Sinunod ko ang sinabi ng secretary at binuksan niya na ang pintuan.

Bumungad saakin ang mga ilaw na nagfaflash galing sa camera. Malinawag sa loob na para bang langit ang tanawan. Nakita ko rin ang mga iba't-ibang nagmomodel doon.

Tinignan ko ang nasa kaliwa at ang isang lalakeng nagmomodel ang nahagip ng paningin ko, minomodel niya yata ang isang latest leather jacket ng MCL.

Tinignan ko naman ang nasa kanan ko at nakita ang isang babae na nagmomodel ng isang dress na medyo revealing sa thighs at cleavage. Sadyang kapansin-pansin ang mahahaba niyang binti at ang pagiging makinis nito.

"This way miss, you're featuring Mavero's latest women fashion clothes right?

"U-Uh yes"

"Dito ka muna magstay ma'am. Tatawagin ka nalang ng manager pag time niyo na po"

"S-Sige thank you"

Tinignan ko ang silid at nagsimula ng maghubad at pinalitan ang undergarments ko ng may tatak ng MCL nang makarinig ako ng katok sa aking silid.

"Miss Aliyah, ito muna po ang isusuot niyo ngayon"

Inabot ko 'yon at nagbihis. Isa siyang dress na revealing ang back at cleavage.

Tinignan ko pa ng isang beses ang sarili ko bago lumabas.

Agad tinuro sa aking ang lugar kong saan ako magmomodel. Nakita ko ang intense red na set up at punong-puno ng lights na puti sa gilid bilang tanda na mas maaliwalas at maliwanag.

Give it all ika nga ng manager ko. Kaya sinunod ko ang gusto nila.

Pagkatapos ng mga ilang shots ay mas lalong nawawalan lang ako ng takip sa aking katawan. Ngayon naman ay ang sports bra at jersey shorts ang ipapasuot sa akin.

"Bravo! Sige pa!" Giit ng manager at mas lalo ko pa ngang pinag-igihan gamit ang iba't-ibang pose.

Ilang shots ang natapos ay pinagpahinga muna nila ako.

Nakakaramdam na rin ako ng pagod at gutom. Gusto ko ng matapos 'to at magpahinga na. For me modeling is not easy, and it's very tiring too. It's exhausting me.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay bigla akong napainom ng tubig. 'Di ko alam kinakabahan ako sa magiging sunod na imomodel ko.

Napuno ng konklusyon ang isip ko at mga ilang minuto ay nakarinig na naman ako ng katok sa pintuan.

"Miss Aliyah, ready na po ba kayo? Undergarments po ang ne—"

"Yes, I'm ready. Lalabas na rin ako"

Natapos na ako at naisipan kong magsuot ng silk cloth robe para matakpan lang ang katawan ko kahit sandali.

Nakita ko ang isang high steel chair doon na may mga cotton na pink na nakapaligid.

Pinatanggal sa akin ang aking robe at narinig ko ang pagsinghap ng karamihan.

'Di ko kayang maiangat ang aking tingin sa mga mukha nila. Kaya inilipat ko ang tingin ko sa kaliwa at nakita ko ang pagtitig ng mga kalalakihan kahit malayo ang agwat namin.

Agad akong nag-iwas ng tingin at napako nalang ito sa sahig.

Napa-angat ako sa sinabi ng manager saakin at para ba akong binuhusan ng malamig na tubig.

"55 kg? Did you gain weight? Medyo halata ang chubby fats mo sa tummy mo"

"Try to loosen weight" giit ng isa pang manager.

"Maybe I did gain weight?"

Napatango nalang ang manager at inutusan ang photographer na picturan nalang. Mas maaga, mas maayos para ma tapos na. At makaalis dito sa lugar na 'to.

One Night Stand (ON-GOING)Onde histórias criam vida. Descubra agora