Ilang minuto ng napatayo siya at pumalakpak na parang may magandang ideya.

"Aha! You can stay muna sa isang condo para 'di makita nila mommy 'yong tiyan mo"

Kinabukasan ay pumayag ako sa sinabi niya at idadahilan nalang na magiging busy ako at para madali rin ang pagpunta ko sa aking trabaho dahil mas malapit 'yong condo na 'yon sa trabaho ko.

Tinulungan ako ng aking kapatid mag-impake at minsan ay bumibisita rin siya sa condo ko.

Naalala ko pa noong unang nalaman ni Dianne na buntis ako.

"Ano aalis ka na? Bakit?"

Tanong ng kaibigan kong si Dianne. Tila'y nadismaya siya sa pagsabi kong aalis na ako sa Mavero Corp.

"Oo Dianne mahirap na kasi—"

Naputol ang aking sasabihin ng naramdaman kung bumabaliktad ang aking sikmura.

Nakahagilap ako ng cr sa kanan at agad akong tumakbo doon. Sinuka ko lahat, lahat ng kinain ko. Naiiyak na ako sa sobrang sakit at para akong nanghihina.

Ba't ngayon pa?

Sumusuka ako ng sumusuka nang maramdaman kong parang may sumunod sa akin.

"Oh ok ka lang?" Tanong ni Dianne habang hinahaplos niya ang likod ko.

"O-Oo"

Inabutan niya ako ng tissue at agad kong pinunas sa bibig ko.

"Ano ba kasing nangyari sa'yo?"

"W-Wala nahilo lang s-siguro—"

Naputol na naman ang sinabi ko ng naramdaman kong bumaliktad na naman ang sikmura ko.

Ang sakit!

Nakarinig ako sa kanya ng tawa at bigla akong napalingon sa kanya na may dalang isang baso ng tubig at agad niyang inabot sa akin ito.

"Nahihilo ba talaga? O buntis?"

'Di ako makasagot sa kanya kaya itinuon ko ang aking paningin sa sahig.

"Tapatin mo nga ako Liyah. Buntis ka ba?"

"O-Oo Dianne"

Tinignan ko siya.

"I knew it..."

What? How! Omg

"H-huh? Paano?"

"Anong paano? Well obviously you have mood swings and cravings"

Napapout ako dahil hindi talaga ako makatago ng sekreto sa bestfriend ko.

"So... what are you plans right now? Paano ang trabaho mo?"

One Night Stand (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon