Chapter 01

12 2 0
                                    

Kiarra's POV

Gumising ako ng maaga para pumasok. Ganun pa rin, gising ng maaga tapos ligo, sabay kain, tapos alis na.

Ganyan lagi ang daily routine ko. Ewan ko ba? May times kasi na tinatamad akong pumasok. E ngayon umatake yung katamaran ko.

Kaya naman natulog muna uli ako ng 15 minutes hehe. 8 pa naman ng umaga yung pasok ko e. 7:00 palang naman hehe.

Akmang matutulog uli ako ay bigla na lang kumalabog ang pinto. "Kiarra, gumising ka na dyan. Malalate ka na!" sigaw nya sa kabilang pinto.

"Oo na tita, gigising naman ako...kaso mamaya pa. 15 minutes pa tita." pakiusap ko kay tita.

Maari nagtataka kayo kung bakit sa tita ako nakatira. Ganto kasi yun.

Namatay na kasi mga magulang ko nung baby pa lang ako kaya tanging mga pictures na lang yung nakita ko. Kaya nung nakita ko yung pictures nasabi ko na may pinagmanahan ako na pagiging maganda haha.

"Hoy! Kiarra! Anong oras na!? Matutulog ka pa uli!? Mahiya ka naman sa kaibigan mo na lagi kang hinihintay!" sigaw nya.

Kasi lagi akong hinihintay ng kaibigan kong si kimineah. Ewan ko ba sa kaibigan ko na yun haha. Lagi akong hinihintay dito sa bahay. Pero natitiis nya na maghintay sa akin. May service naman kasi kami, may kaya kami sa buhay e.

"Ito na nga tita, maliligo na po ako" kahit na tamad na tamad ako ay pinilit ko pa rin na tumayo.

"Bilisan mo kiarra! Baka biglang dumating yung kaibigan mo. Ako ang nahihiya sa kaibigan mo e." sigaw nya uli.

Nang makarinig ako na papalayong yabag ay dun ko napagtanto na umalis na si tita.

Kaya naligo agad ako para naman hindi na ako hintayin ni kimineah.
Nung naligo ako ay binilisan ko agad kasi naman kalamig lamig ng tubig.

Nung matapos ako, lumabas ako nang nakatapist na tuwalya. Tapos nag ayos na ako ng damit na susuotin. Kasi ngayon ang unang araw ng pasukan namin sa Interhigh School. Dyan lang sa bayan yan. Pinakasikat na eskwelahan yun sa lugar namin kasi puro mayayaman lang ang nakakapasok dun hehe. Syempre ako may kaya naman kami kaya nakapasok ako.

Natapos na ako mag ayos sa aking katawan. Kaya't bumaba na ako upang kumain ng almusal.

Pagdating ko sa lamesa ay nakahanda na yung kakainin. Bale tatlo kami dito sa bahay. Kaso yung anak ni tita na babae ay tuwing weekend lang umuuwi. Kaya kung minsan mag isa lang si tita dito sa bahay.

Ako naman pagakatapos ng klase namin ay naggagala kami ni kimineah at dumidiretso kami sa bahay para samahan maghapunan si tita.

"Oh kiarra, isa kang himala!!" iyan na naman si tita. Ganyan sya lagi kapag maaga akong nakakapag ayos para pumasok. Napaka OA kala mo naman e katapusan na lagi ng mundo kung makasigaw. Kaya naman pinahinto ko agad sya nung akmang sisigaw uli.

"Tita! Hehe tama na yan, kumain na tayo instead" mukha naman nauto ko si tita. Umupo na kasi sya sa kanyang upuan.

"Ah tita gagala po kami ni kim mamaya, babalik po kami dito ng mga 4 ng hapon. Pwede po ba?" tanong ko.

"Sige, basta wag lang papagabi. Maraming naghahanap sayo-ay este maraming maloloko ngayong panahon." sabi nya.

"Talaga tita!? Yesss!!! Kaya mahal na mahal ko kayo e." panguuto ko sa kanya para payagan nya lagi akong gumala. Pero totoo na mahal na mahal ko si tita. Bukod kasi masipag sya ay mabait din sya sa akin.

"Ayaw mo ba? Sige babawiin ko na" si tita.

"Nako tita nasabi nyo na e. Wala nang bawian no" sabi ko agad kay tita. Kaya napatawa na lang si tita.

Habang kumakain ako, tinanojng ko yung sarili ko. Pano kung buhay pa ang magulang ko, ganto din kaya yung itsura ng magulang katulad ng kay tita na nakangiti.

"Oh kiarra, bakit ang lungkot mo? Pinayagan na nga kita e." hindi naman po kasi yung kinalungkot ko. Sa isip isip ko.

"A-ah wala po tita, may naisip lang po ako hehe" palusot ko kay tita.

"Kung ano naman yang iniisip mo, ito lang masasabi ko. Mahal ka nun!" sigaw nya sa akin. At ano daw? Mahal ka nun?

"Syempre naman tita mahal ako nun haha" napatigil naman si tita at napatingin sa akin na suot ang pagkagulat.

"Bakit tita? Bat ganyan kayo makatingin sa akin"

"May nagkakagusto na ba sayo?" Ha!!!!! Ano daw?!

"T-tita anong pinagsasabi nyo?" sabi ko sa kanya.

"May nagkakagusto na ba sayo?" inulit nya pa.

"Ha!? Tita wala no. Ang panget ko kaya, pano may magkakagusto sa akin?" sabi ko pa.

"Ay wala ba? Pero maganda ka naman ah, hindi ka lang magaling mag ayos, di ka rin nagtatanggal ng tagyawat sa mukha. Kaya ka nabubully e." sabi nya sa akin. Panget ba talaga ako? Hayy sabi na panget ako e.

"Pwede ba akong sumama sa inyo ni kim?" dagdag nya pa.

"Bakit naman tita? May pupuntahan ka po ba?" tanong ko.

"Wala pero may aaralin akong ibuild ang kanyang confidence." sagot nya sa akin. Sino naman yung ibubuild ng confidence? Sana maganda ang pagkakagawa. Siguro pogi yung engineer dun hehe.

"Sige tita, gandahan nyo yung pagkakagawa ah. Pogi po ba yung engineer dyan?" pagkasabi ko nun ay bigla na lang napasapo ng mukha si tita.

"Bakit tita may nasabi po ba akong masama?" tanong ko pa. Diba tama naman ako. Kapag may ibubuild dapat may engineer?

"Wala wala, sige na sunduin ko na lang kayo sa school nyo. Hintayin ko kayo sa parking lot" sagot nya.

"Sige po tita, sabihin ko na lang kay kim na kasama po kayo" nasabi ko na lang.

"O sya sya, umalis ka na. Nagtext kasi sa akin yung kaibigan mo. Hindi daw sya makalapunta dito ngayon kasi hinatid sya ng magulang nya" sabi nya sa akin. Hayy buti pa sya may magulang samantalang ako hindi ko man lang nahawakan yung kamay nila.

"Sige po tita, aalis na po ako" tumayo na ako at umalis na ako. Pero bago ako lumabas ay kumaway na muna ako kay tita kaya naman kumaway di sya pabalik.

Nakasakay na ako ngayon sa kotse para pumunta sa school.

Nung makarating kami sa school ay nagpasalamat agad ako kay kuya leonard tsaka bumababa.

Nung makababa ako ay dumiretso agad ako sa room namin. At naabutan ko si kim na nakaupo si upuan at nakadukdok ang mukha sa arm chair. Kaya naman may naisip agad akong kalokohan.

"Sunoggggg!!!!! May nasusunogggg!!!!!!" sigaw ko. Nakita ko naman si kim na nagulat at napatayo sa gulat. Kita ko naman yung mukha na may pagkagulat. Natawa na lang ako ng malakas

"HAHAHAHAHAHAHAHA" Tawa ko nang malakas.

"Bwisitt kaaa!!! Kiarraa!! Pumunta ka dito!! Bubugbugin kita!!" sugaw nya sa akin habang tumatakbo. Kasi naman bigla nya akong hinabol haha.

Ako nga pala si Kiarra Francine Hockwood. Isang babaeng ordinaryo, maganda, medyo may kaya, maputi, matangos ang ilong, at mapula ang labi.
----------------------------------------------------------

Ito na po ang unang chapter ng Malicient Academy. Sana mag enjoy kayo hehe.

Please don't forget to VOTE ANG COMMENT BELOW.

Malicient AcademyWhere stories live. Discover now