Prologue

22.1K 332 12
                                    

Off

Ngumiti ako habang umiikot sa harap nang isang malaking salamin upang sipatin ang aking sarili.

"Alexa! Hubadin mo iyan! Masama ang isukat ang wedding gown bago ang kasal!" kinakabahang sabi sa akin ni Lola habang ibinaba ang zipper nang aking damit.

"La!" reklamo ko rito.

"Ang tigas nang ulo mo!" sermon nito habang hinihila ang aking buhok.

"La naman!" ngusong tawag ko rito habang hinahawakan ang aking buhok at hinihimas ang aking ulo dahil sa sakit nang pagkakahila nito.

Masyadong mapamahiin ang aking Lola kaya hinubad ko na iyon at iniayos ang pagkakalagay sa kahon.

"Hindi matutuloy ang kasal nyo sige! Sukatin mo pa!" banta nito.

"Hindi na po.." sukong sabi ko rito dahil ayoko rin naman itong mangyari sa amin iyon ni Gilbert.

"Love!" masayang bati ko rito nang sagutin nito ang aking tawag.

"Yeah?" he husky asked.

"I missed you.." ngusong sabi ko rito.

"I missed you too.." sagot nito sa akin.

Kumonot ang noo ko sa aking narinig sa kabilang linya.

"Sino yon?" kuryosong tanong ko rito.

"A-alin love.." mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa paraan nang pag sasalita nito tila nahihirapan itong huminga.

"Are you okay!?" aligagang tanong ko rito.

"Yea- Yes!" malalim ang hiningang sagot nito.

"Bakit ganyan ang pag hinga mo?" nakakunot noong tanong ko.

"I-I'm in my gym.." habol hiningang sagot nito.

"Ahh.." ngiting sagot ko rito dahil nakahinga na ako nang maluwag sa naging sagot nito.

"Yeah.. So call you later?" malalim pa rin ang hiningang tanong nito.

"Yeah sure i love y-"

Naputol ang balak kong sabihin dahil sa biglang pag baba nito sa telepono.

"Issa! Tara kumain muna tayo!" aya sa akin nang aking manager sa aking simpleng coffe shop. Lumingon at ngumiti ako rito saka pinahid ang kamay ko sa apron na aking suot pagkatapos ay hinubad ko iyon saka lumabas sa counter sa iniabot ang aking bag.

"Sige kumain na kayo.." ngiting saad ko rito bago lumapit sa mga ito upang mag paalam.

"Geezz.." ngusong sabi ko dahil sa nakitang mga pagkaing nakahayin rito. Nakakgutom.

"Ano?" nakataas kilay na tanong sa akin ni Carmen.

"Pupunta ako sa condo ni Gilbert eh.." sagot ko.

Balak ko itong bisitahin dahil nga ikakasal na kami ay mahigpit kaming pinagbawalan na bawal magkita ngunit hindi ko iyon matitiis lalo na at naging abala ito nitong nakaraan araw.

"Bawal yan!" banta nito.

"Eh! Ngayon lang ito! Miss ko na siya eh naging busy pa ito!" katuwiran ko ritong sagot.

"Bahala ka!" walang nagawang sagot nito

Natawa ako saka nag paalam sa mga ito upang umalis na para mag tungo sa aking pupuntahan.

Pumasok ako sa aking sports car saka nag maneho patungo sa condo nito. Napangiti ako nang masulyapan ko ang aking dalang cake mula sa aking shop. I'm gonna surprise him. He'll be. I'm sure.

One Night One Lie Where stories live. Discover now