CHAPTER 6

661 4 0
                                    

Nababagot na ako dito sa bahay saka hihintay matapos ang two days, sa loob ng two days na ito hindi ko makikita at makakasama si Louis dahil nandon sila sa Negros, Bacolod city ata yung pangalan ng lugar kung saan nila gaganapin ang bagong movie nila ni Sabrina.

Kakatapos lang pinalabas nong bagong movie nila ngayon naman may bago na naman silang project dalawa , proud naman ako kay Louis dahil ang dami na nyang naa achieve sa buhay.

At heto ako , naghihintay na pakasalan nya para bumoo ng isang pamilya at iyon na ang magiging isa sa mga matutupad kong pangarap sa buhay .

Napatingin ako sa cellphone ko ng lumiwanag ito sa gilid ko habang nakahiga ako dito sa kama ko.

Kinuha ko ito agad at binasa ang message sa akin ni Louis.

We're here na love , tatawagan kita mamaya.. i love you . I miss you already.

Napangiti ako at nag type ng erereply sa message nya ..

Ingat ka dyan love , maghihintay ako sayo. I love you ..

Alas sais palang ng umaga at panibagong araw na naman , ang araw na hindi ko muna makakasama si Louis. Hays, hirap bumangon pag wala ka namang gagawin. Ayaw ko sanang magbukas ng boutique ko ngayon , pero wala naman akong gagawin bubuksan ko nalang ang clothing and shoes boutique ko.

Bumangon na ako at naligo , pagkatapos ay nagsuot ako ng maong jeans at white tshirt saka pinarisan ko narin ng black jacket, balak kong mag bike nalang papunta doon sa boutique ko, gusto ko lang langhapin ang simoy ng hangin sa paligid habang maaga pa pati ang sikat ng araw.

Agad akong bumaba at natagpuan kong nagkakape pa si Dad, napatingin sya sa akin..

" may pupuntahan ka ? "

Tanong nya.. tumango ako..

" yes dad , bubuksan ko ang boutique "

Tumango lamang sya sa akin at hinalikan ko sya sa pisngi bago ako umalis ng bahay , kinuha ko ang bike ko sa garahe namin at agad akong sumakay don.

Ang sarap talaga sa pakiramdam pag maaga kang gumising at makakalanghap ka agad ng fresh na hangin at lalo na pag dadampi ang sinag ng araw sa mukha mo..

Unti unti ko naring naramdaman ang lungkot ngayon , lalo na pag naiisip kong malayo sa akin si Louis , pwede naman akong pumonta doon pero makakadisturbo lang ako doon sa kanya. Kailangan pa naman nyang mag concentrate sa movie na ginagawa nila.

Napatingin ako sa  babaeng nagbubukas ng pinto ng isang gusali, isang library. Agad akong huminto at nilagay sa gilid ang bike ko.

" goodmorning.. "

Bati ko sa kanya with matching smile ..

" magandang araw din sayo "

Nakangiting bati nya rin sa akin. Huminto ako dito sa library dahil maghahanap ako ng librong pwede kong libangan mamaya pag boring sa boutique..

Ng tuloyan na nyang nabuksan ang pinto ay agad pumasok na kami sa loob, agad kong tinungo ang kinalalagyan ng mga libro. Napakaganda tignan lahat , naka arrange at parang araw araw nililinisan.

" ano bang maganda basahin ? "

Tanong ko sa sarili habang patuloy na naghahanap ng biglang..

May humawak sa braso ko at pinaharap nya ako sa kanya.. nanlaki ang mga mata kong napatitig sa kanya.. nagulat ako sa ginawa nya , at kinabahan ako doon sa biglang pag hawak nya sa  akin sa braso.

" anong - "

Magsasalita sana ako ng bigla nyang hinarangan ang bibig ko sa kamay nya at may tinitingnan sya sa gilid namin ..

GUILTY PLEASUREWhere stories live. Discover now