Matapos sabihin ni Dandreb na magkita sila mamayang gabi ay panandaliang natulala si Jam sa kinauupuan. Nagtataka at di sigurado kung panaginip ba ang nangyari? Totoo at nakaligtas siya sa aksidente? imahinasyon? Hinanap niya ang kalendaryo sa cellphone at inalam ang date. Sunday, 26 April. Muli ay tinitigan niya ang paletrang L na tapon ng tubig sa sahig. Ilang sandali pa ay ipinilig niya ang ulo saka bumuntong hininga. 'Stop over thinking Jam! Naguguluhan ka lang dahil sa ganda mo ghorl!'
Kumibit balikat na lamang si Jam saka tumayo at dumeretso sa banyo upang maligo. Pagbukas ng pinto ay may ipis na bigla na lamang tumakbo palapit sa paa niya kaya napatalon siya. Sa gulat at pagtataka ay sinipa niya iyon palayo sa kaniya at tumakbo naman iyon kung saan.
"This happened on my dream right? Nasa panaginip ko to?" Matapos sabihin iyon ay tumawa siya ng malakas ngunit pandinig niya ay may question mark sa bawat dulo ng tawa niya? Muli ay bumuntong hininga siya at dumeretso na sa banyo. Pilit niyang kinalimutan ang panaginip at nagtuloy na lamang siya sa paliligo. Hindi naman niya napansin ang malaking pasa na nasa kaliwang bahagi ng katawan sa kaniyang balakang.
'Ghorl nakipagmarathon ka ba? Bakit ang sakit ng katawan mo?'
Paglabas ng banyo ay nagpunas siya ng buong katawan at nagtungo siya sa cabinet. Isinuot ang kinuhang skinny jeans at pulang shirt, nagsuklay ng maigsing buhok at kinuha ang bag na nakakalat sa sahig at lumabas na ng bahay.
Pagsara pa lamang ng pinto ay kita na agad niya ang tatlong tsismosa na nakaumpok sa di kalayuan sa kaniya. Agad na sumimangot si Jam ng makita ang mga ito. 'Aga-aga tsismis nanaman inaatupag ng tatlong bruha na ito! Ano ako nanaman? Tse! Mga inggitera!'
Hindi na lamang niya pinansin ngunit naiisip din kung may bago nanaman bang tsismis or pangyayari sa barangay. Ano nanaman kayang nahalungkat ng tatlong iyon? Bigla na lamang siyang napatigil nang galit na tumigil din sa harap niya ang aso ng kapitbahay na si Adrian. Kumahol ito ng tatlong beses at balak sana na kagatin siya kundi lamang ito agad na natawag ng amo nito.
"Bossly! Pasok!" Sigaw ng gwapong kapitbahay.
"Itali mo kase! Type yata ako nyang alaga mo eh. Lagi akong hinahabol!" Natatawang sigaw niya dito. Ngumisi naman si Adrian bago sumagot.
"Pagbigyan mo na kase! Isang kagat lang daw... ng amo nya!"Pabirong sigaw naman ni Adrian. Umiiling na tinalikuran na niya ito saka sumagot.
"Sorry! Taken na ko!"
'Ibang convo yon! Hindi yon pareho ng panaginip ko! Mwahahaha!'
Hindi naman niya napansin sa bumuntong hininga ng malalim ang kanina ay kausap saka umupo sa pintuan upang himasin ang alagang aso na parang ang sarili nito ang inaamo nito.
Pagdating sa sakayan ng Trycicle ay nasa unahan ang kay Manong John. Kulay pula iyon at puno ng ilaw sa loob. Pumapailanlang din ang tunog ng musika na lagi nitong tinutugtog. Pagsakay sa loob ay sakto naman ang pagtugtog ng chorus ng kanta ni Bon Jovi.
Pagbaba sa tryke ay hindi na mawala sa isip niya ang unang bahagi ng chorus niyon. It's my life. Bumunong hininga na lamang siya saka tumuloy sa suking tindahan. Hindi pa man siya nagtatagal nang isang babae ang sumingit na naging dahilan ng pagkalaglag ng reployo at pag-gulong niyon sa sahig. Ilang sandali pa niyang natitigan ang gumulong na gulay na may halong pagtataka saka bumalik sa babaeng dahilan niyon. Kinuha nito ang gulay at nagsorry sa tindera bago muling namili ng bibilihin. Ipinagpatuloy na rin niya ang pamimili ngunit hindi mawala sa isipan niya ang pangyayari. Babalik na sana siya nang mabangga naman siya ng isang lalake sa kaliwang bahagi ng kaniyang katawa at nahawakan na lamang niya ang balakang dahil sa sakit.
'Ano koya? Bato lang? Grabe hah!'
Pagbalik sa bahay ay agad na niyang inihanda ang mga pinamili. Pagkaluto ay tinawagan niya ang mga kaibigan upang imbitahin ang mga ito para sa simpleng tanghalian.
YOU ARE READING
The Break Up Loop
RomanceWhat if you are in a timeloop? What if ang loop na naistuck ka ay ang araw ng break up ninyo ng mahal na mahal na Bf mo? Ang nakakasawang paulit-ulit na pakikipag break sayo ng boyfriend mo. Paano mo puputulin ang heart breaking, gut wrenching bre...
