Chapter 06

5 2 0
                                    

Kiarra's POV

Matapos ang ilang araw ay papunta na kami ngayon sa Malicient Academy.

Di ko nga alam kung pano kami nakaalis dun sa school namin. Ang dami naming inayos, bago kami makaalis. Si tita naman kasi e, pinalipat pa kami.

E ano naman kung may kapangyarihan kami? Di naman makakasagabal yun sa pagaaral diba?

Kaya kaysa magtanong ako ng magtanong sinunod ko na lang si tita. Baka pagalitan pa ko nyan e. Para naman daw sa kaligtasan namin to.

Nung makarating kami sa abandonadong park ay tumingin muna sina tita sa kaliwa't kanan.

Sinisiguro nya na walang makakakita sa amin. Wala naman talaga makakakuta dito. Wala naman dumadaan dito sa lugar na to e.

"Okay girls, lalakarin na natin yang mga talahib na yan para makarating na tayo sa Malicient Academy"

"Sige po tita" sabay naming sabi ni kim.

Nagsimula na kaming maglakad, nang makarating na kami sa mga talahiban ay bigla na lang nagtabihan ang mga sangan nito.

Wow! Pano yun? Ang galing naman!

"Iyan ang kapangyarihan ko, ang mga halaman or puno ang lakas ko."

"Ang galing naman tita" sabi ni kim.

"Oo nga" sabi ko naman.

"Well ikaw kiarra, matututunan mo rin yan kapag mag aral ka sa Malicient Academy" wow! As in? Astig naman! Pero parang matagal pa yun bago ko mapag aralan. Sabi kasi ni tita ang swommon powers daw ang may pinakamalakas na kapangyarihan. Kaya paghirapan ko daw para matutunan ko lahat ng kapangyarihan nito.

Di pa daw kasi lumalabas ang kapangyarihan ko ngayon, kailangan daw mahasa ko. Katulad ng nanay ko na naging tagapagligtas ng school na yun.

Ngayon makakapasok na ako sa misteryosong school na yun. At dun pa kami mag aaral.

Nung makarating na kami ay bumakas sa aking mukha ang pagkamangha. Wow! Ang laki naman nito! Puro building kasi. As in parang maynila, pero ito school lang. Parang city na tong school na to.

Kaya naman nung nakarating na kami sa gate ng school na to ay bigla kaming hinarang ng guard.

"Anong kailangan nyo?" tanong nya.

"Mag eenroll kasi kami" sabi naman ni tita.

Tapos may pinakita si tita na parang maliit na tela. Ano yun? Kulay pula? Nung makita naman nang guard yun bagay na pula ay bigla nagbago ang itsura nito at bigla syang yumuko. Ano na naman yun? Bakit sya yumuko kay tita?

Mukhang marami pa akong hindi alam kay tita ah. Hindi naman kasi sya madaldal sa buhay. Mostly sa buhay ng ibang tao madaldal sya, pero kapag sa kanya wala syang sinasabi. Kahit sa amin, kahit nga sa anak nya e hindi alam.

"Ikaw po pala Queen Kramy" oh queen kramy naman ngayon. Siguro dito ko masasagot lahat ng gusto kong itanong kay Tita.

Nung makapasok na kami sa loob ay mas lalo kaming namangha. Bukod sa mga chandelier ay may mga bagay na kulay ginto at pilak. Shit! May ganto palang lugar. Yan napapamura na tulot ako. Kasi naman tong school na to e.

"Okay girls, we're going to the office of headministress" sabi ni tita.

Nag tuloy tuloy kaming maglakad hanggang sa may mga nakatingin na sa aming mga estudyante. Bakit ganyan sila makatingin? Ngayon lang ba sila nakakita na may nag enroll dito sa school na to? As in lahat lahat sila nakatingin sa amin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 07, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Malicient AcademyWhere stories live. Discover now