CHAPTER 9

1K 20 0
                                    

Etienne Evone POV

Napakabilis lumipas ng oras. Katatapos lang ng isang subject namin at nakasandal ako ngayon sa upuan ko habang iniisip pa rin kung ano yung sinabi ni Nikita.

"Huy! Kanina ka pa tulala diyan." Natauhan ako ng marinig ko ang boses ni Derenne.

"Wag mo na isipin yung nangyari kanina." Sambit naman ni Alarie at tinanggal ang eyeglasses na bumagay sa kanya saka tumingin sa akin.

"Pupunta pala akong library. Gusto niyong sumama?" Pag aaya ni Alarie at inayos pa ang mga libro na dadalhin niya.

"Waw. Himala 'teh nag babasa ka pala ng mga libro." Hindi makapaniwalang sambit ni Jonas.

"Para sa task kasi. Hindi naman ako pupunta sa library kung hindi dahil sa research task natin." Saad ni Alarie saka nag lakad papalabas ng room. Wala na sana akong balak sundan pa sila pero, hinatak ako ni Derenne kaya, wala akong nagawa at sumunod rin.

Tss.

Bumaba kami sa may lobby dahil malapit lang doon ang Library nang makarinig kami ng ingay.

Na sanay na ako na parating may gulong nangyayari sa University na 'to. Dala ng kyuryosidad nag si lapitan ang mga kasama ko sa mga nag kukumpulang tao samantalang ako ay umupo sa may bench sa gilid at hinintay ang mga kasama ko. Para makapunta na kami sa Library.

Ngunit, lumipas ang ilang minuto ay hindi pa rin sila bumabalik at mukhang nanonood pa sa gulo.

Walang ganang tumayo ako mula sa pagkakaupo saka nilapitan si Derenne.

"May balak pa ba kayong pumunta?? Kung wala babalik na ako sa room." Saad ko ngunit, sumenyas lang siya na tumahimik ako.

Luh.

Aalis na sana ako ng mahagip ng paningin ko si Claude na nakatayo sa gitna at pinalilibutan ng mga nag kukumpulang tao. Habang may kausap siyang isang student na hindi ko kilala at seryosong nakatingin rito.

"He's from Section 2 top 5. May nakakita daw sa kanya na siya ang sumira sa kotse ni Claude." Napalingon ako sa katabi kong lalaki nang magsalita ito.

"Hi, Etienne." Bati ni Kaiden saka ngumiti. Hindi ko siya pinansin at muling bumaling kila Claude.

" I, THE PRESIDENT OF THE STUDENT COUNCIL, COMMANDS YOU TO PUNISH HIM FOR WHAT HE HAD DONE! DEFY ME OR YOU'LL REGRET!!" May authority na usal niya at nakatingin kay Bertha na mukhang kakarating lang. Wala kang makikitang emosyon sa mukha ni Claude ngayon.

"Nakakatakot si Claude. Tara na nga." Rinig kong sambit ni Derenne. Kaya, sumunod nalang din ako.

***

Nandito kami ngayon sa loob ng library ibinalik ni Alarie ang mga hiniram niyang libro nung nakaraan dito sa library. Matapos ay nag hanap siya ng ibang libro.

Pumunta naman ako sa may Reference Section nang mag laro sa isipan ko ang sinabi ni Kaiden sa akin kanina.

Huh? Paano nila nasisigurado na ang lalaking 'yon ang may kagagawan sa kotse ni Claude?? Base naman sa anggulo ng video, hindi mo makikita ang mukha ng tao marahil naka hoodie ito.

Ang daming tanong ang pumasok sa utak ko.

O kaya, posibleng sinabi nila Hex kung sino ang taong 'yon.

Confidential M Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon