Chapter 29: Awaken

Magsimula sa umpisa
                                    

"S-Sirene mapapatay mo na ako niyan." sabi ni Troy at mahina akong tinawanan.

Doon ako napabalik sa ulirat at nabigla ng makita kung ano ang aking ginagawa. Napatingin ako sa aking kamay ng makita ang pulang likido rito. Pinunasan ko ang aking bibig at may nakita rin akong pulang likido.

"A-Anong nangyayari!" Gulat na gulat na asik ko at napatingin kay Troy.

"S-Sirene iha."

Napasulyap ako kay Haring Ignacio at napasinghap ng makita ang kanyang dala-dala. Isa itong malaking lalagyan ng tubig ngunit hindi tubig ang nasa loob nito kung hindi pulang likido.

Napatakip naman ako ng aking tenga ng may marinig akong kakaibang tunog. Nanggagaling ito sa kakahuyan. May mga batang bampira, naglalaro sila. Bakit ko ba ito naririnig? At bakit ko sila nakikita?

Napasulyap ako at napasinghap ng makita ang pagdudugo ng leeg ni Troy. Agad itong tinakpan ni Troy para hindi ko makita pero huli na siya nakita ko na at nakita kong magsasalita na sana siya pero inunahan ko na.

"P-Pasensya ka na T-Troy. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Ano ba ito? Bakit ako ganito? At hindi ko sinasadyang saktan ka!" Sunod-sunod na usal ko at dahan-dahang napaatras.

Nagdidileryo yata ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Naaamoy ko pa rin ang kakaibang aroma na mayroon si Troy.

"S-Sirene huminahon ka." mahinahong wika ni Troy sa akin.

Pinapakalma niya ako at nabigla naman ako ng makitang kumakalma rin ang sarili ko. Bakit ganito ako kung gumalaw?

"Troy ibigay mo na ito sa kanya." utos ni Haring Ignacio na nasa likuran ni Troy at ibinigay ang lalagyan.

Kinuha iyon ni Troy at tiningnan ako.

"Sirene kunin mo ito at inumin mo. This will make you feel better." asik ni Troy at iniabot sa akin ang lalagyan at hindi naman ako nag dalawang-isip na tanggapin iyon.

"A-Ano ito?" takang tanong ko habang binubuksan ang lalagyan pero wala akong narinig na sagot galing sa kanila.

Pagbukas ko ay agad na bumungad sa harap ko ang napakabangong aroma na tila ba tinatawag ang aking sikmura. Mas mabango ang aroma ni Troy pero mapagtiyatiyagaan ko na ito.

Dahan-dahan kong inilapit ang lalagyan sa aking bibig at agad na ininom ang laman nito. Hindi ko alam kung ano ang likidong ito basta ang alam ko ay masarap ito. Naubos ko ng ilang segunod lang ang laman nito at napabuga ng malalim na hininga.

Tila ba nasisiyahan akong maubos iyon. Tumingin ako kay Troy at Haring Ignacio.

"A-Ano ba ito? Bakit ang sarap? Ngayon lamang yata ako nakainom ng ganito kasarap." asik ko at pinunasan ang bibig ko.

"Dugo Sirene." usal ng hari na ikinatigil ko.

"H-Ha?" agad na tanong ko at napatingin sa lalagyan na hawak-hawak ko.

"Dugo ng hayop ang nalalasahan mo dahil kung hindi mo iyan ininom ay baka ubos na nanaman ang dugo ni Troy ngayon." sabi ng Hari at tinawanan ako.

Pero nanatili lamang akong tulala sa kanyang sinabi. Hindi ako makapaniwala. Napatingin ako sa leeg ni Troy at doon ko lamang napagtanto kung ano ang aking nagawa.

Dahan-dahan akong napaatras, hindi makapaniwalang ang ininom ko nga ay dugo. Pero bakit ko ito gusto?

"Okay lang ako Sirene huwag kang mag-alala." sabi ni Troy ng makita akong parang hindi makapaniwala sa aking ginawa.

"Bakit ako ganito?" bulaslas ko at nakita ko naman ang pagtahimik nilang dalawa.

"T-Troy kailangan mo ng sabihin sa kanya." wika ng hari na mas lalong ikinataka ko.

"Ang ano?" Takang tanong ko ngunit hindi ako sinagot ng hari at para bang may mensahe siyang pinapahiwatig kay Troy.

"Lalabas na muna ako. Mag-usap kayo anak." Rinig kong usal ng hari kay Troy.

Naalala kong nakakabasa na pala ako ng isipan. Napailing naman ako ng aking maalala na nagbabago na pala ang aking katawan dahil sabi ni Ginoong Greg noon na itinakda talaga akong maging bampira. Teka, nasaan ng aba si Ginoong Greg!

Napatingin naman ako sa pintuan ng marinig ang pagsara nito. Ngayon ay kami na lamang dalawa ni Troy rito sa silid.

"Troy."

"Sirene."

Napangiti naman ako ng marinig na sabay naming tinawag ang isa't-isa. Naalala ko kung paano ko gustong makita si Troy. Naalala ko kung paano ko siya gustong yakapin. Kung matagal ko ng naaalala ang lahat noong una pa lang ay hindi na ako lumayo sa kanya.

Dahan-dahang lumapit sa akin si Troy at naiintindihan ko naman kung bakit ganyan siya. Humugot ako ng malalim na hininga at napagtantong hindi na ako ganoong nahihipnotismo sa aroma ni Troy kaya agad akong napasinghap at tiningnan si Troy.

Tila ba nasisiyahan ang aking dibdib. Mabilis kong dinamba ng mahigpit na yakap si Troy at agad na sininghot ang aroma nito. Napakabango pa rin pero hindi na tulad kanina na para bang nawawala ako sa katinuan.

"O-Okay ka na!" Gulat na bulaslas ni Troy at niyakap din ako ng mahigpit.

Gusto kong yakapin lamang ako ni Troy ng mahigpit, kagaya nito. Araw-araw. Naramdaman ko naman ang pag gaan ng aking pakiramdam. Sinubsob ko ang aking mukha sa dibdib ni Troy at napangiti ng marinig ang napakalakas na kabog ng kanyang dibdib.

Yakap-yakap ko pa rin siya habang hinahaplos rin niya ang aking likuran. Hanggang sa naramdaman ko na lamang ang biglang paghaba ng aking mga ngipin. Natigilan ako at agad na lumayo kay Troy.

"Sirene kasi-"

Hindi ko pinansin si Troy at dahan-dahang hinawakan ang aking mga ngipin at doon ko napagtanto na may mga pangil ako. Mahahaba at matutulis. Napasinghap ako at hindi makapaniwala!

Paano nangyari ito?



The Vampire King's Beloved Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon