Inabot ko ang 500 pesos sa saleslady pero tumingin siya kay Nikolai na umiiling-iling.

At ang lintik 'di kinuha ang 500 ko!

Paano naman ba kasi binigay na agad ni Nikolai ang card niya. Inabot ng saleslady habang nakatingin siya kay Nikolai at infairness nanginginig pa ang kamay niya. Kumunot ang noo ko nung nagtagal ang kamay nilang dalawa at tinignan si Nikolai, agad niya namang binitawan ang kamay ng babae.

"I guess you have to keep that. Ayaw sa'yo eh" Giit niya habang tumatawa-tawa at nagkibit-balikat.

Napairap na naman ako. Oo nga naman Liyah. Kasama mo lang naman kasi ang isa sa mga myembro ng sikat na banda ngayon.

At ang tatay ng anak mo!

Papaalis na sana kami ng may sumigaw na isang teenager.

"Si Nikolai!"

Tila'y lahat ng tao ay nakapihit na sa amin ang paningin at atensyon.

"Oh my gosh! Pafansign tayo!"

"Papicture kami Nikolai!"

"Kasama niya ba 'yon?"

"Hala sino ang kasama niya?"

Sunod-sunod nilang bigkas. Nagulat nalang ako nang may humawak sa kamay ko.

Walang iba kung hindi si Nikolai na may hawak na plastic bag ng pinagbilhan namin.

"Damn, this plastic bag is a fucking hindrance to carry you, babe"

Lumingon ako sa likod at mas padami ng padami ang humahabol sa akin. Parang kanina isang grupo lang ngayon, isang botalyon na!

Nakarating na kami sa kotse ni Nikolai at may mga tao pa ring nakasunod sa amin. Karamihan ay puro mga teenager.

Agad bumaba ang dalawang bodyguard ni Nikolai. Papasok na sana siya nang matanto na ba't hindi pa rin ako pumapasok.

'Yong sinigang ko!

Hinila ako ni Nikolai sa loob at nagsimula nang magdrive ang kaniyang driver.

"And do you want me to earn for your precious time for you to be mine?"

Tingnan ko lang siya.

"What's wrong? Napagod ka ba kanina? I'm so sorry, baby"

Umiling ako.

"Mas mapapagod ka mamaya"

Bulong niya sa akin habang nagtataas baba ang kaniyang kilay at nakangiti ng nakakaloko.

Nagulat ako sa sinabi niya at pumula na naman ang mga pisngi ko. Gusto ba talaga ako netong gawin na tomato?

Pinalo-palo ko siya dahil 'di man lang nahiya kay manong. Tawa lang siya ng tawa habang ginagawa ko 'yon. Huminto ako dahil napagod na ako.

"What's wrong? I know something's bothering you"

"Normal ba kung sabihin kong sinigang ang bumabagabag sa akin ngayon?"

Nagpout ako ng marinig ko siyang tumatawa.

"First, why sinigang? That's a filipino food right? Bakit ka naman malulungkot dahil sa sinigang?"

"Second, can you stop pouting. If I can't control myself I'll fucking gonna kiss you!"

Kinurot ko siya ng matahimik siya. Kanina pa, 'di man lang ba siya nahihiya kay manong?

"S-Stop baby"

Giit niya habang natatawa kaya huminto na ako at napasandal sa loob.

"Why is the sinigang bothering a beautiful woman like you?"

One Night Stand (ON-GOING)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora