"K-Kuya Triton, ikaw ba yan? Namamalikmata ba ako o sadyang naging g-guwapo ka lang talaga sa transformation mo?" hindi naman halatang gwapong gwapo siya kay Triton dahil nauutal pa siya. Ineng bata kapa, umiinom kapa nga ng gatas mo oh.

Hindi mo ba alam, lagpas pa sa limang taon ang agwat ninyo. Tiyak na hindi ka rin papatulan niyan dahil hindi ikaw ang tipo niya. May gatas kapa sa labi, Daya.

Ang mokong naman natawa pa at ewan ko kung bakit ganoon ang klase ng tawa nito, napaka perpektong tawa naman non at ang sarap sa tenga pero siyempre, mas masarap parin pakinggan ang tawa ni Grant. Si Grant na ata ang pinaka perpektong taong nakilala ko. Kung hindi siya ang the one ko, patayin niyo nalang ako.

"Thanks to Mama at ganito ang naging itsura ko ngayon. Ano, ayos lang ba? Bagay ba?" tanong nito kaya mas lalo akong napangiwi. Naki Mama narin mga tsong.

Ngumiti ng malapad si Daya abot langit bago nagsalita, "Sobra pa sa bagay, Kuya Triton. Pero puwede bang wag nalang kitang tawaging Kuya? Pakiramdam ko kasi mas maganda kung baby— aray naman Mama grabe kayo ha ang sakit sakit non. Tignan niyo nga nalukot na yung uniform ko. Sobrang alaga ko pa naman rito tapos kukusutin niyo lang ng ganon." angil nito ng kurutin siya ni Mama sa kaniyang tagiliran.

"Buti nga sayo karengkeng ka kasing bata ka." bulong ko na mabuti naman at hindi nito narinig dahil kung narinig nito iyon ay siguradong may milyon milyon itong sagot.

"Napaka bata mo pa Daya pero ang galing mo ng bumanat. Anong baby baby ka diyan, paabutin mo muna ng ninety ang grades mo bago ka gumaniyan." saad ni Mama dahilan para matawa ako. Medyo napalakas ata ng kaunti lang ang tawa ko dahilan para mapatingin sa akin si Daya at Triton at diretso naman sa pagsermon si Mama.

"What?" inis na tanong ko sa dalawa dahilan para mapa iwas ng tingin si Triton at mapa irap naman si Daya. Sarap sundutin ng mata nito.

"Mama, may pasok po ba kayo ngayon?" tanong ko kay Mama at agad naman itong umiling at uminom ng tubig bago sumagot.

"Wala akong pasok ngayon kaya gamitin mo na ang kotse. Basta ba't isabay mo si Triton at Daya." ani nito kaya agad akong napatingin kay Triton, may ngisi ito sa labi kaya agad nalang akong tumango. Ano pa nga ba, kesa naman mag commute ako, tinatamad pa naman ako ngayon.

"Sige Mama, ako narin ang mag dadrive. Nasaan ang susi?" tanong ko rito.

"Hindi ikaw ang mag dadrive. Marunong namang mag drive si Triton kaya siya nalang." sabi ni Mama bago sumubo.

Napatingin ako kay Triton, "Marunong kang mag drive? Sigurado ka?" tanong ko rito.

Tumango ito at pinakatitigan ako, "Oo naman. Bakit wala ka bang tiwala sa akin? Don't worry, hindi kita ipapahamak." ngumiti ito bago bumalik sa kaniyang pagkain. Ano bang meron sa kaniya? Ba't parang may kakaiba?

Hindi nalang ulit ako nagsalita hanggang sa matapos kaming kumain. Agad din naman kaming lumabas at hinintay si Triton dahil siya nga raw ang mag dadrive. Sigurado ba siyang kaya niya?

"Ikaw, wala dapat akong malalaman na tumakas ka nanaman sa school mo dahil kung nangyari 'yon lumayas kana sa pamamahay ko, malinawag ba?" saad ni Mama habang pingot nito ang tenga ko kaya agad akong napangiwi. Tumango ako at agad naman nito iyong binitawan. Akala siguro hindi masakit 'yon.

"Let's go. Sakay na." tumango ako atsaka sumakay na. Sa frontseat dapat ako sasakay kaso tinaasan na ako ng kilay ni Daya. Ayos lang, hindi ko naman gustong katabi ang driver.

"Kuya Triton, puwede mo ba akong ihatid sa loob ng classroom namin? Alam mo na, baka kasi pagalitan ako ng teacher ko kasi late ako. Kapag nakakita kasi 'yon ng guwapo, tiklop 'yon eh." palusot ni Daya. Napailing ako atsaka natawa.

THE LIGHT IN THE DARK : TWO DIFFERENT WORLDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora