CHAPTER ONE

79 10 4
                                    


A/N: Not a professional writer so watch out for grammatical and typographical errors if ever it has. Criticizing is not bad because it can improve writing skills but please be aware of any words you may leave, please drop it in a positive way. Tao rin ako, nasasaktan:>

______________________________________


CHAPTER 1: First Meet



Krystella's POV;

"Krystella! hali ka na at tayo'y kakain na!" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses ng aking mama at agad akong nagtungo doon.Hindi ko kasi maiwasang tumingin sa maberdeng dagat dahil sadyang napaka ganda nito. Ngayon lang kami naka balik dito at nagpasyang dito na maninirahan ulit.


___

Kakatapos ko lang kumain ngunit hindi ko parin maiwasan ang ganda ng dagat

'Wala namang masama kung maliligo ako' sabi ko sa isipan ko. Kaya magpapaalam muna ako kina mama

*clearthroat* "ahhm... Ma, Pa, pwede na po ba akong magswimming?" Sana naman sa pagkakataong 'to ay papayagan na ako.

"No probs! Nak!..." sabi nito 'wew! Finally' tatakbo na sana ako nung bigla nalang nagsalita si papa. Haysst, shit

"...teka lang Stella. Mark! Leonard! Paki bantayan na--" bago pa man siya nagsalita ay nagsalita narin ako. Lagi na lang ganito eh hindi na man ako bata. Ansarap magmura!

"No need to guard me, pa. Trinity is with me naman eh..." wika ko.

"...and beside from that, I'm not a kid anymore" padabog na dagdag ko, at nahalata naman nila na pinipigilan ko na naman ang pagka-demonic mode ko kaya "Maybe our daughter is right, Cedrick. Bigyan naman natin siya ng freedom" malumay na sagot ni mama, yes!

Sa wakas pumayag na din 'Oo na! sige na! palagi mo naman yang kinukunsinti yang anak mo eh' Imagination ko yan na akala ko idadagdag pa ni papa. Instead of that, he just nodded. Ay? Parang napilitan lang?

Kaya naman nagsitakbohan na kami ni Trinity papuntang dagat "Mag ingat ka anak! huwag kang pumunta sa malalim na parte" rinig ko pang sigaw ni papa.

Tsk. Di naman ako bata para pagsabihan. Nagpatuloy kami sa pagtakbo patungong dagat na para bang bagong laya lang sa kulungan, hinubad naman namin ang tanging takip ng two piece namin kaya tanging two piece nalang ang naiwang suot namin. At  nagtampisaw na kami sa dagat

"hahaha" sabay naming tawa "ang saya nito! mabuti naman ay naisipan niyong magbakasyon ulit dito" nakangiting sabi niya habang palangoy langoy sa tubig. Masaya? I guess so?

"Actually, dito na kami ulit maninirahan" walang emosyon Kong sabi "Oh My! Seriously Couzy?! dito ka na rin mag aaral!?" Gulat niyang tanong na mukhang nadagdagan ang kasiyahan sa sinabi ko, I nodded as my answer

"OMG!yes!" Tuwang-tuwa niyang sabi at napayakap nalang siya sa'kin, tsk! Ayan na naman kami sa yakapan

"oo na sige na,wala ng yakapan" reklamo ko at kinalas na ang kamay niya sa pagka yakap "KJ mo!" Sabi nito at winaksihan ako ng tubig, gumanti rin ako hanggang sa nag wawaksihan na kami ng tubig. Inaamin ko na minsan nasisiyahan ako pag kasama si Trinity. Simula bata si insan na ang kalaro ko at naging kaibigan pero di ko pa rin maiwasan na maramdaman na parang may kulang talaga eh. I don't know kung ano? Sino? I just don't f*ckin know. Alright, I'm spacing out of nowhere again.

The Mafia Prince and the Badass Princess [On going]Where stories live. Discover now