I - My lazy Students

5.4K 220 34
                                    

BREE POV

"Ikaw na naman?!" gulat na sigaw nila sakin at nagsi higa sila sa sala na para bang naghihina. 

Yung totoo? Ganyan ba sila bumati pag may bisita sila? Psh!

"Hindi ba sinabi na namin na hwag ka ng pumunta dito nag sasayang ka lang ng oras mo eh!" reklamo nitong Evil Maknae nila. 

As if naman gustong gusto kong pumunta dito! Kung hindi lang talaga kelangan hindi ko naman gagawin at mag aksaya ng panahon sa mga walang hiyang mga 'to!

"Hindi kami makikinig saiyo tss!" pagpapalatak ni Gilagid na masungit at nag 'shoo' 'shoo' sign pa ng kamay. 

"Umuwi ka nalang" mahinahong sambit ni Jin sakin at tinutulak ako palabas ng dorm nila. 

"Aray lang diba? Di naman kelangan manulak!" singhal ko sa kanya at tinabig ang kamay niya. 

"Umuwi kana lang kase" mahinahon parin ang pagsasalita niya pero kung makatingin eh parang gustong manapak. 

"Hindi nga kase pwede! Tabi nga!" sigaw ko sa kanya at pumasok na sa looban ng dorm nila. 

"Ahhhhh! bahala kayo diyan basta ako hindi ako makikinig sa babaeng yan!" sigaw ni J-hope at humiga sa sofa habang naglalaro ng psp.

Napatingin ako kay V na naglalaro ng.... WTF?! Sakay sakayan?! Ewan ko kung Childish 'to o sadyang may sayad lang sa utak.

"Brooommmm.... Brooommmmm.... beep! beep!" sabi niya at pinapatakbo ang laruang sasakyan sa lapag gamit ang kamay niya.

Tumingin siya sakin at biglang ngumiti. Ngiting nakakaloko 

"Mag lalaro ako dito huwag kayong magulo" sabi ni V at pinag patuloy ang ginagawa niya. 

Napasapo nalang ako ng noo sa mga ginagawa nila. 

Makakaya ko bang tagalan ang ugali ng mga ito? Eh pang 3 days ko palang bilang Tutor nila parang susuko na ako. 

Bago pa ako makasagot sa kanila biglang nag ring ang phone ko. Kinuha ko ito mula sa bulsa ng suit ko. Oo naka uniform pa ako. Tae naman kase after class kelangan ko na daw tumuloy dito para turuan ang 7 mokong na ito. 

Tinignan ko ang screen si Mr. Montemayor. Tatay ng 7 mokong. 

Galing no? 7 silang magkakapatid pero syempre hindi sila magkakambal malayo sa itsura nila. Sabay sabay lang talaga silang nag aral kaya magkaka level sila ng year sa High School. Hindi ko pa na meet ang Mama nila eh para sana kikilatisin ko kung bakit hindi sila mag kakamukha.

Hinayaan ko lang sila sa mga ginagawa nila at sinagot ang tawag ni Mr. Montemayor. 

"Hello po" sagot ko

"Hello Ija, nasa dorm ka na ba? Anong ginagawa nila?" tanong ni Mr. Montemayor sa kabilang linya. 

Napatingin ako sa kanila. Naglalaro lang naman ng sasakyan si V at ng psp si J-hope habang si Jimin nag ffb yata? Ewan ko ba kung anong tinitignan niya sa Screen ng laptop habang pumupuso ang mata, si Jin naman pumunta ng kusina, Si jungkook naglalaro ng games sa cellphone niya, Si Gilagid naman natutulog at si Namjoon naman nanonood ng T.V

Hay! Sasabihin ko ba ito kay Mr. Montemayor? Eh kung OO kaya? baka sakaling makaramdam ng takot 'tong mga 'to.

"Ginagawa po nila? hmmm..." 

Napatingin sila sakin tila nagulat sa tinanong ko. Nag sign language naman si Namjoon na i zipper ko ang bibig ko. Inisnob ko nga siya nagbusangot naman ng mukha. 

