10

5 1 0
                                    


10


Kumaripas ako ng takbo papunta sa lugar kung nasan sila Jhayra.

"As expected late ka."salubong sakin ni Ezra at tinulungan ako sa dala ko.

"Tabi kami ni Ezra."sabi ni Jhayra at pinulupot na ang braso kay Ezra.

"Edi tabi kami ni Ayesha."sabi naman ni Rica at pinulupot ang kamay sakin.

Tourist bus ang sasakyan namin dahil madami dami kami na kasama sa company outing na toh.


"Grabe excited na ako, ikaw ba? Sa wakas makakapagrelax ka na at malalayo sa magulong pamilya nila Krizza"tukso sakin ni Rica. "Beauty sleep muna ako hahaha."at tinakpan na nya ang kanyang mga mata.

Nakapwesto ako sa bintana kaya kita ko ang mga tanawin na madadaanan namin at habang ninanamnam ang mga magagandang tanawin ay inilabas ko ang phone at earphone ko para makinig ng music.

"Bakit ang hina ng music ko?"napabulong ako dahil feeling ko sira ata tong earphone ko dahil mahina na sya kaya nilakasan ko nalang ang volume ng tugtog kaso naka-full volume ito di kaya mabingi ako?

Pagkatapos ng ilang kanta ay  ay nagtanggal ng earphone ko sa kaliwang tenga at bumulong. "kanina pa kita inaalok, di mo ata ako naririnig."

"Sensya na, nag-enjoy lang siguro ako sa music."sabi ko kay Ezra at kumuha ng kaunting Nova na inalok nya.

"Ano ba yang pinapakinggan mo at mukhang enjoy ka nga."sabi nya at pinakinggan ang music. "Loko ka ba Ayesha? Naka-full volume ba to? Mabibingi ka nito eh."

"Anong mabibingi? Eh ang hina nga nung sounds eh, papalitan ko na yan."sabi ko at isusuksok na ulit ang earphone sa tenga ko ng pinigilan nya ako.

"Hinaan mo yang sounds mo sobrang lakas eh."sabi nya at umupo na ulit.

Pinakinggan ko ulit ang music sa phone ko at mahina pa din. Magkaiba ba kami ng tenga ni Ezra at sabi nya baka mabingi ako. Itinigil ko nalang ang pakikinig at natulog na lang sa buong byahe.


"Ayesha gising na!!!"

Nagising ako sa yugyog ng katabi ko.

"Kanina pa kita ginigising parang wala kang naririnig eh." tampo ni Rica at sinukbit ang bag pagkatapos tumayo.

"Tayo na lang pala nasa bus." bulong ko ng malibot ng aking mga mata ang mga upuan sa bus.

"Oo ikaw ata ang nagbeauty rest sating dalawa eh." biro nya at tuluyan na bumaba ng bus. Sumunod lamang ako sa kanya.

Pagkababa namin ng bus ay pumunta kami sa kumpulang mga tao kung nasan sila Ezra at Jhayra.

"Ang tagal nyo naming bumaba di tuloy makapag-umpisa si sir eh."bulong ni Jhayra samin

"Ito kasing si Ayesha ang hirap gisingin."sumbat ni Rica.

Ngumuso nalang ako sa kanila at napatawa sakin.

"dahil kumpleto na kayo, di lang outing ito, kundi meron tayong team building. Gusto ko makilala ko lahat ng employees ng kumpanya na pamumunuan ko."

Nakita ko na nagtanguan ang mga empleyado na kasama namin sa outing na to.

"Dahil 3 days and 2 nights tayo dito. Hahayaan ko na magliwaliw muna kayo at bukas tayo magsisimula ng team building."pagkatapos magsalita ni sir Lemuel ay umalis na sya.


"Wow ang ganda dito. Teka Ayesha picturan mo nga ako dito whole body ha."binigay sakin ni Jhayra ang kanyang cellphone at pumuwesto na dun sa gitna.

60 SecondsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt