Tumingin naman sa akin si manang. "Hali ka, Iha, sumunod ka sakin. Pupunta tayo sa taas." at sumunod naman ako kay manang Jean. Umakyat kami ng hagdan at nakaabot kami sa second floor.

Maraming kwarto dito sa taas. I'm amazed kasi ang ganda ng mga mwebles nila dito, high quality talaga. Ang ganda ng kulay ng paligid. Parang nakakarelax kung tingnan.

"Iha, iyon ang kwarto ni Jethro." at itinuro ang pang-apat na pinto mula dito.

"Ganun po ba manang?"

She nodded and sighed, "Oo Iha, pero hindi pa 'yan lumalabas mula pa kaninang umaga, at ayaw niya namang magpapasok sa kwarto niya." sabi ni manang halatang nag-aalala ito sa kanya.

Bigla naman akong napaisip kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya.

"Ganun po ba, manang. Sige, papasukin ko na lang po siya sa kwarto niya."

Napatunghay naman si manang  "Ang problema ay hindi kita mapapapasok sa loob ng kwarto ni Jethro, Iha."

Kumunot nama ang noo ko. "Huh? Bakit po manang?"

She sighed, "Hindi kasi siya nagpapasok ng kung sino-sino sa loob ng kwarto niya, Iha. Nagagalit siya kapag pumasok ka na walang pahintulot." paliwanag pa nito.

Masungit lang talaga siguro siya. Pero kailangan ko siyang makausap tungkok sa report namin. "Samahan niyo nalang po ako manang kakatukin ko nalang po ang kwarto niya."

"Sige, Iha." at pumunta na kami sa tapat ng kwarto niya.

Kumatok naman kaagad ako. "Jethro."

"Jethro, nandito 'yong kaklase mo at hinahanap ka." sabi naman ni manang.

Kumatok ako ulit. "Jethro." tawag ko sa kanya pero walang sumasagot.

Mas nilakasan ko pa ang pagkatok baka kasi hindi niya pa ako naririnig. "Hey, Jethro... sumagot ka nga. Ako to si Vera." katok lang ako nang katok pero wala talagang sumasagot sa akin.

Namumula na yung kamay ko sa kakatok pero hindi niya pa rin binubuksan.

Impossible naman na walang tao sa loob kasi sabi ni Manang ay hindi pa raw ito nakalabas simula pa kanina.

"Hey, Jethro! Open the door! Ako to, may ipapakita lang ako sayo."

"Jethro." at wala pa ring sumasagot sa akin. May problema ata talaga sakin 'yung Jethro na yan eh.

Tumingin naman ako kay Manang. "Wala po ba siya sa loob, Manang? Kailangan ko lang po talagang maipakita 'yong report namin kasi ako ang naatasan ng mga ka grupo kong ipakit kay Jethro 'to. Baka kasi mapagalitan ako ng mga 'yon, Manang."

Manang Jean sighed, "Mukhang importante nga 'yan. Ibibigay ko nalang siguro yung susi sa kwarto niya sayo."

"Talaga, Manang?! Pwede po ba? Promise po Manang na pagkapasok ko sa loob lalabas din ako kaagad, kailangan niya lang po talagang matignan ang presentation namin, knowing Jethro... he doesn't like mistakes."

"Sige, Iha. Ibibigay ko nalang sayo yung susi sa kwarto niya. Mukhang importante naman kasi yung pakay mo kay Jethro."

"Salamat, Manang!" gagawin ko 'to para sa report namin.

"Eto yung susi oh." at may dinukot ito sa bulsa niya. "Pero sana ay hindi magalit sayo si Jethro kasi importante naman 'yong pakay mo, baka hindi ka naman niya mapapagalitan." at kinuha ko naman ang susi kay manang.

Sana nga manang, sana nga. Kasi kapag hindi ko 'to maipapakita kay Jethro, ay ako naman ang mayayari bukas sa kagrupo ko at sa professor namin.

"Salamat ho, Manang." sabi ko rito.

Napangiti naman ito sa akin ngayon. "Hindi naman siguro magagalit 'yon kasi ikaw si Veranice diba?"

"Ano po, Manang?" ano ang ibig sabihin niya?

Ngumiti lang ito. "Wala... Oh, sige na, Iha. Pumasok ka nalang sa kwarto niya kapag ayaw ka niyang sagutin. May gagawin pa kasi ako sa kusina eh."

I nodded. "Sige po, Manang."

"Bababa na ako ha. Ikaw na ang bahala dito" tinanguan ko lang siya at umalis na rin ito kaya nagsimula na akong maglakad papunta sa kwarto ni Jethro.

Huminga naman ako ng malalim."Jethro." tawag ko sa kanya pero wala pa ring sumasagot.

"Jethro, isa... papasok na talaga ako sa loob." at wala pa ring sumasagot sa akin. May problema ata talaga sakin 'yung Jethro na yan eh.

Silence means yes, kaya kinuha ko binuksan ko nalang ang pinto gamit ang susi, nang mabuksan ko ang kwarto niya ay pumasok naman ako kaagad.

Namangha nanan ako sa nakikita ko. Ang laki laki kasi ng kwarto niya tapos ang sobrang linis pa.

Now, where is he?

"Jethro?" hinanap ko naman kong na saan na ba siya pero hindi ko siya makita. Wala ito sa kama niya.

Wala ba siya rito?

Naglibot naman ako sa kwarto niya at nagulat ako ng makita ko siyang nakaupo sa sahig at nasa gilid ito ng kama niya at hawak-hawak pa nito ang ulo niya.

Napasigaw naman ako. "Hoy! Anong ginagawa mo riyan?" nilapitan ko ito kaagad pero parang wala lang siyang naririnig.

"Hoy! Jethro!" at hinampas ko siya. Pero nagulat lang ako dahil ang init niya.

He's burning sick! Nilalagnat siya.

Ito siguro ang dahilan kung bakit hindi siya pumasok ngayon. "Jethro!" at tinampal-tampal ko ang pisngi nito.

Hindi niya ba ako naririnig?
"Hoy! Jethro! Are you alright?!"

He looked at me. "Fvck." malutong na mura niya. Tumingin naman ito sa akin ng masama. At para bang lulunukin na ako nito sa galit.

Am I going to die?


A/N: Feel free to leave comments readers! Thank you.💞

Jethro's Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon