"Mag drive ka na. Baka ma-late pa tayo" utos ko pero deep inside hindi ko mapaliwanag ang kilig na nararamdaman ko.

Nakarating kami sa bahay nila. Sa bakuran ng bahay nila gaganapin ang party. Pag dating namin doon ay marami nang mga bisita ang naroroon. Halos lahat ay mararamdaman mong may kaya sa buhay.

Hindi naman binitawan ni Gab ang kamay ko. Pagpasok namin doon ay agad naming pinuntahan ang mga magulang niya.

"Ged! You're here!" agad kaming sinalubong ni Tita Euphy nang makita kami ni Gab. Niyakap niya ako at sunod naman si Gab. Kasama rin niya ang asawa niya.

"Happy Anniversary po Tita and Tito. And I'm sorry po about last time-"

"Ano ba. Wala na iyon. And thank you for coming" Tita Euphy hugged me again. Nag-smile naman sa akin si Tito Charles. Until now, hindi ko pa rin alam kung ano ang napag-usapan ng mga magulang namin pero ang importante ay nakalaya na si Gab at hindi naman sa akin galit sila Tita.

After akong yakapin ni Tita ay may narinig akong tumawag sa akin at nakita kong papalapit sa akin si Zera.

"Ate Ged! Nice to see you again!" yumakap siya sa akin kaya niyakap ko na rin siya.

"Hello Zera! You're so pretty!" parang gusto kong panggigilan ang batang ito. She's really pretty and she looks cute sa damit niya.

Maya-maya'y nag-paalam na sa akin si Zera dahil babalikan niya daw yung mga pinsan niya. Ako nama'y hinila ni Gab para ipakilala sa iba pa nilang kamag-anak.

"Lo, Tito, si Gertrude po. Girlfriend ko" pakilala sa akin ni Gab sa lolo at tito niya. Nagmano siya sa dalawa kaya nagmano rin ako. Napag-alaman kong pareho pala silang pari pero ang tinawag ni Gab na lolo ay retired na. Pamangkin niya si Tita Euphy at siya rin daw nagpalaki sa kanya.

"Huwag mo munang buntisin" sabi ng Tito niya. Nagulat ako doon. Pari ba talaga ito?

"Si Tito talaga. Syempre hindi" natawa naman yung lolo niya. Gab mouthed 'Im sorry'.

"Kuya Gab, sino siya?" napalingon naman ako sa nagsalita. Nakita ko ang isang binatang kamukha ni Gab. Kung si Gab ay may vibe ng pagka seryoso, ito naman ay may vibe ng manloloko. Pero may aura sila na pareho, iyon ang pagiging playboy. Napatawa na lang ako sa isipan ko.

Napabuntong-hininga si Gab bago ako harapin.

"Uhm, this is my girlfriend, Gertrude. Gertrude, this is my brother, Michael. Mike for short" naglahad ng kamay sakin si Michael na tinanggap ko naman. Siya pala ang ikatlo sa kanilang magkakapatid. Nakipagshake hands sakin si Michael pero bigla naman itong pinutol ni Gab.

"Kuya Raf! Gab's girlfriend is here!" maya-maya'y may sumulpot na isang binata na mas matanda kay Gab and Mike. Well, his aura is different than his brothers. He has this intimidating and dangerous look. Pero overall, napaka-gwapo niya. Parang nakikita ko si Gab sa kanya in the next few years.

"Hi! I'm Raphael" nilahad ko ang kamay niya kaya inabot ko naman. "I'm Gertrude" after ng pagpapakilala ay nag excuse na yung Raphael dahil may iba pang bisita.

"Ang gwapo ng kuya namin no?" sambit ni Michael sakin.

"Michael enough" saway ni Gab sa kapatid niya.

"I'm just kidding" nagpaalam naman si Michael na lilipat sa kabila.

"My crush ka kay Kuya?" tanong ni Gab sakin.

"Wala ano ka ba! Gwapo ang kuya Raf mo pero ikaw din kaya. Actually ang ga-gwapo niyong magkakapatid. Manang-mana kayo sa tatay niyo" nakuntento na siguro sa sinabi ko kaya hindi na siya nagsalita pa.

Please Be Mine [Completed]Where stories live. Discover now