Chapter 26: Escape the Grip

Magsimula sa umpisa
                                    

Dahil sa ginawa nya ay nabitawan ko ang bitbit kong kahoy habang hawak-hawak pa rin nya ang isa kung kamay.

I tried to reach him with my free hand but the pain from my other hand won't let me. I can't move without hurting my other arm more.

Sa wakas ay tinanggal nya na ang kamay nya sa likod ng leeg ko ngunit kanya ding agad na kinuha ang isa kong kamay.

Pinusasan nya ang dalawa kong kamay na ngayon ay parehong nasa likod ko na. He pinned me to the wall so I can't fight back.

My face hurts from the impact and no matter how hard I tried to fight him, I will just end up pinned to the wall even harder. Halos hindi ako makahinga sa higpit ng pagdiin nya.

Nagtaka ako nang unti-unting lumuluwang ang pagkakadiin nya sa akin hanggang sa naramdaman ko na lang sya na bumulagta sa likod ko.

Tumalikod ako at nakita na lang si Gino na hingal na hingal na hawak-hawak ang kahoy na dala ko kanina.

"Are you okay? " Tumango na lang ako sa kanya habang pilit na iniinda ang hapdi na nagmumula sa balikat ko.

"Gino! Bella! Let's go! " Pareho kaming napalingon ni Gino nang tinawag kami ng Inspector Akinu. Nagulat ako nang makitang ang dalawang lalaking kasama ni Rino kanina ay nakatali na sa harapan nya habang nakaduct tape naman ang mga bibig nila.

Sinigurado muna naming walang tao sa labas bago kami umalis ng silid.

"Gino... sina ate, kailangan natin silang hanapin," ani ko habang sinusubukan syang sabayan sa pagtakbo.

"Anong ibig mong sabihin? Nandito s'ya?"

"Oo, kasama nya rin si Vee at sir Tyrron."Halata sa ekspresyon ni Gino na naguguluhan sya. Hindi ko s'ya masisisi pati ako ay naguguluhan pa din.

Sa halip na magtanong ay tumango na lang si Gino. Nagpasalamat naman ako dahil dun. Hindi ito ang tamang oras upang magpaliwanag.

Napahinto kami nang makitang wala na kaming iba pang madadaanan. Bumungad sa harap namin ang isang mahabang pasilyo. Sa dulo nito ay isa lamang malawak na puting ding-ding at isang pinto.

Sinubukan ni Gino na buksan ito ngunit kahit anong pagpupumilit nya ay hindi ito bumubukas.

"It's a dead end. Should we go back? " tanong ni Gino.

"No, we can't. I'm sure by now they know what we did, and it's only a matter of time before they'll find us. "

Tama si Inspector Akinu. Wala na kaming ibang mapupuntahan pa. Pero ano ang dapat naming gawin?

Nagkatingin kaming tatlo nang makarinig kami ng mga tawanan ng mga lalaki. Mas lalong kumabog ang puso ko nang mapagtantong papunta sa direksyon namin ang mga boses na iyon.

Ano na ang gagawin namin?

Bawat segundo ay parang tambol na kumakabog ang dibdib ko. Namamasa ang aking noo sa bawat butil ng pawis na nahuhulog mula rito.

Hindi kami pwedeng mahuli.

Parang tumigil ang oras nang bumungad sa paningin namin ang dalawang lalaking nagtatawanan kanina. Pareho silang nakasuot ng lab coat kaya masasabi kong isa sila sa mga nurses dito.

Gulat na gulat sila nang makita kami. Walang 'ni isa sa amin ang tangkang gumalaw. Lahat kami ay pawang nabato sa aming kinatatayuan.

"When I count to three, I want you to run and signal the others," bulong ng lalaki kasama niya at marahan naman sya nitong tinanguhan

"Please, let's talk about this. Just let us go, " pakiusap ko, ngunit parang hindi lang nila ako naririnig

"One."

Tumingin ako kay Inspector Akinu, nagbabakasakaling may plano sya sa kasalukuyang sitwasyon namin, ngunit nakatitig lamang ito sa lalaki na anino'y binabantayan ang bawat galaw nito.

"Two. " Mas bumilis ang kabog ng dibdib ko. Sigurado, kung hahayaan namin silang makatakas ituturo at ituturo nila ang lokasyon namin.

"Three!"

Mabilis na tumakbo palayo ang isang lalaki pero nagulat ako nang makitang wala na rin sa tabi ko sina Inspector Akinu at Gino. Paharap ko nakita ko na lang na nakikioaglaban na sina Gino at Inspector Akinu sa dalawa.

Kahit may katandaan na, malakas pa rin ang mga atake ni Inspector Akinu at halatang walang kalaban-laban ang batang lalaki sa kanya. Habang si Gino naman ay hindi ganoon kagalingan ngunit nagagawa nya pa ring makasuntok kahit papano.

Sobrang bilis ng pangyayari at nakita ko na lang na nakahiga na sa lupa ang lalaking kalaban ni Inspector Akinu. Tinulungan nya si Gino na labanan ang isa pa at sabay nilang napatumba ang huling lalaki.

"Are they dead? " wala sa sarili kong usal habang dahan-dahang lumapit sa kanila.

"No, just unconscious, " sagot ni Inspector Akinu. Napahinga naman ako ng malalim dahil dun.

Nakita ko na may dinukot si Gino sa bulsa ng isa sa mga lalaki. Tnaas nya ang kanyang kamay at pinakita sa amin ang isang ID.

"Pwede natin itong gamitin upang buksan ang pinto. Nakita ko na ganitong ID din ang ginamit ni Rino sa pagbukas sa pintuan kung saan nya kami tinago. Medyo nagising kasi ako nung ginuguyod na nila kami. "

Napangiti na lang ako sa sinabi ni Gino. Blessing in disguise din pala ang mga lalaking 'to. Kung hindi sila dumating tiyak hindi namin mabubuksan ang pinto.

"Dito banda, may narinig ako! " Pareho kaming lahat nagulat nang may narinig kaming isang sigaw hindi malayo sa aming kinaroroonan.

Mabilis na binuhat ni Inspector Akinu at Gino ang dalawang lalaki sa sahig habang ako naman ay agad na binuksan ang pintuan sa pamamagitan ng ID na ibinigay ni Gino.

Ilang segundo lamang pagitan ng pagdating ng mga guwardiya sa kinaroroonan namin kanina at ang pagpasok namin sa pintuan. Hingal na hingal akong sumandal sa pinto, hindi dahil sa pagod kundi dahil sa pagpipigil ko ng aking hininga.

"I swear, may narinig ako dito! Bakit walang tao?" rinig kong sigaw mula sa kabila ng pinto.

Dahang-dahang inilapag ni Gino at Inspector Akinu ang katawan ng dalawang lalaki sa sahig habang sila rin ay pilit na hinahabol ang kanilang hininga.

Inilibot ko ang paningin ko sa loob at doon ko lang napagtanto kung anong klaseng lugar ang aming pinasukan.

Hindi ko alam ang mararamdaman. Gusto kong masuka sa nakita. Gusto kong ilayo ang mga mata ko ngunit hindi ako pinapahintulutan ng kuryusidad ko.

Sa harap namin nakahilera ang maraming malalaking capsules. Pero ang mas kinabigla ko ay may mga laman ito.

Mga tao.

Every capsules contained two identical persons, floating in a green liquid. They were facing back to back with each other and several wires were connected both to their bodies.

Ang dami nila…

Anong lugar ba ito? At tsaka bakit magkakamukha ang bawat taong magkasama sa isang kapsula?

--**--
DareMe19

After Past (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon