Chapter 1: FIRST KISS .

14.7K 253 5
                                    

Gumising ako nang maaga at ginawa ang nararapat na gawin upang hindi mahuli sa trabaho. Nauna umalis sila Katie at Liza umalis patungo sa kanilang trinatabuhan dahil maaga ang kanilang pasukan.

[ Company ]

Lumapit sa akin ang babaeng aking kasamahan dito sa kompanya at bagkus sa kan'yang mukha ang pangangamba habang pinapawisan ang mukha.

"Ms. Jones maari po ba na ikaw ang magbigay nitong 10 files ni Mr. Zellweger? Kanina lang siya nagwawala at hindi ko maaring puntahan dahil sa nagawa kung kasalanan," aniya sa matamlay na tono at pagmamakaawa na tingin, 'saka inilahad sa akin ang sampung files. Hindi ako nag-atubili at tinanggap iyon.

Tumungo ako sa 20th elevator kung saan naroon si Mr. Zellweger at binuksan ang sliding door. Namalayan ko siyang nagpapahinga habang ang dalawang paa ay nakapatong sa kaniyang mesa.

Ang sosyal ng hari.

"Sir, nandito na po ang 10 files na hinahanap niyo." ani ko at Inilahad ang sampung papelis at aakmang na lalakad ngunit naramdaman ko ang malamig niyang kamay na humila sa aking braso.

eh?

"Ms. Jones, right? If you will accept my favor, i bet, i will double your salary." aniya sa malumbay na tono.

Naramdaman ko ang pag-galaw nang kaniyang mga paa at ang malamig na kamay na pumatong sa aking braso at pagdikit nang kaniyang hininga sa aking tainga. " I am a man of my words."

Tumindig ang aking balahibo nang marinig iyon na siyang kumikiliti sa aking boung katawan.

"C'mon, this is my room." ani'ya at binuksan ang pintuan. Nakakamangha ang paligid nang kan'yang silid at maraming mamahaling kagamitan ang nakalagay sa bawat sulok.

Ani pa ni Katie ay kung matanggap ako sa kompanyang ito ay nararapat akong mag-ingat ngunit hindi ko alam kong bakit at ano ang dahilan.

Ngayon narito na ako ay hindi mawala sa aking alimpatakan ang mga gawain at bagay-bagay na hindi ko nararapat isipin.

Siguro makakalabas akong hindi virgin? O 'di kaya pag-eensayuhan niya akong bugbugin? Kung maari lang bumalik nang kasama ang pera, gagawin kona.

Nako naman...

Kan'yang hinubad ang kaniyang kurbata at itinumba ang sarili sa malambot na higaan na siyang ikinalaki nang aking mata.

Bali, hihiga tayong dalawa? Mapait akong ngumiti at lumunok nang laway no'ng maisip ko iyon.

"Ano po ang pabor niyo, Sir?" Sa kabila nang iniisip kong kabaliwan ay nakikipaglaban sa akin ang pangangamba na mahirap pigilan.

Itinayo niya ang kaniyang katawan at hinubad ang Cavaliere suit at humiga nang walang saplot.

Tumalikod ako sa kahihiyan at nanatiling nakatayo ngunit dos minutos akong naghintay ngunit walang kibo ang nasa aking likod.

"Sir, bakit po mabagal kang magbihis at pakiramdam ko ay nagsisimulang namamaga ang aking tuhod. Alam mo sir para kang bak–" hindi ko na natapos ang nararapat kung sabihin nang mapansin kong mahimbing itong nakatulog.

(Bakla)*

Nilapitan ko ito at pinagmasdan siya nang mabuti, "Maraming pandesal." Ngumiti ako nang palihim at inilagay ang aking kanang kamay sa kan'yang noo. Napansin kong namumula ang mukha nito at mainit ang noo.

My Possessive Boss [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon