The Break Up

54 4 1
                                        

Nagising si Jam ng malakas na tunog ng ringtone niya. Tama, sunday ngayon at wala siyang pasok sa trabaho at sakto din na kaarawan niya.  Balak niyang yayain ang boyfriend na kumain sa labas at mag-celebrate na sila lamang dalawa. Agad niyang dinampot at aparato na nasa lamesa na katabi ng kaniyang kama. Sa pagpipilit na maabot iyon na hindi na kinakailangang tumayo ay natamaan ng kamay niya ang maliit na flowervase at tumapon ang tubig na laman niyon sa sahig. Panandalian siyang natigilan at tinitigan ang tubig na umaagos na nagkorteng letrang L bago muling naalala ang tawag.

Dandreb my man calling...

Biglang nagliwanag ang mukha ni Jam nang mabasa ang pangalan ng tumawag. Nagmamadaling sinagot niya iyon at itinapat sa tenga.

"Hello my love! Goodmorning!" Masiglang pagbati niya sa kasintahan.

'Are you busy today? I'll get you at seven pm tonight. Be ready.'

Pagkasabi niyon ay ibinaba na agad ng kausap ang tawag. Walang ano mang paligoy o pagbati o ano pa man.  Sandaling natameme si Jam habang nakatitig sa kanyang cellphone.

"Walang good morning? I love you too? Hello love goodbye?!" Pag-angal niya sa taong alam niyang hindi naman siya nadidinig. Pilit niyang kinalma ang sarili at pilit na nagpakapositibo.

"It's okay Jam. Birthday mo ngayon,  bawal ma stress! Inhale, exhale, in,  out! Birthday mo ngayon. Baka may hinahanda lang na sorpresa ang mahal mo." Matapos ng huling sinabi ay muling sumigla ang kaniyang mood. Kilala niya si Dandreb. Kung minsan ay nagkukunwari itong galit o walang pakelam ngunit may nakahanda pala itong sorpresa para sa kaniya. Kasabay niyon ay malapad na ngiti at halik sa labi na tatagal ng mga ilang minuto bago siya bitiwan nito.

"Be positive.  Think positive!"

Tumayo na siya sa higaan at nagtungo sa banyo. Marami siyang dapat na gawin ngayong araw bago ang date nila ng kaniyang mahal. Pagpasok sa banyo ay may ipis na nagmamadaling lumapit sa kaniyang paa kaya naman napatalon siya at agad na inapakan iyon ng paa na walang tsinelas. Sinipa ang kawawang ipis palabas ng banyo saka pumasok doon at tuluyang naligo. Paglabas ng banyo ay dumeretso siya sa cabinet at isinuot ang skinny jeans na tinernuhan ng pulang shirt. Sinuklay ang maigsing buhok saka lumabas ng apartment na kaniyang tinitirahan.

Paglabas ng bahay ay napansin niyang nakatumpok nanaman ang tatlong Queen of talkshow ng barangay na naisipan niyang hanapan ng matitirahan. Sumimangot siya dahil iniisip niya kung siya nanaman ba ang biktima ng mga ito o may bagong tsismis sa paligid.  Tutuloy na sana siya sa paglalakad nang biglang tumakbo sa harap niya ang aso ng katabing apartment at taholan siya ng tatlong beses bago ito tinawag ng amo nito.

"Bossly!! Pasok!!" Sigaw nito at agad namang tumakbo pabalik dito ang aso.

"Itali mo kase! Gutom sakin yang alaga mo!" Sigaw niya sa kapitbahay. Tumawa naman ito saka kumaway.

"Sorry! Ang cute mo daw kase eh at gusto kang kagatin... Ng amo nya!" Nakangiting sigaw ng kapitbahay.

Umiling-iling siya sa sinabi nito saka sinagot ito muli.

"I know! Pero sorry taken na ko!" Pabirong sigaw din naman niya sa sigaw nito.  Nagpatuloy na siya sa paglalakad at hindi napansin ang pagbuntong hininga ng kapitbahay at paghimas sa alaga nito na akala mo ay maaalo nito ang sarili sa ganoong paraan.

Gwapo at may abs naman ang kapitbahay na si Adrian. Mabait ito at matulungin. Araw-araw niya itong nakikita na nagwawalk ng alaga nito tuwing umaga pag-alis niya at nakaupo sa pintuan ng apartment nito pag-uwi niya. Minsan ay pakiramdam niya ay hinihintay talaga siya nito.

Pagdating sa sakayan ng trycicle ay naroon sa unahan ang kulay pulang tryke ni manong john. Gaya ng araw-araw na ginagawa nito ay nagpapatugtog ito at may mga kumikislap na ilaw sa loob niyon. Saktong pagsakay niya ay tumugtog doon ang chorus ng kanta na paborito ng driver.

The Break Up LoopWhere stories live. Discover now