"Sungit.Meron ka ngayon noh?"
Napahinto ako ng makita ko si Henz na kasama si Pier at Carl pati si Luke na papasok sa room
Shocks!!Naalala ko na naman!!
Nakakahiyang magpakita sa kanya
Parang di ko kayang humarap sa kanya ngayon.
"Hoy!Deil!"
Napatingin ako kay Diel ng sumigaw ito at kumakaway sa harap ng mukha ko
"Ano yun?"
"Kanina pa ko nagsasalita dito di ka nakibo dyan,tapos tumigil ka pa sa paglalakad.Ang sabi ko okay lang yung ball,kekwento ko sa inyo later and about mom and dad. Ayun si Daddy super busy and si mommy naman miss na si dad kaya sya na lang napunta sa opisina ni daddy.Tsaka tinatanong ko kung meron ka ngayon.Sungit mo kasi kanina.Hmp."sabi nya tapos nagsimula na ulit kaming maglakad
Ngumit lang ako at tumango.
"Oo."
------
"Okay class dismiss."
Inayos ko na ang gamit ko tsaka tumayo
"Tara na."sabi ko
"Saan?"tanong ni Diel
Kumunot naman ang noo ko
"Sa cafeteria?"nagtataka na sagot ko tsaka palihim na umirap
"Uhm Deil."
Nakataas kilay na nilingon ko ang tumawag sakin at nanlaki ang mata ko ng makitang si Henz yun
Ngumiti sya sakin at bumati sa kanila Yumi,Diel at Zey.
"Zey,Deil,practice room tayo ngayon.."sabi nya at naglakad na palabas ng room
Shocks!Nahihiya pa din talaga ako!!!
Galit kaya sya?
"Oh may practice daw kayo.Tinatamad naman akong kumain.Ikaw Yumi?Kakain ka?"tanong ni Diel
Umiling naman si Yumi
"Kailangan ko muna kasi magtipid."sabi nya
Tumayo naman si Zey
"Tara na."sabi nya sakin
Tumango na lang ako at nagpaalam na sa dalawa
Medyo nag aalinlangan pa nga kong magpractice ngayon.
Wala kasi talaga ako sa mood tsaka masakit puson ko tapos nagugutom din ako.Syempre nahihiya din akong humarap kay Henz.
Pagkarating namin ni Zey sa practice room andun na agad silang lahat
Wala na kaming paligoy ligoy at nagsimula na kaming magrun ng tatlong beses sa mga kanta
"Okay break muna tayo."sabi ni Henz
Umarte namang napahawak sa puso si Pier at parang nasasaktan
"Ouch..You broke mah heart Henz"sabi nito na nagboses babae pa
Natawa naman kami sa kanya
"Sira."umiiling na sabi ni Henz
Nagpunta naman sa cafeteria si Pier at Carl ganun na din si Zey at Liam,napatingin ako kay Henz na nagaayos ng mga gamit
"Uhm.Hindi ka ba kakain?"tanong ko sa kanya
Tumingin naman siya sakin at umayos ng tayo tsaka ngumiti
Lumapit sya sa bag nya at may kinuha sa loob
Nagulat ako ng bigla nyang iabot ang isang spaghetti tsaka sandwich tsaka juice at tubig
"A-ano yan?"tanong ko
"Masakit ata yung puson mo kasi nafifeel ko yung discomfort mo kanina habang nagpapractice and I think nagugutom ka na kanina pa. Kaya binili ko na yan kanina."nakangiti nyang sabi
Umiling naman ako
"Pagkain mo yan.Bibili na lang ako sa cafeteria."
Natawa naman sya at pilit na inabot sakin yung mga pagkain kaya naman kinuha ko na yun dahil sobrang mapilit sya
"Sigurado ka talaga?Ayaw mo?"tanong ko
Tumango naman sya
"Don't worry 'bout me..Kumain na din ako kanina bago pumunta dito."sabi nya
Tumango na lang ako at tumalikod na sa kanya pero muli akong humarap
"Uhm.."
Lumingon ulit sya sakin at tumaas ang dalawang kilay tanda ng pagtatanong.
"Yung u-upuan pala sa kotse mo.."
Ngumiti sya at tumawa
"Napalinis ko na wag kang mag-alala.Just enjoy your food.."nakangiti nyang sabi at binalik na ulit ang atensyon sa pag-aayos ng mga gamit at instrumento
Ngumiti na lang ako at tumalikod tsaka naglakad papunta sa upuan
Bakit ganito?
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Tsaka...
Kinikilig ba ko?
Baliw ka Deil!Magtigil ka nga!Binigyan ka lang nya ng pagkain.
Mabait na tao nga si Henz.
Mahangin lang minsan...
BINABASA MO ANG
Weston High | On Hold
Teen Fiction"What you think is not necessarily what you think..." Welcome to Weston High where bullying transfer students is LEGAL. Where violent acts is somehow LEGAL. While being inlove felt so ILLEGAL. ------ T.W!: This story is personal and unedited, with n...
Chapter 48: Red Days
Magsimula sa umpisa