CHAPTER 33

161 5 0
                                    

Napamulat ako ng makarinig ako ng mahinang katok mula sa pinto ng kwarto ko, bumangon ako at binuksan ang pinto, nakita ko si dad nakatayo sa harap ko at dala nya ang isang tasa ng kape.

" Good morning anak, nagdala ako ng kape"

alam kong alam ni dad na nag away kami ni Louis kagabi at nakikita nya rin ang mga mata ko ngayon na namamaga. He look so worried ...

" Good morning dad, thank you po sa kape. ako na po mag luto ng pang breakfast natin ngayon dad. "

agad kong kinuha sa kanya ang tasa.

" nakaluto na ako anak, kailangan kong pumunta ng maaga sa farm. bumaba ka na at kumain ng breakfast, tapos na rin ako kumain.. "

tumango lang ako kay dad, at yumuko. I cant look directly to my dad knowing that nag aalala sya sa akin.. ayokong dumagdag sa problema nya, he's a busy person ayokong mag aalala sya habang nagtatrabaho sya sa farm.

" anak, di ko man alam kung ano ang nangyayare sa inyo ni Louis pero nandito lang ako anak, pwede mo akong kwentohan kung anong nangyare anak. ayokong nakikita kang ganyan, "

nginitian ko si dad at tumango ako sa kanya .. I know pwede ko  e share sa kanya ang nangyare pero natatakot akong malaman nya ang mga ginagawa ko with Harry. Takot akong marinig ko mula kay dad na hindi ako karapatdapat mahalin ng kung sinong lalaki dahil ang dali kong mapasok sa temptation.

" aalis na ako anak. kumain ka na ha "

" Ingat ho kayo dad "

Nang tumalikod na si dad ay agad kong sinara yung pinto. Napatingin ako sa kape na bigay ni dad, I'm lucky to have a dad like him. kahit wala si mommy di nya ako pinababayaan, siguro minsan na feel ko rin na di na ako napapansin ni dad pero alam kong di nya ako pababayaan.

Pagkatapos kong mag maligo agad akong nagbihis para pumunta sa boutique. Nag breakfast muna ako bago ako umalis ng bahay.

Nag iba ata ang panahon, mukhang maaga pa naman pero bakit masakit na sa balat ang sinag ng araw ngayon ?

Masakit ang ulo ko, namamaga parin ang mga mata ko sa kakaiyak kagabi.

Gusto ko syang tawagan ngayon pero umiiral ang galit ko sa kanya.

Yes it's my mistake, pero sana rin alam nya kung saan din sya nagkulang sa akin. I want him to realize that.

Wala pa si Layla kaya ako na ang nag bukas sa boutique ko, baka may hang over pa yun at baka nga di na yun makakapunta dito.

Ang lamya ng simula sa araw ko ngayon, at tuwing naiisip ko si Louis di ko maiwasan ang mapaluha na naman. I miss him, and I love him .. but I'm tired. Pagod na ako sa kakaisip kung kailan ba kami darating sa punto na pwede ko na syang makasama sa iba't ibang lugar, maka labas kami ng walang iniisip na magmamasid sa amin na mga fans at media. 

Naisip ko tuloy sa sarili ko na baka, kinakahiya nya lang talaga ako kaya di pa nya magawang aminin na meron syang girlfriend at ako iyon.

Napakasarap siguro ng buhay namin ngayon kung alam lang ng lahat na kami ni Louis at malaya kaming ipakita sa lahat ang pagmamahalan naming dalawa.

Pero, napagod ako sa kaka imagine at kakaisip na ganon sana dapat ang mangyayare .

Nasasaktan ko lang ang sarili ko ..

Wala naman akong gana ngayon, at talagang tinatamad ako kaya nag decide nalang ako na mag close ng boutique at dito nalang ako sa loob muna mag stay, nakakatamad bumalik sa bahay.

I'm busy searching for a movie on Netflix when suddenly my phone rings.

It's Harry

" hey "

GUILTY PLEASUREOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz