Chapter 9: The Scene

Start from the beginning
                                    

Naramdaman ko ang pag alma ni Luke,"Ahm. Ethan, wala siyang gagawin sa'kin . Kailangan lang namin mag usap. Mauna ka na lang siguro. Pasensiya na." Natigil ang tensiyon sa pagitan naming dalawa.

Buong akala ko hindi siya sasang ayon sa iniisip kong paraan pero siguro napag isip isip niya na kailangan niya rin. Hindi lang naman ako mag isang nagugulohan, kaya kahit gusto niya man o hindi ay kailangan niyang sumama sa'kin.

I don't know why but there's this part of me na alam namin kung ano talaga nararamdam namin para sa isa't isa. Pero tinatanggi namin dahil na rin sa mga sirkumstansiya at ibang pang bagay. Hindi pupwedeng tumalon kami sa konklusyon. May proseso para matiyak namin kung ano ba talaga.

Natuon atensyon ko kay Ethan na ngayon mismo ay mababanaagan ng pagtataka at pag alma." Pero Luke, ako nagdala sayo dito, kargo kita kung may mangyare sayong masama," aniya.

Nanggigil ako. Tingin niya pala talaga may binabalak akong masama. Oo, inaamin ko may pagkasakim nga ang pinaplano ko pero ang pinakahangarin nu'n ay tumuklas ng isang bagay. Kailangan kong isakatuparan 'yon.

"Ngayon lang to Ethan. Walang mangyayareng masama sa'kin.Trust me. Magiging okey ako," agap ni Luke

Natigilan naman si Ewan. Mababakasan pa siya ng pag alma pero sumuko rin, ebidensiya ang pagbagsak ng kanyang balikat. Binalingan ko ng tingin si Luke na ngayon ay malawak ang ngiti sa lalaking kausap. Nagtagis bagang ko sa pagkapait na nararamdaman. Parang ayaw kong makita siyang ganito sa iba. Kaya naman hinila ko na siya palabas ng restaurant. Hindi na ako nag abala pang balingan si Max at Covy. Alam na nila gagawin.

Nang makalabas na kami sa pinagmulan ay nagpumulit itong pumiglas."Bitawan mo na ako. Hindi na kailangan ng puwersahan,"sabi niya.

Tinuon ko paningin sa kanya para tukuyin kung may plano ba siyang takasan ako. I loosen up my hand from gripping his wrist nang mapagtantong walang kahit anong expression na makikita sa mukha niya.

Hinimas himas niya ang kanang pulsuhan na pinanghahawakan ko kanina. Masyado atang napahigpit pagkahawak ko sa parteng iyon dahil namumula na ito. Tinablan ako ng konsensya.

Isa to sa mga bagay ang hindi ko maipaliwanag na nangyayare sa'kin . Yong bigla nalang ako kinokonsensiya at nagi-guilty satuwing nakakagawa ako ng mga bagay na sa tingin ko makakapanakit sa kanya. Pagmamalabis man pakinggan, pero kung tignan ko ang sarili ko satuwing iniisip kong may pagkakamali ako para sa kanya----pakiramdam ko kasuklaman-kasuklam akong nilalang. Mariin akong napapikit at nagmulat din agad ng mata. Naiinip na ako. Gusto ko na ng kasagotan. Nanabik din sa hindi malamang dahilan.

"Where are you taking me anyway, what's your plan?" Tanong niya.

Nanatiling nakatuon atensyon niya sa kanyang kamay. Hindi ko alam kung umiinda parin siya o naghahanap lang siya ng paraan para hindi ako tignan ng deritso. Kanina ko pa kasi napapansin na ilap na ilap siya tignan ako. Kinailangan ko pang puwersahin siya para lang lapatan niya ako ng atensyon. I don't know pero pakiramdam ko nasa mga mata niya ang lahat ng sagot.

"Let's make out or sex," deritso kong pagkakasabi na parang isa lang itong simpleng bagay.

I see him on my peripheral vision na nagulat. Hindi ko mapigilang lihim na mapangiti sa reaction niya. Nag uumpisa na naman siya sa kanyang nginig syndrome.

"Let's go?" Mahinahong aya ko.

"K-k-kailangan ba talaga natin gawin to?"nagulat ako sa mga sumunod na inasal niya. He seems so scared.

Dreaming Of You [On Going]Where stories live. Discover now