Chapter 3 - Must not be harmed just like his heart

210 4 0
                                    

Guys, so how was Chapter 2? Si Eric Prince Fuentabella, how was he? Kyaa~ haha. Thank sa mga sumusuporta sa story ko. Spread if this story is worth it.

So eto na yung Chapter 3.

____________________________________________________________________

Chapter 3 - Must not be harmed just like his heart

After ng nakilala ko si Prince, naging maluwag na ang mundo ko. Hindi ako ganun ka bitter kela ate Ria and Kat. Pero man hater parin ako. Gumaan lang loob ko ng konti dahil kay Prince. Parang kapatid ko na tuloy yung tao. Matagal ko nang gusto ng lalaking kapatid at ngayon lang ito nangyayari sa akin.

“Ate Ria, may napapansin ako kay Glai” sabi ni Kat kay ate sabay tingin sila sa akin suspiciously.

“Ano ba yun Kathleen?” sabay ngiti. OY! Alam ko yung ngiti na yan. ‘evil smile’. Ano nanaman ang iniisip ng dalawang ito.

“Hindi na ikaw bitter pagdating sa guys, bakit kaya? Well, somehow, may pagkabitter ka parin pero di na tulad ng dati” seryoso, bawat galaw ko ba pinapanuod nitong babaeng ‘to? Kasi lahat alam eh.

“Wala. May nakilala kasi ako, tinuring kapatid ko. Ambait, pero sa kanya lang ako hindi bitter. Ako parin yung man hater na kilala niyo noh! Maiwan na nga kayo.” Umalis ako at lumabas ng restaurant. Break namin kaya naman pwedeng umalis. Pumunta ako ng mall para magpalamig? Anuraw? Diba dapat fresh air? Hilig ko na kasi mag-mall. Ito bestfriend ko kapag wala akong kasama.

Nagpunta ako sa music store dahil nga sa hilig kong tumugtog ng instruments.

Pumasok ako sa store at may nakita akong lalaki na mukhang malungkot at nakaupo dun sa harap ng piano. Nilapitan ko siya at nagtanong “You play the piano?” Tumingin siya sa akin at kita parin ang kalungkutan niya kahit na nakangiti siya.

“Yes I do but sadly, I can’t” sabi ng lalaki sa akin. Huh? He plays the piano pero he can’t? Anlabo naman niya.

“What I mean is I play the piano but now? I can’t. My left hand is injured.” What the? A pianist hands’ are precious.

“Huh? How? A pianist hands’ are precious, they must not be harmed?” nosebleed naman ako dito. Inglesero~. Pero bakit? I’m musically inclined and I know dos and don’ts of being and instrumentalist.

“I punched the wall because of a girl. How stupid of me right?” BAKIT BA PURO BABAE?! Nung isang araw si Prince malungkot dahil sa isang babae ngayon naman itong lalaking ito? Asdhfrjbgj. Nakakainis na pero ang gaan ng loob ko sa kanya, why?

“Well, I understand you; I have a friend who was cheated by his girlfriend. He found out about it few days ago. Why do they do that to guys who plays the instruments?” sinabi ko sa kanya. Marunong ba ito magtagalog? Kakaewan yung pagEnglish eh.

“Are you talking about Eric? You know him?” he asked me. Tekaaa! Ano? Eric? Sinong Eric? … AHHH! Eric Prince Castillo nga pala~.

“Yes, Prince. Wait, you know him as well?” tiningnan niya ako at nagsmile. Ang cutee niyaa *o*

“Kabanda ko yun eh ^_^ v” NAGTAGALOG SI KOYA! What? Kabanda niya? Tama ba yung narinig ko? Siya yung pianist ng Off Limits? Bakit ba lagi ko silang nameemeet?

“Oh, by the way, I’m Arthur Rafael Fuentabella. The pianist of Off Limits. You are?” puro friendly ba talaga ang mga members ng Off Limits?

“I’m Glaiza Anne Ty” ngumiti nalang ako since awkward yung atmosphere ko sa kanya. “Uhmm, Arthur… tanong lang, bakit ka nga pala andito?” ayan nanaman siya sa pagngiti niya. Hindi mo akalain na yung ngiti na yan nawala dahil sa iisang babae lang. Hay naku.

Target ata ng mga babae yung Off Limits eh. Dalawa na ang naging malungkot. Ilan ba members ng Off Limits? Tatlo na kasi ang nakikita ko eh. Kidnapper nga lang yung isa. Haha.

“Daddy ko kasi owner nito, sa likod may music studio. Want to come?” um-oo ako at sumama kay Arthur sa loob.

Pagpasok namin ito ang aking itsura… O___O. Anlaki! Anganda~ Dream Studio Room ko ito. I love it. “So, how’s it?” tanong niya sa akin. “I love it~”.

“You can play anything if you want to.” Since he said that, pumunta ako dun sa may drums and started playing it. Namiss ko ito, grabe. Halos isang taon ko nang hindi ito nalalaro. Maya maya, hindi ko namalayan na isang oras na kami ni Arthur sa loob ng studio room.

Biglang may apat na lalaki pumasok. What? I think…that’s Off Limits.

“Laine! Andito ka?” sabi ni Prince sa akin.

“LAINE?” sabay sigaw ni Mr. Kidnapper este Dylan at ni Arthur.

“Yan tawag ko kay Glaiza. WALANG GAGAYA!” grabe pala mga ito pag ipagsasama mo sila.

“Prince, yep~ Pumasok ako then nakilala ko si Arthur eh. I was playing the drums nga pala. Haha” lumapit si Prince sa akin then he smiled. Ang cute talaga ng lalaking ito. Kung hindi ko siya kilala, iisipin ko na masbata ito sa akin.

“Rinig ko nga, ang galing mo Laine! Tara, tugtog tayo” bago pa niya ako hilahin may umepal… Sino pa ba? Si dakilang kidnapper.

“HEP! May praktis tayo hayaan mo muna yan” tingnan mo ito. Lagi umiinit ulo ko dito eh. Lalabas na sana ako nang pinigilan ako ni Arthur.

“Teka lang Glaiza, you do play the piano, right?” I nodded and he smirked. Humarap siya kay Dylan and… “No way, Arthur. Hindi yan pwede. Whatever you’re thinking…it’s a no for me” Ayy grabe! Nagenglish si Dylan. Baka naman englishero talaga si Arthur.

“Well, who’s agreeing with me? Since I can’t play the piano at the moment, let Glaiza replace me for a while. Anyways, I only need 1 week for my hand to heal.” Nagtaas ng kamay yung apat pero si Prince at si Arthur lang yung kilala ko. Yung dalawa ata yung gusto ni ate Ria at ni Kat eh.

“So ano na, Dylan? Majority wins then. Give her the sheet then she’ll play it. Glaiza! Good Luck.” Binigay na sa akin yung sheet then I tried playing it. Galing ko! Nagawa ko kaagad. After 3 hours, grabe nakakapagod yun, natapos na rin kami. Bakit nga pala ako pumayag. Hay nako Glaiza.

Umalis na yung apat at naiwan nanaman ako kay Arthur.

“Arthur, ano nga pala ginawa ng girl?” tumingin siya sa akin at umupo dun sa tabi ko. “Iniwan ako eh. Mas pinili niya yung career niya. Paano ba naman, model siya ede pinapalibutan siya ng guys for couple pictures. She just dumped me during our 2 years anniversary.”

“Oh, ano ba meron yung girls sa inyo. Una kong nalaman na iniwan is si Prince. Ngayon naman ikaw?” yumuko si Arthur at hinawakan yung parte ng kamay niya na injured.

“Actually, sila Lance and Blake once nangyari na rin yun kaya napakatahimik nila. Ewan ko nga bakit kami ginaganito eh. Wala na nga sa amin may gusto mainvolve sa isang relationship but we still did except si Dylan. Malaki yung sakit na naramdaman nun eh. Kahit sinong babae lumapit diyan, wala nang makakapaglambot pa ng batong puso ni Dylan.” Kawawa naman pala si Dylan.

“Hindi ko na itutuloy ang storya niya. Hayaan mo nalang siya kapag ikwento niya sa iyo. Anyways, hindi ka pa ba uuwi?” Ou nga pala. Tumayo ako at kinuha na ang bag ko. “Arthur, sige mauna na ako. Salamat sa ngayon ah. Haha. See you soon then. Bye~”

Umalis na ako ng store at nagikot muna sa mall bago umuwi.

Arthur. Arthur Rafael Fuentabella, the pianist of Off Limits. The person whose left hand is injured. The person who was dumped on their 2nd anniversary together. A pianist hands are precious. They must not be harmed like his heart.

Today, I met another member of Off Limits. Naguguluhan ako kung bakit sila ginaganito. I don’t know but they all seem the same.

They all have this fragile hearts na lagging binabasag. Kahit na man hater ako, nararamdaman ko rin ang mga nararanasan nila dahil once iniwan rin ako ng taong mahal ko. Hindi lang ang sa daddy ko yung naramdaman ko. I once had a boyfriend na iniwan rin ako.

____________________________________________________________________

So here is Chapter 3. Sorry kung maiksi siya babawi ako sa Chapter 4. Thank You po talaga sa mga sumusuporta~

Vote and Comment

I'm a Man Hater -- CHAPTER 13 | hiatusWhere stories live. Discover now