Chapter One.
" I stared at him as if I'm staring at a starry sky in a cold night in December. He smiled, his deep and charming dimples from both cheek showed up. I can't help but to smile back. I am truly inlove with him. I love every part of his body. I love everything he does, he says, everything about him just screams beautiful. His gentle moves pushes me to my limit. His eyes are twinkling, his cheeks are now as red as a cherry, I find it sweet. His lips are glossy, it looks as if he applies lipgloss every second, it's delectable. I wanna wrap my arms around his body and kiss every part of---"
Holy cooooooow. Ito na yun!
Matutuloy na rin sa wakas.
Ahhhhhh!
"Mira?"
Yeeeeeees, kaunting tiis na lang, matatapos ko na rin.
Heto na--
"Mira?"
"---him, I wanna lay beside him---"
"MIRA!"
"Holy cow!--"
"Anong 'holy cow' ka dyan? Kanina pa kita tinatawag, ano bang ginagawa mo? Masyado kang busy."
Napalingon ako sa aking likuran ng marinig kong magsalita si Sabina, ang kaibigan ko.
"W-wala, nagbabasa lang. Bakit ka naman kasi nanggugulat?"
Awkward akong ngumiti rito habang ang mata'y kung saan saan napapadako, maliban lang sa kausap ko.
Nangunot naman ang noo nito at pinitik ang ilong ko.
"Kinakausap kita, bakit kung saan saan ka tumitingin? Nandito ako oh, sa harap mo." nagtatakang sambit nito.
"H-ha? Ay, ewan ko sa'yo. Bakit mo nga ba kasi ako tinawag? Anong kailangan mo? Panira ka ng moment. Ang ganda na ng part na binabasa ko eh!" reklamo ko rito habang nakanguso.
Di makapaniwalang tinitigan ako nito at biglang binatukan pagkatapos ay nagsalita.
"Aba? Kasalanan ko pa? For your information, my highness, kanina ka pa hinahanap ni Miss Clauna, hindi mo raw ipinasa iyong documentation ng activity mo. Gaga ka din eh, sayang ang points."
Bigla naman akong natauhan sa sinabi nito.
Oh shoot!
Tumingin ako sa suot kong relong pang-bisig at nakitang 4:54 na ng hapon.
6 minutes na lang pala at dismissal na, sa sobrang hook ko sa comic na binabasa ay hindi ko na namalayan ang oras. Isa-isa kong dinampot ang mga gamit kong nakakalat at dali-daling tumakbo paakyat ng third floor ng parehong building at hinanap ang classroom ni Miss Clauna.
Hingal na hingal akong humawak sa pinto ng Room 301 dahil nanggaling pa ako sa first floor.
Nang makapagpahinga ay diniretsyo ko ang Room 303.
Thank God, naroon pa si Miss C. at nag-aayos ng gamit marahil ay ready na ring umuwi katulad ng mga kaklase ko. Napailing na lang ako ng maalalang muntik na akong makulangan ng isang activity dahil sa pagbabasa.
"Ma'am," ngiting-ngiting tawag ko rito na syang ikinaangat ng tingin nya. Nagpamewang ito at tinaasan ako ng kilay, " ---sorry na po, hehe. Nakalimutan ko lang po talaga. Heto na Ma'am, bye!" dali dali kong ipinatong sa lamesa nya ang documentation ko at tumakbo ng mabilis bago pa man ito makapagsalita.
Bumalik ako sa room at napansing wala ng tao. Hinanap ko ang mga kaibigan ko sa CR ng first floor pero wala rin. Nang hindi ko sila nakita pati sa canteen na malapit sa building namin ay naglakad na lang ako para makauwi. Imemessage ko na lang siguro sila para magsorry dahil hindi ako nakapagpaalam bago umalis.
Palapit na ako sa main gate ng school ng mapansing may parang timang na kumakaway sa akin. Makapal ang mukhang nilapitan ko ito at hindi naman ako napahiya dahil si Sabina ito kasama ang iba pa naming mga kaibigan.
"Akala ko umalis na kayo." ang sabi ko.
"Bakit ka naman namin iiwanan? Kargo ka pa namin kapag bigla kang nakidnap eh." nang-aasar na sabi ni Joji habang tinatanggal ang headset na suot, siguro'y nanonood nanaman ng anime ang isang 'to.
Aba! Porke 154cm lang ang height ko, kid na?
Pasalamat ang mokong na 'to at matanggad sya. 168cm lang naman ang height nya, lamang pa si Kang Taehyun ng TXT, 187cm ang height nya no. 2002 pa pinanganak ang isang iyon ha, mas bata ng isang taon sa amin.
Inirapan ko na lamang sya at nauna ng naglakad sa kanilang apat.
Lima kaming magkakaibigan.
Si Sabina, ang singer ng grupo. Napakaganda ng boses nito, napakalalim at unique hindi katulad ng iba na dinadaan sa birit ang pagkanta. Malumanay lamang lagi ang tono nya at parang lullaby na nagpapaantok.
Si Joji, ang ugok na mahilig sa anime. Magaling naggitara at ang typical church boy na nagugustuhan ng marami.
Si Zico, ang magaling sa grammar at languages. Mahilig magcritique ang isang 'to. Mahilig sa issues at palaging nakataas ang kilay sa mga pabida.
Si Kinn naman ang pinakamagaling magdrawing sa amin, actually sa kanila lang kasi hindi naman talaga ako marunong kaya sa kanila na lang ang credentials. Noong 18th birthday ko nga ay niregaluhan nya ako ng isang malaking portrait ko.
Sinabayan akong maglakad ni Sabina at inakbayan. Tinignan ko ito ng masama para tanggalin nya ang balikat dahil nakakairita ito. Mas matangkad kaya ako sa kanya. Imbis na matuwa ay nahihirapan lang ako.
Tumawa lamang ito at nagfinger heart na binawian ko ng middle finger.
×
Pag-uwi ko ng bahay ay inilabas ko agad ang librong binabasa kahit hindi pa nakapagpapalit ng uniform.
Dali-dali ko itong binuklat at hinanap ang pahina kung saan ako nahinto.
" I wanna wrap my arms around his body and kiss every part of him, I wanna lay beside him." malakas na basa ko pagkatapos ay umigik ng mahina dahil sa kilig.
Binuklat ko ang sunod na pahina at napangiti ng malawak.
" I slowly walked forward and reached for his hand. I held it tight and stared at his eyes.
Our stares met.
My lips parted.
My breath became rigid.
Lubdublubdub. I can hear my heart beating like crazy.
I became anxious. I don't know what to say.
I know he noticed it too for he squeezed my palm as if trying to calm me down, to tell me that it's okay.
That I should tell him how I feel.
"I..."
"Hmmm?" It almost sounded like a moan to me. A lover's moan. A sweet sound.
"I love you, Jeno." There, I said it.
I saw how his smile widened before speaking.
"I love you too, Harry."
I knew it. "
-Garden Iris (Boys Love) by Shi Yukki
Translated by Lara.
Yes, I knew it too.
I knew they love each other. I knew Jeno loves Harry too even though this world is harsh to them. Even though this world abhors them.
They love each other and I am happy for them.
YOU ARE READING
°Deceived°
General FictionMira thought her life was peaceful, simple but unique not until Marco cornered her, popped the imaginary bubble she was in and ruined her fantasy. And oh, she thought it was fine because it was just him, she can handle one trouble but little did sh...
