Chapter 44

21.2K 194 34
                                    

Chapter 44

    Please play the music.

  "Ethan!!!" Humahagulgol na nakasalampak sa damuhan si Isabel habang nakaalalay dito si Celine na tahimik na umiiyak.

  "May awa ang Diyos, Isabel. Makikita rin nila si Ethan." Yumakap si Celine sa pinsan na nanginginig ang buong katawan.

  "Mahal na mahal ko si Ethan. HIndi ko kakayanin kung mawawala siya sa akin, Celine." Patuloy ito sa pag-iyak.

   "Bilis! Tulungan ninyo kami dito!   

   "May tao dito!"

   "Himihinga pa ito, Sir!"

   "Bilisan ninyo, kailangan madala agad ito sa ospital!

   Sabay na napatayo si Celine at Isabel nang marinig ang kaguluhan mula sa mga bombero. Maya-maya lang ay nakita nilang buhat ng mga ito ang walang malay na lalake papunta ng ambulance.

  "Ethan! Oh my God!" Tumakbo si Isabel patungo sa stretcher. Sumunod si Celine sa pinsan.

    May nakatakip na oxygen mask kay Ethan. Nakapikit ang mga mata nito. May mga natamo itong sunog sa mga braso at dibdib pero sa di maipaliwanag na dahilan ay wala itong sugat kahit isa sa mukha.

   Hinawakan ni Isabel ang palad nito. "Ethan, please gumising ka.  Huwag kang susuko please. Mahal na mahal kita."

   "Ma'am, sumunod na lang po kayo sa ospital. Kailangan pong madala agad si Sir."

   "Hindi, sasama ako sa kanya!" Umiiyak na sabi ni Isabel.

   "Ma'am, sumun___" mag-proprotesta pa sana ang paramedic ngunit nang makita nito ang maamong mukha ng dalaga na puno ng paghihinagpis ay lumambot ang puso nito. "Sige po, Ma'am. Sakay na po kayo."

    "Isabel, susunod agad kami sa ospital," sabi ni Celine.

    Tumango lang si Isabel. Hawak pa rin nito ang kamay ni Ethan.

   Kaaalis lang ng ambulansya nang dumating ang mga in-laws ni Celine. Nakapangtulog pa ang mag-asawang Romulo at Carmela, pinatungan lang ng mga ito ang suot ng roba. Ngayon lang nakita ni Celine na magulo ang mga buhok nito, halatang hindi na nagkaroon ng oras para magsuklay.

   "Celine, salamat at ligtas kayo ng mga bata." Umiiyak na niyakap ni Carmela ang manugang. Samantalang pinutahan naman kaagad ni Romulo ang mga apo na hawak ng mga yaya.

   "Mama, si Ethan po dinala sa ospital. Kailagan po nating sumunod na," humihikbing wika ni Celine.

   "Si Ethan? Paanong___" naguguluhang tanong ni Carmela.

   "Niligtas niya po kaming lahat kanina nang magkasunog. Pero bago po siya nakalabas ay may sumabog sa loob ng mansyon," kuwento ni Celine habang lumuluha.

   "Oh my God! Is he okay?" napatutop ito sa bibig. Nayanig sa narinig.

  "Hindi ko po alam. Sumama na po si Isabel sa ambulansya."

  "Si Liam, kailangang tawagan si Liam," sabi ni Carmela.

  "Ako na ang tatawag. Let's go, kailangan na nating iuwi ang mga bata sa mansyon. Then we can go to the hospital," sabi ni Romulo. Kalong nito si Andrew.

  "Liam, ang papa mo ito," umpisa ni Romulo nang mabosesan sa kabilang linya ang kagigising na anak.

   "Pa? Bakit kayo napatawag ng ganitong oras? Is everything okay?" biglang naging alerto ang boses nito.    

Ikaw Ang Pangarap (Completed Story)Where stories live. Discover now