Chapter 10: Naughtiness

Magsimula sa umpisa
                                    

Lumabas ako para bumili ng rekados para sa pinaplano kong lutoin.

Hindi na ako nag aksayang pa ng oras at umuwi agad matapos makapamili sa pinakamalapit na palengke sa bayan na ito.

Pagbalik ko sa bahay ay wala parin pagbabago. Natutulog padin siya. Natawa ako sa naisip kong dahilan, mukhang pinagod ko nga siya kagabi. Lumuhod ako malapit sa kinakahigaan niya. Parang magandang tanawin ang turing sa kanya sa paraan ng pagtingin ko.

Time check, it's 6:00 in the morning. Sabado ngayon, buti nalang walang pasok. Mukha kasi tong palaaral eh. Baka kung nagkataon na may pasok ngayon ay nagkumahog na ito umalis.

Pagkatapos ng halos isa't kalahating oras ay nailuto ko na lahat ng pagkain. Medyo nagkaaberya pa ako sa kakulangan ng kagamitan pero nagawan ko din naman ng paraan.

Nilinis ko ang lamesa na puno ng alikabok at itinago ang ilang upuan sa bodega. Napailing ako at panay ang ngisi. Kung anu-ano na naman naiisip ko sa mga pontong ito.

Isang plato, isang pares ng kutsara't tinidor at adobong manok, chicken curry, kanin lang nakalatag sa lamesa. Mga pagkaing madalas na niluluto ng ina sakin nong nabubuhay pa siya.
Hindi ko maiwasang malungkot at magalit sa unti unting pagkabuhay ng alala sa isip ko. Nakakamiss ang mga pag aaruga sakin ni ina, yong mga gabay sakin ng ama ko kung pano maging matapang at responsableng lalaki. Lahat yon sa panaginip ko na lang matatagpuan.

Bigla akong nagising sa paggugunita sa nakaraan ng mapansinsing gising na siya. Kinikuskos niya ang mata niya habang pilit na inaaliwanagan ang paligid. Humikab pa ito tsaka bahagyang naituon atensyon niya sakin.

Napangisi ako. Nakaramdam ata siya ng hiya ng mapansin nakatingin ako sa kanya.

"Good morning," pambati ko sa kanya. Nanatili parin siyang nakaupo sa sofa. Napansin kong namula siya at hindi makatingin sakin ng deritso.

Tinignan ko ang sarili ko at napagtantong wala namang kakaiba sa'kin bukod sa nakahubad ako pang itaas. Tipid akong tumawa."Wag kana mailang sa katawan ko, kagabi nga magkadikit na tayo tapos mahihiya ka pa,"pilyong pagkakasabi ko na mas ikinatindi ng pamumula niya. Halatang sinusubukan niyang labanan ang pamumula sa papamagitan ng pagpapakitang naiinis siya. Naaaliw ako.

"Halika na dito. Kain na tayo," aya ko.

Pero hindi parin siya tumatayo.

"Pupunta ka rito o ako pupunta sayo. Gustong gusto mo ata na ako pa gumalaw e nuh?" makahulogang saad ko sabay ismid.

Tignan lang natin kung hindi ka pa tatayo.

At dahil nga du'n ay padabog itong tumayo at pumunta sa kinaruruonan ko, sa lamesa. Napansin kong ang dami nyang kiss marks o hickeys sa leeg. Maputi pa naman siya kaya halatang halata ang mga iyon. Hindi ko maiwasang matawa sa sarili ko. Sarap kasi sipsipin leeg niya, hindi ko sinasadyang magawan siya ng mga bagay na iyan.

Enough with the excuse, Lucas. Sinadiya mo ang bagay na'yon.

Napailing ako.

"A-asan ang upuan?" Tanong niya.

Hindi ako nagsalita.
"Bakit isang plato lang at para sa isang tao lang kubyertos?" dagdag sa katanungan niya. Kinagat ko labi ko para pigilan ang pagngiti.

"Wala, kinulang ako sa kagamitan sa bahay na ito. Wala din naman kasing naninirahan pa dito," tugon ko sa kanya. Ang totoo itinago ko rin ang iba pang plato at kutsara. Para-paraan ba ako masiyado? Can't blame myself.

Dreaming Of You [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon