Simula

60 2 2
                                        


Hindi ko alam kong paano ko yun nagawa sa kanya. I was just desperate to reach my dreams. Bakit sobrang sakit ng naging consequence? He didn't want me to leave but I let go everything what we've been through. Hindi ko naisip ang mararamdaman niya kong sakaling iiwan ko siya.

"Are you ready?" mom's behind me while fixing my hair. Tears fall immediately as I remember everything fron the past. This is my dream. Natupad ko na. Pero bakit hindi ko magawang maging masaya sa naging desisyon ko.

"Forget him" tanging nasabi ni mommy habang pinupunasan niya ang mga luhang nagbabadya na namang papatak.

I know I should forget him.

Its been five years for God's sake!

"Let go Avriella. You need to prioritize your career, your dreams. Dadating din ang panahon na magmamahal ka ulit" mommy's right. I should not waste this opportunity. Siguro nga ako lang talaga ang hindi pa nakakapag move on sa nakaraan.

"Yeah mom" wala akong masabi pa habang tinitignan ko sarili sa harap ng salamin. I have this gray eyes and a fair skin that everyone's dreaming of. I'm tall and has a perfect form of bust and curves that everyone should look up to of being an ideal girl. Pero bakit hindi ako kuntento?

"Get ready Avi. You need to rehearse first before the show" paalala sakin ni Gerry. My make-up artist.

Modeling is my passion since then. 5 years ago, nag audition ako sa Elite Model Management. Isang malaking agency sa larangan ng pag momodelo.

Ako ang pinaka bata sa lahat ng nag audition. Luckily, natanggap ako. But they are so strict. Rules are rules. Pero kailangan ko ito. This is the first step of my career. Hanggang sa nagtagal, marami na ang kumukuha sa akin bilang endorser ng kanilang mga products at iba pang kompanya na nag offer sa akin ng malalaking halaga.

Natupad ko na ang plano ko para sa pamilya ko. Isang malaking bahay at dalawang kotse. Napagamot ko na rin si lola at na operahan na rin si daddy sa puso. Pero kahit komplekado pa rin ang kalagayan ni daddy ngayon, ang importante may pampagamot na kami.

"Maam Avi, tinatawag na po kayo"

Ngumiti ako at tumayo na. Huminga ako ng malalim bago dumiretso sa backstage.

"Matagal na yun lahat Avi, huwag ka ng mag pa apekto pa" bulong ko sa sarili ko.

Pagdating ko sa backstage agad akong sinalubong ni Gerry para sabihin sa akin lahat ng maaaring gawin ko.

Kahit maraming beses na akong rumampa sa harap ng maraming tao, di pa rin mawawala ang kaba. Natatakot akong magkamali. Naaalala ko na naman yung nangayri nuon.

Putangina ka talaga Avi, that was years ago! Kailangan ka ba talaga matututo ha?

"Ayos ka lang Ms. Avi?" Gerry.

"Ah oo dont worry" tanging sagot ko. Huminga ulit ako ng malalim. Ayokong isipin lahat yun. Hindi ako magpapadala sa mga iniisip ko. Baka mamaya magkamali pa ako. Ayokong mapahiya.

"You're next Ms. Avi" tumango ako at dumiretso na ang lakad ko sa stage.

Rehearsal pa lang to Avi pero dapat galingan mo na. Mawawalan ka nito ng trabaho eh!

Ako ang huling lalabas at nag practice na rin ako nito sa bahay pa lang kong paano ko bibigyang buhay ang paglalakad ko.

Nakita ko sa malayo si mommy na nakangiti.

"Ang galing mo talaga Avi, bravo!" sabi ng isa sa mga nag sponsor sa event na to.

"Thank you, po" inilahad ko ang kamay ko to shake hands with her. She's so stunning. Para siyang Ms. Universe sa height, sa ganda, at sa katawan.

Turn Back Time (On-going)Where stories live. Discover now