"You still there, Ija?" tanong ulit ni Mr. Montemayor sakin.

"Ah opo, nandito pa po ako ginagawa po nila..." nag smirk ako sa harapan nila lahat sila parang takot sa sasabihin ko. 

Lumapit sakin si V at lumuhod sa harapan ko tapos nag aegyo siya nag mamaka aawa sa harapan ko. Psh! 

"nagbabasa po sila, Opo pinagbabasa ko po sila Mr Montemayor"sabi ko. 

Nakahinga naman sila ng maluwag at si V parang hinimatay sa sinabi ko hinawakan niya pa yung kaliwang dibdib niya habang hingal na hingal. Abnormal talaga. 

"Okay then, pag butihin niyo" masayang sabi ni Mr Montemayor sa kabilang linya. 

"O-opo" sabi ko at ibinaba na ang tawag.

"Oh ano pwedi na tayong mag umpisa? Oras na oh! Gagawin ko pa ang assignment ko!" sigaw ko sa kanila. 

"Tss. Oo na!" Namjoon tapos padabog na umupo sa lapag. 

"Psh! Kung hindi mo lang ginawa yun hindi naman namin susundin ang gusto mo!" sabi ng walang hiyang bunso nila. 

Seryoso? ganyan siya mag salita sa mga nakakatanda sa kanya? Kaasar lang.

Nagsi upo na sila sa lapag. Uupo na sana ako ng bigyan ako ni Suga ng pillow. 

"Anong gagawin ko dito?" takang tanong ko 

"Ipalo mo sa ulo mo! Yung totoo scholar ka ba talaga o napulot ka lang ni Papa sa daan?" masungit na tanong niya. aba't alisin ko gilagid neto eh! Mas babae pa siya kung maka irap sakin!

"Aish! sayo ko ipalo 'to eh!" hagis ko sa kanya nung pillow na binigay niya nasalo naman niya. 

Mabilis akong umupo at nag Indian seat. Napatingin naman sila sakin. Ano na naman ba?

Nilagay ni Suga sa lap ko yung pillow. Fudge! naka uniform pa pala ako! Nakalimutan ko eh! Kaasar kase mga mokong na 'to

"Are you trying to seduce us?" natatawang sabi ni Jimin tapos nawala yung mga mata niya. 

"Shut up!" sigaw ko at yumuko nakakahiya talaga. 

After ng 1 Hour class lesson namin. Ay p*ta lang! hindi naman sila nakikinig sakin. Nandito nga sila sa harapan ko habang tumatango pero ang totoo hindi naman sila nakikinig. Tapos bigla nalang tumatawa si V. 

Tumayo siya habang natatawa "I will do a crazy dance" sabi nito. 

Itinaas niya ang dalawa nyang kamay at parang nag doogie na parang ewan lang. 

Tawa sila ng tawa tapos nakisali pa si J-Hope sa kabaliwan ni V. Sinayaw niya yung 'Push push' dance na ginawa niya 'daw. Pfft natawa ako dun sa ginawa niya. 

At ayun nga naki sali na din si Jungkook sa so called 'Push push' dance ni Hope. Pfft para lang silang mga ewan. Nakakatawa. 

Tawanan lang sila dito tapos maya maya lahat sila sumasayaw na. Paksyet lang dahil ang pangit sumayaw ni Jin! Para siyang robot! My god! Pinag pala sa itsura kinulang sa talent? Syet lang!

Nagsayawan at tawanan lang sila habang ako naka tunganga na nanonood sa kanila hanggang matapos ang oras.

Lumabas ako ng dorm nila habang hinihilot ang sintido ko. 

"See ya' tomorrow Teacher Bree!" sigaw ni V habang kumakaway sakin sa may pinto. 

Psh! Masisiraan na yata ako ng ulo sa kanila! Hanggang kelan ako magiging Tutor nila? Kakayanin ko ito para sa Scholar ko. Hay sana lang...

BTS TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon