9

20 0 0
                                    

9

Pagkatapos kong ubusin ang coke float ko ay bumalik na ako sa kumpanya. Nagpatuloy na lang ako sa pagtatrabaho. Tatlong araw na ang lumipas noong party at sa loob ng tatlong araw na yun ay hindi nagparamdam sakin si Sir Lemuel.

Siguro hindi nya talaga ako gusto, kasi kung gusto nya talaga dapat sinusuyo na nya ako. Bakit ba ako nag-eexpect? Wala naman dapat akong i-expect mula sa kanya.

Nagtrabaho na lang ulit ako at balak ko pang mag-OT ulit ngayon. 

"Everyone attention!" Napatingin ako sa nagsalita. Nakatingin lang ako sa kanya the whole time na nagsasalita sya.

Hindi ba nya ako nakikita? Bakit ayaw nyang tumingin sakin?

"Magkakaroon tayo ng company outing sa isang araw. Private Resort yun kaya wala na kayong ibang aasikasuhin."

Naghiyawan naman ang mga katrabaho ko sa saya sa sinabi ni Sir Lemuel pero bakit ako hindi masaya?

"And also, pwede kaying magdala ng kaibigan, kamag-anak or kahit sino. Free naman kasi yun."dagdag pa nya

"Sir ilang araw po tayo dun?"

"3 days and 2 nights."

Nagbulung bulungan ang mga katrabaho ko at nagkaroon ng sarili sariling kwento tungkol sa gagawin nila sa araw na yun.

"Wala na bang tanong? Kung wala na, get back to work."pagkasabi nya nun ay umalis na sya ng hindi man lang tumitingin sakin.

Ano pa bang aasahan ko? May Sofia na naman sya kaya wala na syang pakialam sakin. Pati wala naman akong gusto sa kanya kaya bakit ako manghihingi ng attention sa kanya?

"Huy. Sumama ka ha, baka mamaya maging kj ka na naman."inakbayan ako ni Jhaira pagkasabi nya nun.

"Queen of KJs yang si Ayesha kaya wag ka ng umasa na sasama yan." 

"Hindi din. Umattend ng party last time si Ayesha remember?"

Hindi ko rin alam kung makakaattend ako sa company outing na yun dahil hindi ko alam kung papayagan ba ako nila tita Emylou. Gusto kong pumunta para makapagrelax naman ako. 


Pagkauwi ko ng bahay at agad akong humilata at tinignan ang cellphone ko, ni isang tawag o text wala man lang ako natanggap galling sa kanya. Bakit pa ba ako nag-eexpect?  Di pa naman kami ganun katagal magkakilala.

Umiling ako at sinabing, "Wag mo na syang isipin." Tumayo ako at naglinis ng katawan ko. Saktong paglabas ko ng banyo at umilaw ang phone ko. Agad ko itong nilapitan at tinignan kung sino ang nagtext sakin.

Nadismaya ako ng makita ko na hindi si Lemuel ang nagtext sakin

From: Rica

Message: Shopping us tomorrow.

Paano ako makakapagshopping kung ang atm card ko at nakila tita Emmylou.


"Bakit mo naman kasi binigay yung card mo sa tita mo?"sermon sakin ni Ezra habang nainom ng kape nya.

"Hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa isip ko at naisip ko na makakabuti kapag sila ang humawak."sabi ko at napatungo nalang ako sa lamesa.

Nasa canteen kami ngayon ng company nagla-lunch.

"Libre ka nalang naming ng damit mamaya. Wag kang mag-OOT ha."sabay subo ng pagkain ni Rica.

"Nakakahiya naman wag na."sabi ko nalang. Hiyang hiya na ako sa kanila.

"Mag-inquire ka ng bagong card."biglang sabi ni Jhayra kaya napatingin kaming tatlo sa kanya. "Bakit? mas maganda nga yun eh atleast makukuha mo pa din ang sweldo mo at itransfer mo nalang yung ibibigay mong pera sa kanila."

"Tama si Jhayra. Ayesha sasamahan ka naming mag-inquire ng card para hindi ka na nahihirapan."sang-ayon ni Rica.

"Tsaka nalang kapag nakasweldo nalang ulit ako tsaka ko pag-iisipan yan."

60 SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon