2

20 1 0
                                    

2

"Nandito na po ako."sigaw ko sa bahay at usual tulog na silang lahat, 10:30 na rin kasi ng gabi kaya hindi na ako nag-eexpect na gising pa sila. Binaba ko muna ang bag ko sa sofa at kumuha ng rugby. Umupo ako sa sofa at kinuha ang sapatos at takong. 

Hindi naman siguro sila magagalit sakin kapag bumawas ako sa sweldo ko pambili ng sapatos. Baka kasi magalit si Krizza kapag nanghiram ako sa kanya ng sapatos. Hindi naman kasi nagpapahiram ng gamit yun sakin eh. 

Pagkatapos kong ayusin ang sapatos ko ay dinala ko na ang gamit ko sa kwarto ko at pinatungan ng mabigat na bagay ang sapatos ko para dumikit ang rugby. Naupo ako sa kama ko. Natitigan ko ang buo kong kwarto.

Ang tanging laman lang ng aking kwarto ay isang sofa bed, isang maliit na cabinet at isang whole body na salamin. Parang cr lang ang kwarto ko sa sobrang liit. Simula nung tumira ako dito hindi ko alam kung pamilya ba ang turing nila sakin. Sabi ni Tita EmmyLou magiging masaya daw ako dito pero ako pala ang magpapasaya sa kanila. 

Humiga ako sa aking kama at tumitig sa kisame, naisipan ko na ring lumayas dati pero wala dahil bantay sarado ako dito. Ako kasi ang taga-gastos sa kanila. Labas masok pa sa kulungan ang kapatid ni Krizza na si Kevin na kaedad ko. Kapag naman nagkakasakit ako, sarili ko lang ang maaasahan ko. Pero sa kabila ng lahat ng yun ay hindi ko magawang magalit sa kanila dahil sa utang na loob. Pinag-aral nila ako ng college at binigyan ng bahay na matutuluyan. Kahit mapagtapos ko lang si Krizza ay ayos na ako at puputulin ko na ang connection ko sa kanila.

Kinabukasan napabalikwas ako ng gising at tinignan ang oras sa cellphone ko. Late na ako, napahawak ako sa sentido ko at nagmadaling kumilos papuntang cr sa kasamaang palad ay nandun pa sa kwarto si Krizza. Inaabot ng isang oras pa man din pag naligo yun.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at pumunta ako sa kusina, nandun si Tita EmmyLou na nagluluto. Agad kong tinungo ang ulo ko at sinahod sa gripo tapos binuksan ko ito at binasa ko ang buhok ko, may nakita akong sabong panghugas ng pinggan, yun na lang ang nilagay ko sa ulo ko.

"Balasubas ka talagang bata ka!"sigaw sakin ni tita EmmyLou pero hindi ko na ito pinansin at tinapos ang pagbanlaw sa buhok ko, ang dala kong twalya ay inilagay ko sa ulo ko.

"Lintik ka Ayesha! Halos ubusin mo na tong sabong panghugas! Ikaw ang ilalagay ko dito!"sigaw nya. Hindi ko na ulit ito pinansin at naghilamos ako buti nalang at laging nasa kwarto ko ang toothbrush at toothpaste ko ay doon na ako nagtoothbrush. 

"Kanino ka ba nagmana at ganyan ka kabastos na babae?!"sigaw parin ng tita ko, muli hindi ko ito pinansin at bago ako tumakbo pabalik ng kwarto ay kumuha ako ng isang hotdog at humigop sa kapeng nasa lamesa.

"Tarantado ka Ayesha! Kay Krizza yan!"sigaw nya pero hindi ko na ulit pinansin dahil kumaripas na ako ng takbo papuntang kwarto ko. Dahil ulo lang ang nabanlawan ko ngayon, ay naglotion ako at nagbihis na. Buti naman sa pinagtatrabahuhan ko ay hindi required ang corporate attire kaya nagjeans at tshirt lang ako. Kinuha ko yung sapatos ko na inayos ko kagabi at sinuot ito. Kinuha ko na rin ang bag ko at mga gamit at umalis na sa bahay.



Mga 10:30 na ako nakarating sa kumpanya at paglabas ko ng elevator ay nagtataka ako dahil sa nagkukumpulang tao, papalapit na ako sa kanila nang makita ako ni Jhayra.

"Ayesha bakita ngayon ka lang?"bulong nya sakin. Hinawakan nya ang kamay ko at lumapit kami sa nagkukumpulang tao.

"Kasi naman, hindi nag-alarm phone ko.  Teka anong meron? Pati nasaan sila Ezra at Rica?"tanong ko.

"Ayesha, ngayon ipakikilala ang bagong CEO natin. Tapos balita ko masyado daw yung istrikto lalo na sa attendance."bulong nya

"Jhayra, akala ko next week pa yun?"tanong ko. Kasi ang alam ko ipapakilala samin ang bagong CEO ng company next week.

"Next week yung pormal Ayesha, yung may party. Gusto nya kasi daw makilala agad tayo kaya ayan nagpunta sya dito."

Natigil ang pag-uusap namin ng isigaw nila ang pangalan ko na pinagtaka namin ni Jhayra.

"Ayesha!"napatingin ako kasi hinihila nila ako papasok sa nagkukumpulang tao. At nanlaki ang mga mata ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

"Ikaw?!"halos mapatalon na ako sa gulat. Bakit sya nandito? Ibig sabihin sya ang bagong boss? Hindi to pwede, hindi pwedeng maging boss ko itong manyak na ito.

"So... ikaw pala ang head ng sales department..."sabi nya habang nakangisi sakin,, hindi naman ako makatingin sa kanya dahil hindi pa rin ako makarecover sa paghawak nya sa dibdib ko kagabi.

"Everyone.. get back to your work. And you Miss Ayesha right? Follow me."napakamot ako ng ulo at susunod na sa kanya ng may humawak sa kamay ko, si Rica.

"Good luck."bulong nya sakin at tinignan ko si Ezra, kung alam nyo lang ang nangyari sakin kagabi. Lalo kayong mapapagood luck sakin. Maghain na kaya ako ng resignation letter? at maghanap na ng bagong pagtatrabahuhan?

"Miss Ayesha? Let's go."naiinip na sabi ng manyak. Ah nakakainis talaga! Sana hindi na lang pala ako kumain sa 7eleven kagabi ng hindi ko nakita tong lalaking to.

Pumunta kami sa  office nya at ito ako, kinakabahan. Baka hindi lang paghawak sa dibdib ko ang gawin nya sakin. Baka mas malala pa doon. Napabuntong hininga na lang ako ng umupo sya sa couch sa loob ng office nya.

"Sit."ma-awtoridad nyang sabi. Dahil hindi pa ako ready mawalan ng trabaho ay napaupo ako.

"Wag kang kabahan Miss Ayesha, hindi naman ako nangangain."sabi nya at tinignan ako, Umiwas ako ng tingin at bumulong. "Hindi nga nangangain pero nanghihipo naman."

"May sinasabi ka?"

"Ahh wala po, bakit nyo po ako pinapunta dito?"kinakabahan kong tanong. Para kasing walang gagawing maganda tong lalaking ito.

"Relax Miss Ayesha."bakit ang sexy ng pagkakabanggit nya ng pangalan ko. Naku baka nahawaan na ako ng pagkamanyak nya. Napakagat na lang ako ng labi.

"Damn it Ayesha. Stop biting your lip."nagulat ako sa sinabi nya. Ano bang ginawa ko at bawal akong magkagat ng labi? 

"Kaya kita pinapunta dito dahil may ibibigay ako sa'yo."sabi nya at kinuha ang paperbag na nasa isang couch. Tumayo sya at lumapit sakin tapos inilabas ang isang kahon na laman ng paperbag at lumuhod sakin.

"Nakita ko kagabi na nasira ang sapatos mo at mukhang pinagtyatyagaan mo pa rin itong sapatos na to. Hindi ko alam kung anong size at gusto mong sapatos pero ang binili ko ay sa tingin ko babagay sa'yo."sabi nya at binuksan yung kahapon na may nakasulat na Parisian. Napanganga ako dahil alam kong mahal na brand ng sapatos yun.

Tinanggal nya ang sapatos na suot ko at isinuot ang sapatos na kulay pink na pump heels na sa tingin ko ay may 3 inches na taas ang takong.

"Sir, hindi ko po matatanggap to pati isa pa malapit na rin namang mag-akinse kaya makakabili na ako ng bago pati sir ang mahal po ng sapatos na to."mahina kong sabi sa kanya at akmang tatanggalin  na ito ng hinawakan ni sir ang kamay ko. May kakaiba akong naramdaman sa paghawak nya ng kamay ko.

"Subukan mong hindi tanggapin yan, you're fired at uuwi ka ng nakapaa."banta nya tapos tumayo at itinapon yung sapatos ko na sira sa basurahan.

"Pwede ka ng umalis."sabi nya at umupo sa swivel chair nya.

"Sige po sir."tapos tumayo na ako at palabas na ako ng pinto ng magsalita sya.

"Lemuel. Call me Lemuel kapag tayong dalawa lang."napatango ako at tuluyan ng umalis 

60 SecondsWhere stories live. Discover now