Chapter Ten

603 64 23
                                    

[ten]

Nang makapasok sa bahay ay wala sa sariling napahawak ako sa labi, hindi ko pa namalayang nakangiti na pala ako na para bang takas sa mental hospital.

Did he just fucking kissed me?

Shems! Napaka-late reaction ko naman at ngayon lang nag-sink in sa utak ko ang kaninang pagnanakaw nito ng halik sa akin. So... siya ang first kiss ko?

Tumagilid ang ulo ko saka kinagat ang labi upang pigilan ang sarili na huwag ngumiti. Bakit ba ako natutuwa? Isa pa 'tong tiyan kong kumakalam-- ito ba 'yong sinasabi nilang “butterfly in your stomach”?

"Napa-ano ka, hija?" Rinig kong sambit ng isang boses.

Doon ko lang namalayan na naroon na sa harapan ko si Tita Cecille-- ang mommy ni Ramille. Kumunot ang noo ko nang matantong kanina pa siya nakatitig sa akin. Hala ka, nakakahiya!

"Ti-- Tita?" Hindi makapaniwalang bulalas ko saka pa nanlalaki ang matang tinitigan siya. "Kailan ka pa nakauwi, Tita?"

"Uhm, kani-kanina lang naman." Aniya at tuluyang nang lumapit sa kinatatayuan ko.

Noong isang araw kasi ay umuwi ito nang France para sa business nila ni Tito na Wine and Liquor Company, na mayroong branches na rin sa iba't-ibang panig ng bansa.

Huminto si Tita sa mismong harapan ko at marahang hinawi ang buhok kong nakatabon sa mukha ko, iniipit niya iyon sa gilid ng tainga ko dahilan para makita nito ng buo ang namumula kong mukha.

"So, bakit ka nakangiti kanina, hija? Care to tell me?"

Sa narinig ay napaubo ako at sandaling pumikit. Pahamak talaga! Bakit ba kasi ako kinikilig doon kay Patrick? Tch, ang kupal na 'yon.

Huminga ako ng malalim bago nagdilat saka nahihiyang ngumiti kay Tita.

"Wala po 'yon, Tita. May naalala lang po."

Mahina itong tumawa, kahit nasa mid-fourties na ito ay kita ko pa rin sa kaniya ang pagiging glamorosa at sopistikada. Ganiyan siguro kapag mayaman, naalagaan ng mabuti ang sariling katawan.

"Naku, sa akin ka pa talaga nagsinungaling. Ganiyan din ako noong kabataan ko kaya hindi naman na bago 'yan sa ganiyang edad mo." Mahabang lintanya nito na siyang tinanguan ko.

"Tita naman e, wala nga 'to." Pagpupumilit ko kahit mukha na akong baliw dahil pigil ko pa rin ang sarili na huwag ngumiti.

Tumawa na naman ito. "Oh siya, ayoko namang ipagpilitan ang opinyon ko sa taong in-denial pa. Aakyat na muna ako, ah? Magpapahinga lang."

"Sige po, Tita."

Matapos ako nitong halikan sa pisngi ay deretso na itong umakyat sa taas. Naiwan naman akong tulala roon habang tinitingnan ang likuran niya, hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.

"Ako, in-denial?" Bulong ko saka pa itinuro ang sarili.

Pagak akong tumawa at nailing. Ayoko na! Nababaliw na ako. Ilang segundo pa nang mag-desisyon na rin akong umakyat at pumasok sa sariling kwarto.

Malakas pa rin ang ulan sa labas kaya mas pinili kong mahiga na lang muna sa kama, matapos kong makapagpalit ng damit at mag-ayos. Ang sarap pa namang matulog kapag ganito ang klima sa Pinas.

Teka, nakauwi na kaya iyon si Regina? Sabi pa naman no'n ay magtext ako. Muli akong bumangon para kunin ang phone sa loob ng bag ko at mabilis ding lumundag sa kama.

Nang makahiga ay doon ko binuksan ang cellphone, tumambad sa akin ang ilang text messages ni Regina.

Ano gurl? Nakauwi
ka na ba? May
sumundo ba sayo?
Dito na ako sa
bahay e.

We Belong Together [Completed]Where stories live. Discover now