"Celine, may_____," umpisa ni Liam nang biglang mag-ring ang cellphone ni Celine.

   "Hello, Isabel! Ano, kumusta na kayo diyan?" masayang sabi ni Celine.

     "Ito maayos naman kami. Ikaw pinsan, kumusta na ang pagbubuntis mo? Hindi ka ba nahihirapan? Wala ka bang problema?"

   "Excuse me, honey. Bababa muna ako habang kausap mo si Isabel," paalam ni Liam sa asawa.

    "Okay," maikling sagot ni Celine sa lalake.

    "Celine, okay ka lang ba talaga?" tanong uli ni Isabel.

    "Okay naman," matamlay niyang sagot.

    "Celine, nag-aalala ako pati na ang nanay at kuya mo. Nabalitaan kasi namin iyong tungkol doon sa club," simula ni Isabel.

    "Isa, alam ko na iyon," tahimik niyang sagot.

    "Anong sabi ng asawa mo?"

     Pababa na si Liam ng oras na iyon nang maalalang nakalimutan pala niyang kunin ang susi para sa  drawer ng office niya sa kuwarto nila ni Celine. Nagmamadaling bumalik siya sa itaas. Papasok na siya sa pinto na naiwan niyang medyo nakabukas nang marinig niya ang galit na boses ng asawa.

   "Walang sinasabi!  Makikita niya lalo ko siyang pahihirapan. Kung kailangang araw-arawin kong lutuin lahat ang mga ulam na ayaw niya ay gagawin ko," yamot na sabi ni Celine.

     "Hayaan mong magpaliwanag muna, Celine," payo ng pinsan.

    "Tapos na ang deadline ko sa kanya. Sa Baguio palang hanggang sa pauwi dito sa Maynila hinihintay ko siyang magsabi pero wala, talaga yatang guilty ang damuho! Kahit na magpaliwag pa siya sa presidente ng Pilipinas ngayon hindi ko na siya pakikinggan," nanggigigil nitong bulalas.

    "Teka lang, pinsan. Kalma ka lang baka mapaano ka niyan," nag-aalalang sabi ni Isabel.

     Naloko na, alam pala ni Celine lahat ang tungkol sa club. Kaya pala ako pinurga ng curry at pinakbet! Paano na ako nito? Kailangang makaisip ako ng paraan bago ako patulugin nito sa guest room ngayong gabi.

     "Paano ako hindi magagalit, mukhang pinagloloko ako nitong asawa kong playboy!" nagmamaktol na sabi ni Celine.

    "Bakit sa tingin mo talagang may relationship sila noong kiring modelo na iyon?"

   "Malay ko! Subukan lang niya akong lokohin, lalayasan ko talaga siya, pero teka bago ko siya layasan sisiguraduhin ko na hindi na siya magkakaanak ever!"

   What?!!! Hindi namalayan ni Liam na napahawak siyang bigla sa zipper ng pantalon niya. Damn, grabe pala magalit itong asawa ko. Mag-isip isip ka na kung ano ang dapat mong gawin, Liam. Ito ang nasa isip ni Liam habang nakikinig sa usapan ng mag-pinsan.

   "Pinsan, hinay-hinay ka lang. Hintayin mo muna magpaliwanag si Kuya Liam."

   Nagmamadaling bumalik sa pasilyo si Liam at saka gumawa ng ingay sa paglalakad, "Honey, honey!" tawag nito kay Celine.

  "Isabel, mamaya na tayong mag-usap at bumalik na si Liam," nagmamadaling sinara ni Celine ang telepono.

    "Hon, I'm not feeling well right now. Masakit na masakit ang tiyan ko," namimilipit sa sakit na nahiga si Liam sa kama.

    "Bakit? Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Celine.

    "I don't know, hon," nakangiwing sagot ni Liam.

    "Teka, hon. Tatawagin ko sila Mama para madala ka sa doktor kaagad."

    "Huwag na, hon. Palagay ko ay dahil sa chicken curry ito," daing ni Liam.

Ikaw Ang Pangarap (Completed Story)Where stories live. Discover now