad, ramdam ko kasi na palagi nalang si Louis yung nilalabanan nya sa twing mag aaway kami.

" Dad, please wag ka na munang mangialam sa away namin Louis. Kung kakausapin nya ako mas maganda yun, pero kung ayaw nya wala na akong magagawa don. Okay na sa akin yung two years akong naghintay at umintindi sa kanya"

GUILTY PLEASUREWhere stories live. Discover now