CHAPTER 21

457 10 0
                                    

Claude Amoux POV

Nandito ako ngayon sa sala namin habang naka upo sa sofa nang may humarang sa view.

"Can we talk??" napatingala ako at nakitang si Maia 'yon.

Pumunta kami sa garden at doon may iniabot siya sa akin na isang brown envelope. Kinuha ko 'yon at takang napatingin sa laman nito.

"Maia naman. I'll go back kung kailan ko gusto."

"Your family and the Company needs you right now, please Claude. Kahit alang alang sa family mo, mag pakita ka naman sa kanila." paki usap niya pa.

"I will go back but, not now." sambit ko dahilan para mapatingin siya sa akin.

"Goddamn it, Claude!" Panandalian akong natigilan ng taasan niya ako ng boses na ngayon niya lang ginawa.

"Maia. Show some respect! Hindi dahil pinayagan kita tawagin ako sa pangalan ay pwede mo na akong taasan ng boses." Sita ko sa kanya.

"Eh, bakit hindi mo maintindihan na kailangan ka ng pamilya mo ngayon?? Hindi ba pwedeng isantabi mo kahit minsan iyang iba mong ginagawa??" Seryosong sabi pa ni Maia.

"Fine. If that's what you want. I'll come with you. Kailan ba??" Takang tanong ko.

"The day kung kailan gaganapin ang Acquaintance Party." Naoabuntong hininga nalang ako ng sabihin 'yon ni Maia.

***

Lumipas ang ilang araw at papalapit na ng papalapit ang Acquaintance Party. Lahat ay nag hahanda na ng kanilang mga sariling gagamitin para sa party. Ilang araw ko na din hindi nakikita si Etienne. Haynako. Bakit ko ba iniisip ang babaeng 'yon?

Nag lalakad ako sa hallway ng maka salubong ko si Derenne na ang damit buhat na libro. Akmang lalampasan ko siya nang tawagin niya ang pangalan ko dahilan para mapalingon ako.

"Ay, Claude, pwede favor??" Tumango lang ako bilang sagot. Inilapag niya ang mga hawak niya saka may kinuha sa bulsa niya at ini abot sa akin ang papel.

"Pwede mo bang bilhin ang mga 'to? Tapos dalhin mo na rin sa condo ni Etienne. Hehehe pasensya na sa abala mukhang matatagalan pa ako sa ginagawa ko." Saad niya pa saka tuluyang umalis.

Hindi naman siguro ako papatayin non diba?? Hay bahala na si batman.

Etienne Evone POV

Ilang araw ang lumipas at patuloy lang akong nag papahinga. Ang sabi ng Doctor noong nakaraang araw na nag pa check up ako, ay hindi pa daw fully heal yung sugat sa binti ko. Kaya kailangan ko pa rin mag pahinga. Tuwing hapon naman nandito sila Derenne at Karylle para balitaan ako sa mga nangyayari.

Nakaupo lang ako ngayon sa sofa habang nanonood ng Money Heist. Nakaka inis hindi ko matapos tapos 'to palaging may epal.

*Brzzzk*

*Brzzzzk*

*Brzzzk*

Inis kong inoff ang tracker phone ko nang panay ito sa pag vibrate. Ang ganda-ganda na ng panunuod ko dito eh. Ngunit, wala pang ilang minuto nang may narinig akong nag doorbell at kumatok sa may pinto.

Inis akong lumapit sa pinto saka ito binuksan at agad na nanlaki ang mata nang makita si Claude. "C–claude?? A–anong ginagawa mo dito??" Takang tanong ko.

Confidential M Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon