11b

10 0 0
                                    


"Jusko ang tagal tagal kitang hinanap ikaw lang pala ang coconut tree na kailangan namin." sabi ni Ezra at niyakap ni Ezra ang puno. 

Tinitigan ko ang coconut tree na ito at napansin na may nakadikit na papel. Agad ko itong kinuha at binuksan.

"Oy ano yan?"tanong ni Faye na kagrupo din namin.

"In order to get to the next station, the group must bring a coconut fruit and bring it to the base. The total coconut fruit to bring must be the total of the members of each group."basa ko ng malakas sa kanila.

"Hala sino ba marunong umakyat satin sa puno?"tanong ni Ezra "Bente tayo bali benteng buko dadalhin natin bwisit ha."

"Tutal 11 naman kaming lalake dito sa group, kami nalang ang aakyat sa puno. Tapos dun nalang muna kayo sa tabi para di kayo mabagsakan ng buko sa ulo."ani ni Jomari na kagrupo din namin.

"Sige. Basta magiingat kayo. Ang taas ng punong yan eh."sabi ni Ezra at lumayo na kami sa puno.


"Pang-13 na yan Jay! Pito pa!" Sigaw ni Anne pagkatapos kunin yung nalaglag na buko ni Jay. 

"Pagkakuha ko ng isa, ikaw naman Dereck ang aakyat ha."Sigaw ni Jay pabalik.

"Oo! Bilisan mo!"


Naglalakad na kami pabalik sa base dala namin ang twenty na buko at tig-iisa kami ng hawak. Pagdating namin don ay may isang mahabang mesa sa gilid na puno din ng ibat ibang prutas. Inilagay namin dito ang mga buko na dala namin at pumuwesto na ng magkakasama.

"Sisimulan na talaga natin ang team building. Kumbaga yung kanina warm up lang."simula nung host dito sa team building na ito.

Ang daming nagbulungan dahil sa sinabi niya. Kahit naman sino siguro magrereklamo dahil sa ginawa kanina tapos warm up lang.

"Ako nga pala si Arnel ang magfafacilitate ng team building nyo."dugtong nya.

"Dahil 100 ang total nyo na nandito. Yung limang grupo ay gagawin nating sampu and it means na magiging 10 members per team na. Bali ang magiging magkagrupo ay nandito sa papel nito."kinuha ni Arnel ang papel na sa tingin ko ay sampung piraso. "Tatawagin ko ang mga leaders ng bawat group at sila ang kukuha ng papel dito at kukunin nila ang mga miyembro nila. Understand?"

"YES!"

Tinawag na isa isa ang mga leaders kasama don si Rica at Ezra. Maya maya ay nagform na kami ang leader namin ay si Faye ang kagrupo ko kanina. 

"Hindi ko alam na ang gusto mo pala ay tagapagmana."biglang may bumulong sa gilid ko at tinignan ko iyon. Siya si Michael.

Anong sinasabi nya? May alam ba sya?

Tinignan ko lang sya ng matagal at gusto ko sya tanungin.

"Mayaman din naman ako pero mas mayaman pala ang gusto mo."dagdag pa nya.

"Anong ibig mong sabihin?"tanong ko.

Di nya ito sinagot at umalis na sa harapan ko. Magkagrupo pala kami ni Michael at di ako matatahimik nito hanggat di ko alam ang sinasabi nya. Nakita nya ba kami?

Naglakad kami papunta sa isang obstacle course. Ang obstacle course na ito ay nandito kami sa mataas na parte at maglalambitin kami sa lubid papunta sa kabilang parte. Putik ang pagitan nito. 

"Ang maunang dalawang grupo ay grupo nila Faye at nila Ezra."sabi ni Arnel. 

Kagrupo pala ni Ezra si Lemuel. Nagkatinginan kami ni Lemuel ngumiti sya pero di ko sya nginitian dahil iniisip ko pa din yung sinabi ni Michael. Ramdam ko na nakatingin sakin si Michael.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

60 SecondsWhere stories live. Discover now