CHAPTER 11

695 26 2
                                    

Derenne Levy POV

May event ngayon sa University. Naiayos na rin namin ang mga gamit para sa booth. Nilapitan ko si Etienne na nakaupo sa isang monoblock chair habang nag pinapaypayan ang sarili. Mahahalata mong pagod na pagod kaka ayos ng tent namin para sa booth.

"Tara. Bili tayong makakain o kahit maiinom man lang sa labas?" Pag aaya ko sa kanya.

"Sama kami!" Singit ni Jonas ng marinig ang sinabi ko.

***

Papa labas kami ngayon ng University nang matanaw ko sa hindi kalayuan si Claude na nag lalakad habang may bitbit na dalawang plastic. Pang hapon ang shift niya sa Booth namin at mukhang bumili siya ng mga needed sa Cafe booth. Sisikuhin ko sana si Etienne dahil mukhang wala siya sa wisyo. Nang makita ko na naka sunod pala kay Claude yung girlfriend niyang si Maia.

Flashback...

"Oh! I knew it! You're the girl I met yesterday, right??" sabay kaming napalingon ni Etienne ng may marinig kaming mag salita.

It was Claude's girlfriend.

"Hi. I wanna ask where's the restroom?" Tanong niya. Itinuro ko naman sa kanya dahil mukhang wala siyang balak sagutin ni Etienne.

Lumipas ang ilang minutong naka tunganga sa lamesa si Etienne ng may marinig kaming ingay.

"I'm sorry. I didn't mean t—" napalingon ako sa nag kukumpulang tao ng marinig ko ang boses na 'yon. Pamilyar.

"Ngayon ko lang nakita ang pag mumukha mo. Mukhang bago ka lang dito." Rinig kong namang sabi ng isang lalaki.

"Sheez. Wala talaga silang kinakatakutan no? Pati girlfriend ni Claude pinapakialaman."

"Oo nga. Mga walang magawa sa buhay."

Rinig naming mga bulungan ng mga estudyante sa likuran namin.

"Why don't you join us?" Rinig kong sabi ng lalaki.

"No. It's okay. Thanks. Plus, those people were waiting for me." Aniya at sabay tinuro kami ni Etienne na bahagya kong ikinagulat dahil hindi naman namin siya kilala personally.

Napatingin sa amin ang limang lalaki habang ang isa sa kanila ay naka akbay sa babae at nag lakad papalapit sa pwesto namin. Bumaling ako kay Etienne na parang wala pa rin sa wisyo.

"I just want to inform you that she wont be able to eat here with you." Maangas na sabi ng lalaking naka akbay doon sa girlfriend ni Claude saka tumalikod. Ngunit, mukhang hindi mapakali ang babae kaya tinanggal niya ang nakapatong na braso sa balikat niya at dumistansya sa lalaki.

"I said they're waiting for me. Wag kang bastos. And we are not close enough para akbayan ako!" Singhal niya sa lalaki.

"Sasama ka or gusto mong masaktan----?" Nag pipigil ng galit na sabi nung lalaki.

"Are you gay?" Nanlaki ang mga mata ko ng marinig na nag salita si Etienne habang naka tingin pa rin sa kawalan.

Confidential M Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon