'Are you busy today? I'll get you at seven pm tonight. Be ready.'
Pagkababa ng tawag ay nagpapanic na muling sinilip ni Jam ang tubig sa sahig. Hindi niya alam kung ano ang gagawin at iniisip kung dapat na nga ba siyang magpatingin sa psychiatrist? O sa albularyo? Nananaginip pa ba siya o kinikulam siya?
"Hinde! hinde! Nangyari na to kahapon eh. Naulit lang to, naulit lang to... No, no panaginip lang yon. Panaginip lang." Tarantang wika niya. Pilit na pinakakalma ang sarili kahit pa talaga namang taranta na siya. Inilibot niya ang paningin sa paligid at natuon ang pansin sa banyo.
"Yung ipis! Yung ipis! Kahapon may ipis dyan. Ngayon wala na yan! Wala na yan!" Paulit-ulit na wika niya habang nakaturo sa banyo. Akala mo ay may nakikinig sa kaniya at sasang ayon sa sinabi niya.
Nagmamadali siyang tumayo sa kama at dumeretso sa banyo. Gayon parin iyon at naroon parin ang nakasabit na puting tuwalya. Gaya ng naaalala ay tumakbo palapit sa kaniya ang ipis at nagpapanic na pinagsisipa iyon habang nagsisisigaw.
"Waah! Wah! Wah! May ipis! May ipis nga. Meron nga. No! No no no, calm down. Kapatid lang yan ng kahapon. Kapatid lang sya... Kapatid ka ba? Fuck patay na sya pano sya sasagot?! Pano??!!!" Muli ay natatarantang sigaw niya sa kawalan. Hindi na naisip na kahit buhay ang kawawang ipis ay hindi naman ito sasagot sa kaniya. Matapos niyon ay tumawa naman siya ng malakas habang nakatitig sa patay na ipis.
Pumasok siya sa banyo at nagmamadaling naligo. Nagpunas at nagsuot ng skinny jeans at pulang shirt. Kinha niya ang bag at inabot ang cellphone upang tignan ang date.
April 26
"Tangina dapat ba talagang ulitin ko?"
"Labas na tayo. Labas na. Now na, yes, yes now na." Tatango-tango sa sarili na sambit niya. Paglabas niya ng pintuan ay maiiyak nanaman siya dahil naroon ang tatlong tsismosa ng kanilang barangay. Nagtuloy siya sa paglakad at hindi na pinansin ang tatlong bruha. Hindi pa man nakakalayo ay nasalubong naman niya ang aso ni Adrian. Bago pa ito maka kahol ay dinuro niya ito.
"Subukan mong kumahol at iaadobo kita!" Galit sa sigaw niya sa aso. Mukhang nakaintindi ito dahil tumagilid ang mukha nito at halatang nagtataka. Ngunit nang makabawi ay tinahulan siya nito ng tatlong beses. Galit na nasabunutan na lamang niya ang sarili nang madinig ang pagtawag dito ng kapit-bahay.
"Itali mo yan kundi iaadobo ko yan bukas kapag naulit pa ulit ito!" Sigaw niya kay Adrian. Ang tinutukoy niya ay ang pagkakaulit ng pangyayari ngunit iba yata ang naintindihan ng amo.
"Hindi na po. Next time ako na sasalubong sayo!" Todo ngiting sagot naman ng kapitbahay. Naiistress na siya dito at nagawa pang magpacute ng hayup na to.
"I'm taken!
...I'm still taken right?" Sagot niya. Pabulong naman ang mga huling salita.
"As of the moment I am still taken. Fuck." Tumalikod na siya at nagtungo sa sakayan ng trycicle. Wala sa sariling naglakad patungo sa sakayan habang hindi pinapansin ang kaniyang mga nakakabangga na sinissigawan sya. Gaya ng mga nakaraan ay ang pulang trycicle ang naroon. Puno iyon ng ilaw at pumapailanlang ang kantang paborito ni Manong John. Gaya nang nakaraan ay sakto sa chorus ang pagsakay niya sa loob. Kinakabahan man at hindi makapaniwala ay nais naman niyang alamin kung may magbabago ba sa mga nangyari? Baka sakaling ang first half lang ng panaginip niya ang kapareho. If ever na panaginip man ito?
"May sumumpa ba sakin? May nakaaway ba ko? Sagot?!"Nag-aalalang sigaw niya bigla. Alam niyang stress na siya at pakiramdam ay naghahallucinate pero hindi naman niya mapigilan ang hindi magpanic.
"Hindi ko alam iho. Ako ay hamak na trycicle driver lang." Nagtatakang sagot ni Manong John. Napapahiyang nagsorry na lang siya dito at nagkunwaring may kausap siya sa cellphone. Konti pa at siya na mismo ang magdadala sa sarili sa psychiatrist.
Pagdating sa palengke ay agad siyang dumeretso sa suki. Wala sa sariling pinisil-pisil ang mga gulay at mamimili muli ng iba.
"Iho ano bang pinipili mo? Malalamog iyan. Abay namumutla ka ah, nabalis ka ba kaya ka nagkakaganyan?" May pag-aalalang tanong ng tindera. Sandaling natigilan siya at napaisip. Ilang sandali pa ay pumalakpak siya ng isa at tatawa-tawang hinawakan ang kamay ng manang.
"Nabalis nga. Nabalis nga ako! Sinasabi ko na nga ba at nabalis ako kaya ako nagkakaganito Manang!" Tumatawa habang maluha-luhang wika niya sa babae. Pasasalamatan sana niya ito sa impormasyon nang mabangga naman siya ng bagong dating na babae at gumulong sa sahig ang repolyo na kanina lamang ay kaniyang hawak.
"Hindi ito balis manang. Kinukulam ako!!!"
Hindi na niya hinintay na makapagsalita ang dalawang babae at kumaripas na siya ng takbo pabalik. Sumakay sa naghihintay na si Manong John at nagpauwi na lamang. Takang-taka man ay hindi na lamang nagtanong ang matanda. Maiyak-iyak na bumaba siya sa tryke at tumayo sa harapan ng pintuan ni Adrian. Kumatok siya doon ng paulit-ulit hanggang sa buksan iyon ng kapitbahay.
"Help me... I'm gonna die tonight." Tanging nasabi lamang niya.
Bahagyang nanlaki ang mata ni Adrian sa gulat ngunit agad din naman siya nitong pinapasok sa loob. Inalalayan siya nitong umupo sa sofa bago ito bumalik sa loob. Paglabas nito ay may dala na itong malamig na tubig at inalalayan pa siyang makainom dahil nanginginig ang mga kamay niya.
"Uhhh... Bakit sa tingin mo... Mamamatay ka mamayang gabi?" Kita niya sa muka ni Adrian ang pag-aalala ngunit may halong hinala din doon. Alam niyang hindi naman talaga kapani-paniwala ang mga sinabi niya pero mas hindi kapani-paniwala ang mga susunod na sasabihin niya.
"Would you believe me kung sasabihin ko sayo na... Nalampasan ko na ang araw na to? Twice... Twice nga ba? Thrice? Shit ilan na ba?" Dahil sa pag-iisip ay hindi na niya napansin ang pagkunot ng noo ng kaharap at pag-iling iling nito.
"Are you..."
"No! I'm not on drugs!"
"I was gonna ask if sure."
"Oh, yes. Maniwala ka sakin. Mamayang gabi dadating ang boyfriend ko para sa date namin. Hindi ko alam na may balak pala syang makipag break dahil may fiance na sya. Pero alam ko na dahil twice? Thrice? na nga itong nangyari. And then makikipagbreak sya. Lalabas ako ng restauran na lagi naming kinakainan and then I'll die." Mahabang paliwanag niya. Natigilan naman ito habang nakatitig sa kaniya at hindi niya mabasa kung nagulat ba ito dahil naniniwala sa kanya o dahil buo na sa isip nito na baliw na nga siya.
"Oh good... I mean bad. Anong balak mo? Kung totoo nga iyan. Anong gagawin mo?" Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay nagniningning ang mata nito. Dahil na magbebreak na sila ng bf nya?
"I don't know yet. Ang gusto ko lang naman ay makalampas sa araw na to. Anong gagawin ko? May kilala ka bang albularyo? At wag mo nang pigilan, alam kong hahalikan mo ko sa kaliwang pisngi for my birthday." Mahabang litanya niya. Natigilan naman ito dahil balak pala talaga nitong halikan siya.
Which is alam na niya.
'Tangina naman masasanay ako sa halik nya!'
"Okay I believe you. Pero anong gagawin mo? Maybe wag kang lumabas ng restaurant para di ka mamatay? Or maybe magpasama ka sa lalaking yon na ihatid ka manlang para safe? O gusto mo... Sunduin kita para sure na ligtas ka?"
May pag-aalala sa boses nito at alam naman niyang hindi ito naniniwala sa kaniya pero kahit papaano ay sinakyan nito ang inaakala nitong kabaliwan niya at balak pa siyang sunduin? May punto rin ang suhestiyon nito. Siguro malalampasan niya ang araw na ito kung hindi sya mamamatay?
"Susubukan ko. Siguro nga kailangan na makauwi lang ako ng ligtas para makalampas sa araw na to. Uhh... Thank you, Adrian."
-----------------------------
A/n: Inspired ito sa napanood ko na movie nitong nakaraan. Happy death day. At naisip ko, what it it is a break up loop? Haha di talaga mawala sa isip ko. I wish ito na ang way para makabalik ako sa pagsusulat.
At dahil naantala ang aking paglipad patungo sa ibang parte ng mundo... Balik sulat muna tayo!!
YOU ARE READING
The Break Up Loop
RomanceWhat if you are in a timeloop? What if ang loop na naistuck ka ay ang araw ng break up ninyo ng mahal na mahal na Bf mo? Ang nakakasawang paulit-ulit na pakikipag break sayo ng boyfriend mo. Paano mo puputulin ang heart breaking, gut wrenching bre...
