Pagdating ng gabi ay natagpuan muli ni Jam ang sarili sa loob ng restaurant. Hinihintay na lamang nila ng mamaya ay Ex na ang mga pagkain na kanilang inorder. Kinakabahan at hindi siya mapakali kaya naman ang kaharap ay kanina pa nagtataka sa likot niya sa upuan.
'It's okay. Manatili ka lang buhay Jam! Don't go outside. Don't let them know!!! But now they knooow! Let it-'
"Are you okay Jam?" Tanong ng boyfriend niya na mamaya ay Ex na. 'JAM?! DON'T YOU DARE JAM ME BABE!!!'
"O-okay lang ako." Nauutal na sagot niya. Pano niya saaabihin na we've been through these before at pang apat? na ulit na ito? Pano niya sasabihin na mamamatay siya after?
Tumango-tango ito at tumingin sa labas ng kainan. Bumuntong hininga si Jam habang sinisipa-sipa ang itim na bag sa ilalim ng lamesa. Iniisip kung sinong customer ang nakaiwan niyon. Hindi rin nagtagal at dumating ang mga inorder nila at nagsimula na silang kumain. Hindi na niya sinimulan ang conversation, di tulad ng nagdaan na siya ang nagsisimula ng usapan. Hahayaan niya itong mataranta at mag-isip kung paano nito sasabihin sa kaniya ang balak nitong pakikipag-hiwalay.
"I wanna break up with you babe."
'Putangina talaga naman babe!!!'
"I don't wanna. Hindi tayo magbebreak." Mariing sagot niya. Nagulat naman ito dahil hindi nito inaasahan na parang kalmado siya sa nangyayari. Pero hindi siya kalmado. Nagpapanic na siya!
"I have a fiance-"
"Wala akong pakeelam! We are not breaking up and specially not on my birthday!! FUCK YOU!! AT OO, BIRTHDAY KO NGAYON BABE!" Matapos ang hysterical na sigaw na iyon ay malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Jam saka nagpatuloy kumain. Walang pakelam sa mga taong nakatingin sa kanila at nagbubulungan. Halata naman ang pagkagulat sa mukha nito dahil obviously, hindi nito alam na birthday nya.
Pero hinding hindi siya papayag sa break up na hinihingi nito. NEVER!
"Birthday mo? Shit... I'll be back. Mag C.R lang ako." Natatarantang sagot nito.
Tama! Ikaw naman ang magwalk-out!
Pagtayo nito ay nakapa ng paa niya muli ang bag sa ilalim ng lamesa. Sakto naman na lumapit sa kaniya ang isa sa waiter upang tanungin marahil kung may kailangan siya.
"There's a bag under my table." Wika niya sa lalake at ipinatong iyon sa lamesa saka binuksa upang alamin kung may naiwan ba na I.D doon. Pagbukas na pagbukas niya ng bag ay tumambad sa kaniya ang bagay na muling magbabalik sa kaniya sa simula ng araw na ito.
"Putangina talaga ayoko naaaaa!" Sigaw niya dahil 3 seconds na lamang ang natitira doon. Napatingin naman sa kaniya ang boyfriend nang makitang nataranta siya.
"JAAAAAAM."
Aaaaand boom, sumabog ako last night.
Unang pumasok sa isip niya nang muling magmulat ang mata niya habang nadidinig ang tawag ni Dandreb sa kaniyang cellphone.
Nice one Andrei, what a bad idea!
Pag-abot ng cellphone ay pinilit niyang wag matamaan ang vase ngunit kusa parin iyon natumba. Tumapon ang laman niyon at gaya ng inaasahan ay nagkorte na L ang pagdaan ng tubig na tumapon mula doon. Pero ang pinagtataka niya ay ang kakalmahan ng kaniyang sarili. Hindi malaman kung bakit hindi siya nagpapanic o nakakaramdam ng pagkataranta. Parang tanggap na niya na mamamatay na siya ngayong araw.
This is an ordinary day
Sinagot niya ang telepono na may ngiti sa labi at binati ang tumawag at hindi na ito hinahayaan na makapag salita pa.
"Goodmorning babe! Tonight at seven right? I'll wait for you, I love you and the answer is no."
Pagkababa ng telepono ay may ngiti sa labi na nagtungo siya sa banyo at masiglang binati ang umookupa niyon.
"Goodmorning! Come on I'll give you a lift." Pagbati niya dito bago umupo at kinuha sa mga kamay niya ang maliit na bisita. Lumabas siya ng kwarto deretso sa maliit na kusina at inilapag sa lababo ang ipis bago todo ngiti na hinimas pa ito sa katawan ng kaniyang daliri. Hindi naman umaalis sa pwesto nito ang kawawang ipis na napagbuntunan na yata ng kabaliwan niya.
It felt like I traumatized this lil guy.
Bumalik siya sa banyo at naligo, gaya nang mga ginawa niya nitong mga nakaraan. Paglabas ng banyo ay nagtungo sa cabinet at kukunin sana niya ang laging sinusuot ngunit bigla siyang natigilan. What if I wear something else? Wika niya sa sarili. Kinuha niya ang maong na short at kulay blue na tshirt at iyon ang sinuot. Matapos maiayos ang sarili ay lumabas na siya at nakitang nakatayo ang tatlong chismosa ng barangay. Malapad ang ngiti na nilapitan niya ang mga ito at masiglang bumati.
"Goodmorning! Anong balita ngayon? May bago ba?" Interesadong tanong niya sa mga ito. Sandali lamang na natigilan ang tatlo ngunit nang makabawi ay idinamay na rin siya ng mga ito sa bagong balita.
"Ay alam mo ba? Yung anak ni Panchang diyan sa pagkaliko sa kanto? Yung magdodoktora? Ayun tigil na, buntis na daw at ang propesor ang nakabuntes!" Pagbabalita ng tsismosa #1. Napukaw rin naman niyon ang interes niya dahil kilala niyang proud ang pamilya ng babae at ibinabalita sa barangay na unang doktor sa barangay nila ang anak ng mga ito. Malaking dagok nga sa kanila kung totoo man ang balita.
"Ay talaga ba? Naku kawawa naman si Manong Brandy ano? Ikinakayod niya ang pag-aaral niyon eh." Nanghihinayang na sagot niya. Iniisip kung siya na ba ang tsismosa #4?
"Ay totoo. At alam mo ba eto pa. May apat na babae pa pala na nabuntes ang propesor na yon at lahat estudyante nya nakuuuu! Sa iba't-ibang lugar yung mga iyon. Nagpapalipat-lipat pala ang hayup na iyon kapag nakabuntis na." Tsismosa #2
"At ipinagtatanggol pa kamo ng anak ni Panchang! Abay nagmamahalan daw silang dalawa at nagbabalak na bumuo ng pamilya." Tsismosa #3
"Baka naman totoong nagmamahalan sila?" Tanong niya as Tsismosa #4
"Abay nagmamahalan ba iyan eh nahuli ng ama niya na patakas na! Kundi inabutan ng asawa ni Panchang iyon ay nakalayo na naman ang hayop at maghahanap ng bagong biktima." Tsismosa #1 ulit
"Ay ganon. Naku eh tanga rin pala noh. Ako nga eh makikipag break na sakin mamayang gabi BF ko at daig ko pa sya! Mamamatay nanaman ako mamayang gabi. Sya sige at pupuntahan ko si Adrian. Magpapatikim ako bago manlang ako mamatay... ulit." Tsismosa #4. Pagkasabi niyon ay kumaway na siya at nagpaalam na sa mga ito.
"Abay nabaliw na ata dahil sa boypren ano?" Tsismosa #2
"Hayaan mo na at ganyan talaga ang umiibeg! Tignan mo si Aryana? Kawawang Panchang." Tsismosa #3
Di pa man siya nakakalayo ng husto ay sinalubong na siya ng aso ni Adrian at tinahulan siya ng tatlong beses. Nginitian naman niya ito saka pinisil sa pisngi. Parang gulat naman ang aso dahil hindi na ito nakapag react pa lalo na ng kalungin niya ito saka bumalik kay Adrian na natitigilan dahil yakap na niya ang aso nito na galit sa kaniya. May powers yata ako na itraumatize ang mga hayop at insekto?
"Goodmorning Adrian. Alam mo ang worst ng suggestion mo ha. Hindi nga ako namatay sa labas, nasabugan naman ako ng bomba sa mukha." Pagbabalita niya dito sa palpak na plano nito. Nagtataka naman ito at pilit iniintindi ang mga sinabi niya.
"Suggestion ko? Kahapon? Uhm..." Pagtataka nito dahil hindi naman siya nakikipag-usap dito maliban na hello at hi. Eto ang unang beses na kusa siyang lumapit dito.
"Okay lang iyon, hindi mo naman talaga alam kase ako lang ang nagloloop. By the way gusto ko lang sabihin na... I'm gonna die tonight. Totoo iyon, I'm dying at matagal na kitang crush. Crush lang ha pero... ano kasi. Can you fuck me? For the memories. Ano kasi, makikipag break na sakin ang bf ko at anmhpf."
"Let's make love and think about it later bago pa man magbago isip mo. I loved you for a long time now."
At natagpuan na lamang ni Jam ang sarili niya na nakikipag sex sa hindi niya boyfriend pero matagal na siyang mahal.
Fuck this loop kung babalik nanaman siya sa umaga ng 26!!! This is the best sex ever!!!
YOU ARE READING
The Break Up Loop
RomanceWhat if you are in a timeloop? What if ang loop na naistuck ka ay ang araw ng break up ninyo ng mahal na mahal na Bf mo? Ang nakakasawang paulit-ulit na pakikipag break sayo ng boyfriend mo. Paano mo puputulin ang heart breaking, gut wrenching bre...
