"Honeymooners' touch me in the morning incident...

16 4 0
                                    

Kinaumagahan...

Medyo tinanghali na ng gising si Cherry, mabilis na kinapa ang eye glasses sa side table at saglit na natigilan ng matantong nasa ibang bedroom siya.  Nangingibabaw dito ang color combinations ng iba’t- ibang shades of blue with touches of white na nagbibigay ng manly yet peaceful ambience compares with her room na very girly sa pink and lavender shades. “Kasal na nga pala ako.”, piping naiusal pa niya sa sarili habang humihikab na nag-iinat ng katawan. Awtomatikong napalingon sa bandang kanan ng malambot na kama kung saan naaalalang katabi kagabi ang asawa. Pagkadismaya ba yung naramdaman niya ng matuklasang nag-iisa siya sa ibabaw ng wrinkled bedsheet, paanong ang lahat ng mga unan, pati kumot ay nasa sahig na at natitira na lang sa kama ay ang unang ginamit niya? Bumuntong- hininga siya upang pakalmahin ang sarili, pumikit at nanalangin ng papuri at pasasalamat sa Diyos sa panibagong biyaya ng buhay na natanggap pagkagising pa lamang niya, pilyang naidugtong ang pasasalamat na rin dahil hindi namulatang katabi ang asawa, sa huli ay humingi ng gabay na mapakitunguhan ang ugali nito na halatang may pagka- kalat sa mga bagay-bagay na kabaligtaran ng pagiging maimpis at masinop naman niya. Nang magmulat ay natuon ang pansin niya sa hinubad na sando, pajama, at briefs na parang pinaglunuhan ng ahas na nakalinya pa papuntang bathroom. Mabuti na lang pala at hindi siya agad nagising kanina, kundi baka nakapanood siya ng strip tease in the morning? “Susme, Lord patawad po, me and my dirty mind?”, napa-antanda si Cherry. Napapailing at nagmamadaling pinulot ang mga nakakalat na pinaghubaran, ipinandampot ang sando sa pinakamaliit na saplot at wala ng ayos-ayos  na inihagis sa laundry basket na namataan. Inayos ang salansan ng mga unan sa kama at nang tinutupi na niya ang kumot ay nagulat ng marinig ang mahinang lagaslas ng tubig mula sa shower. “OMG, he’s still here!” But of course, sa asawa mo tong kwarto diba nga? Tila bulong naman ng isip niya. Hindi magkandatuto sa pagtitiklop ng kumot na dati naman ay ilang segundo lang sa kanya at bakit nga ba pati ang bedsheet ay hindi niya maayos-ayos? Hopeless na napaupo na lang siyang muli sa kama. “What to do now?”, kastigo niya sa sarili. Alangan namang mag-may I leave the room drama siya wearing this… revealing hello kitty sleep wear na napagtanto niya ring bago at may pagka- sexy ang cut? Realizing the fact ay napatakbo siya sa adjoining closet na may whole body mirror. And OMG, sa sobrang pagod niya kagabi ay hindi niya nabistahan ang nakaka-eskandalo pala niyang itsura, mabilis na binuksan ang built-in closet at naghanap ng matinong damit na maipapalit sa suot. “Kaninong mga damit at iba pang gamit- pambabae ba ang naririto?” Gusto na yatang sumakit ng ulo niya ng ma-rekisa na wala ni isa man sa loob ang pagmamay-ari niya. “Baka naman sa girlfriend ni Jake?”, ideya ng maduming isip niya. Nanlulumong napasandal na lang si Cherry sa isinarang closet, “I really have to call Nana Tinay na baka sa busy kahapon ay nalimutang ipadala ang mga gamit ko, kelangan ko ang mga gamit ko soon or masisiraan ako ng bait dito.”, naiiyak na kausap niya sa sarili. “Teka, nasaan na nga pala ang cell phone ko?”, she can’t even remember if nahawakan niya yun during the wedding or sa very tiring reception. Flash back, rewind sa mga pangyayari…inilagay niya sa gadget bag niya yun kasama ng laptop at tablet, so she needs to find her stuff. Mabilis sana niya ulit i-slide ang pinto ng closet para hanapin ang bag ngunit hindi na nangyari dahil sa may pumigil este naipit doon na kamay.

“What are you doing?”, duwetong tanong sa isa’t- isa at nagkatitigan pa ang dalawa. Wala yatang nais maunang magsalita sa kanila.

Hindi matagalan ni Cherry nakatingalang pakikipagtitigan sa gwapo pa rin kahit nakangiwing mukha ni Jake. Bigla yata siyang nauhaw ng tumambad sa kanya ang may water droplets pang half- naked na si Jake…sa height niyang 5’2” ay ka- face to face na niya ngayon ang balahibuhing dibdib nito. Ang mga mata niya ay tila may sariling isip na sinuyod ng tingin pababa ng pababa ang mga linyada ng pinong balahibo na nahinto sa six or eight pack abs, nalilito na rin yata siya sa pagbibilang…nahinto sa puting towel na parang mahuhulog na sa pagkakapalibot sa bewang nito. Awtomatikong napabuka ng bahagya ang kanyang bibig ng ma- realize ang bahagyang umbok na iyon sa ibaba pa roon, napapahiyang ibinalik ni Cherry ang tingin sa mukha ni Jake. “Satisfied with the preview my dear?”, nangingising titig nito sa kanya. Awtomatiko ang pamumula ni Cherry simula mukha, leeg at umabot na rin yata hanggang kaduluhan ng daliri at dahil sa pagkapahiya ay akmang itutulak sana si Jake. Si Jake naman na ma-uoff balance ay awtomatikong napahapit sa bewang ni Cherry na siyang pinakamalapit niyang makakapitan, dahilan naman para pumiglas ang babae na ang ending ay magkapatong silang bumagsak sa carpeted floor, sa ibabaw si Cherry na nakasubsob na ang mukha sa hubad niyang dibdib at siyang nakayakap pa rin dito. Nagmamadaling bumangon ang babae at mabilis na kinapa-kapa ang nahulog na salamin, hindi napigilang mapatili at nahintakutang nagtatakbo sa bathroom matapos may makapang tila matigas na malambot na ewan.

Nahihintakutang ini-lock ni Cherry ang pinto ng paliguan at napasandal doon, naririnig- rinig niya pa ang mataginting na halakhak ng asawa at siya ay nagti-titili pa rin ang isip niya, the fact na  nahawakan niya ang bagay na yun. Hindi naman siya ganoon ka-inosente, pero partly seeing that dahil hindi niya tinitigan but touching that is too much, OMG! Nakapantulog pa siya ay mabilis na niyang binuksan ang shower upang sana ay kasamang ipaanod sa buhos ng tubig ang mga isiping pilit nag-uumigpaw sa kanyang umi- inosenteng kamalayan.

************************************
Harojuice ko, rited pegi na ata tong chap na to? Baka ma-report ako neto! Thank you for reading!

Please comment, vote and share na rin.

-SweetYzel 😘
************************************

Mahal na Pala Kita (On-going)Where stories live. Discover now