CHAPTER THREE

32 6 3
                                    

CHAPTER 3: First Offense


This chapter is dedicated to: themisteriousjuan

Thanks for your all support kuya:>


______________________________________

Krystella's POV;

Hinawakan ako sa braso ng papa ko habang naglalakad patungong office. God! Kailangan ba talaga akong kaladkarin?! Tss.

Kasunod lang namin ang mokong nayun sa amin kasama ang kaibigan niya.

Nakarating na kami sa opisina ni papa at pumasok na kaming tatlo sa loob, nag pa iwan naman ang iba sa labas

"He started!"

"She started!"

At Sabay pa talaga kaming nagsalita.

Si papa naman ay umupo na sa swivel chair niya

"Look, sir ako ang na una sa lamesang yun, ngunit lumapit sa akin 'tong pest*ng gag*ng lalaking 'to sa akin at paaalisin ako sa pwesto ko" paliwanag ko kay papa, yeah I prefer 'sir' than papa. Tiningnan naman ako ng masama ng lalaking 'to, eh totoo naman ah? Tiningnan ko rin siya ng masama

"Look sir, we all knew that the table is already occupied by me" mukha namang huminahon na paliwanag niya. Malay ko ba na may VIP table pala ang gag*ng 'to

"But--" dadagdag pa sana ako nang biglang nagsalita si papa

"That's enough! Narinig ko na ang explanation niyo at sapat na yun upang parusahan kayo!" ma awtoridad na sabi ni papa at nagulat ako sa sinabi niyang PARUSA, ganun din si Xander

"What!?"

"What?!"

sabay na reklamo namin. Taena! Ba't ba laging sumasabay 'to sa'kin?!

"Pero pa--" reklamo ko sana kay papa nang bigla nalang tumawa ng malakas ang gag*ng 'to habang ipinukol ang tingin sa'kin, anong problema ng lalaking 'to?!

"Pa?! As in Papa!? Anak mo pala yang walang respetong babaeng yan!?" Sarkastiko niyang sabi kaya tiningnan ko siya ng matalim na tingin.

"Well, my apology for my daughter, Prince Xander" tss. Wait... What the heck?! PRINCE?!

Literal na lumubo ang mga mata ko sa narinig ko kaya napatingin ako kay... Xander? Daw? Na prinsepe? What the heck!

"Well, miss Krystella, now that you recognize me, can I have a respect from you?" he said with a hand gesture pa. Oh well, let me think muna

"Well, 'Prince Xander' if you want to be respect, then you should also do that thing 'respect' or let me say 'must do' lalo na at 'Prinsipe ka pala'" Sabi ko sa kaniya at bawat sabi ko ng salitang 'prinsipe' ay halatang diniin ko pa "Alam mo naman ang golden Rule di ba? NA WAG MONG GAWIN SA IBA ANG AYAW MONG GAWIN SAYO" Dagdag ko pa.

"You--" sasagot pa sana siya nang biglang nagsalita si papa na kinagulat namin.

"Tumahimik kayo!..." Bigla kaming nakurap nang bigla nalang sumigaw si papa "...kaya ko kayo paparusahan dahil sa mga kasalanan niyo. Ikaw Krystella hindi mo ni-rerespeto ang prinsepe, at ikaw din mahal na prinsepe tinangka mong saktan ang anak ko, kaya dapat kayong parusahan. Sa Sabado ng umaga kayo maglilinis ng buong garden! Dapat niyong sundin ito dahil first offense niyo ito! Ngayon, pwede na kayong umalis" Mahabang salaysay ni papa ang binitawan niya.

The Mafia Prince and the Badass Princess [On going]Where stories live. Discover now