Chapter 13: Make You Feel Special

Start from the beginning
                                    

~Hindi mo ako love eh. Hinayaan mo akong mamatay sa gutom. Huhuhu
     (╥﹏╥)

~ HUHUHU! GUTOM NA SI DADDY MO
    ಥ╭╮ಥ

Napaikot mata ko para sa sarili. Imbis na magalit hindi ko mataim na matawa sa mga pinagsasabi niya.

Klaro sa'kin ngayon na ginagawa niya ang bagay na'to para lang dalohan siya. Nakakainis na nakakatawa. Nagiging obligado na ako sa isang tao pero parang  naeenjoy ko. Napakagat ako ng labi sa pagpipigil ng ngiti.

To Lucas:

~Bala ka diyan . Kainin mo sarili mo.
        (눈‸눈)

Kunwaring pagmamatigas ko.

"Lawak ng ngiti natin ah?"

Napaigtad ako sa gulat. Kamuntikan ko na rin matapon cp ko buti na lang naging maagap ako.

"Ethan, ah. Wala may binabasa lang ako.  Saan punta mo?" Tanong ko at umakto ng naaayon.

Nasa loob siya ng sasakyan niya ngayon."Ahm. May dadaanan lang. Diba uuwi ka, ihatid na kita sa inyo." Pang aya niya. Gusto ko tumanggi pero parang langit na mismo ang lumapit sa'kin dahil may ilang bagay din akong gustong malaman, at si Ethan lang ang pinakamalapit ko na pwede kong mapagtanungan.

"Ok , lang ba sayo? Baka kasi nagmamadali ka?" Tanong ko.

"Ok na ok lang, basta para sa taong mahalaga sakin." Nakangiting saad niya.

Napalunok ako sa mga sinabi niya pero gayumpaman ay sinikap kong wag mag isip ng masyado at nginitian siya.

Pumayag na ako sa paanyaya niya at mabilis na sumakay sa kotse.

Sa kalagitnaan biyahe ay namayani lang ang katahimikan samin. Gusto ko ng basagin ang katahimikan at mag umpisa ng mang usisa kaso parang mali ? Hindi ko maintindihan ?

"Siya nga pala, anong ginawa sayo ni Lucas?  Sinaktan ka ba niya o anuman na ikakapahamak mo?"Tanong niya.
Parang isang blessings ang lahat dahil ipinapaubaya sakin ng walang kahirap hirap ang mga bagay na gusto kong mangyare.

Pwede na akong makasingit ng mga tanong ng hindi nagmumukhang nagkakainteres.

"Wala naman siyang ginawa. Bakit ano ba inaasahan mo?" Tanong ko. I'm secretly tricking him para makapagsalita siya tungkol sa ugali ni Lucas .

"Well, Lucas is my childhood friend. Among the friends,  siya ang pinakatahimik , cold , pikonin at tipid kong ngumiti. "

I was taken aback na ganun ang pagkakakilala o paglalarawan niya kay Lucas . Oo , minsan kong nakita ang mga ganung ugali niya . Pero he's more than those qualities. Ang alam ko sutil siya, pilyo, mapang asar , at iba pa. Bad yet light characteristics.

"Napaisip ako bigla kung may ugnayan ba kayong dalawa?Kasi nagkasagotan kayo at alam ko kung ibang tao yon ay sa malamang nabugbog niya na iyon. Short tempered yon eh napaka impatient. Kahit nga kami kahit magkakatropa  hindi kami nakakatakas" 

Muling siwalat niya. Hindi ko na alam kung maniniwala ako sa sinasabi niya. Naiisip ko na baka sinisiraan niya lang si Lucas kasi taliwas lahat ng nakikikita niya sa nakikita ko. Pero ano naman ang motibo ni Ethan para siraan kaibigan niya . At mukhang wala naman sa pananalita niya o paraan man lang nagpapahayag na naninira siya?

Dreaming Of You [On Going]Where stories live. Discover now