PROLOGUE

1.6K 53 23
                                    


"Elisse! Diba sabi ko naman sa iyo na huwag mo na patulan ang sinabi ni Nadine?!" Inis na sabi ng Manager kong si Lolita.

"Nakakainis, e. Pa victim kasi masyado kaya hindi ko na napigilan," walang paki kong sabi.

"My Gosh, Elisse! Kaya ang dami mong bashers nang dahil diyan sa pagiging straight forward mo, e! Try mo kayang magpaka plastik kagaya ng ginawa ng ibang mga artista?" Stress na sabi ni Lolita.

Napairap ako sa aking mga mata.

"Ano ba, Lolita, parang 'yun lang? Marami rin akong fans kaya walang problema."

"Marami nga! Pero kapag pinagpatuloy mo ang ganito ay baka mawalan ka ng fans!" Iniripan ko nalang ito at hindi na nagsalita.

"Miss Elisse, gusto niyo ba ng tubig or juice?" Tanong ng personal assistant kong si Julia.

"Water, please..." tumango ito at kinuhanan ako ng tubig.

I hate this! Gusto lang naman umakteng at makita ang sarili ko sa TV. Hindi ko naman akalain na may mga demonyo pala akong makakasalamuha sa industriyang ito, example na si Nadine Amorsolo.

Ngayon ay namomroblema na ang manager ko pati ang agency ko sa scandal na kinasangkutan ko ngayon.

Ayoko talagang nasasali ako sa mga away na ganito pero ginagalit ako ni Nadine, kakompetensya ko sa industriya. Gumawa siya ng mga fake news tungkol sa akin na inagaw ko raw sa kanya si James Rodriguez, ang love team niya. Hindi ko nga type ang James na 'yun! Siya ang lumalapit sa akin at ako naman 'tong mabait, kinausap ko naman.

"Kailangan mong magkaroon ng boyfriend!" Sabi ng manager ko.

"What?! At bakit naman?"

"Elisse, look, hindi matatapos ang problemang ito kung hindi ka magkaka boyfriend. Dapat makita nilang mali ang sinasabi ni Nadine na inagawa mo si James sa kan—"

"Hindi ko naman kasi talaga inagaw, e!" sigaw ko.

He's not my type! At isa pa, ang manyak ng lalaking 'yun.

Bwesit! Kapag nakita ko talaga ang Nadine na 'yun sa party o awarding, sasabunotan ko 'yun!

"I know! Pero alam mo naman ang mga tao diba? At isa pa, you need to have a love team din."

"I don't need love team, kaya kong umangat ng wala 'yun. You know that, Lolita."

I really hate to have a love team! It makes me cringe. Yes, may mga movies na ako at teleserye na may male lead pero hindi ko naging love team ito kasi ako na ang lumalayo. I hate boys. I hate lies!

"Nakipagsundo na si Madam Elena kay Madam Janice na may-ari ng Bluecords agency. Plano nilang gawin kayong love team ni Jared Vox Real at maging on screen boyfriend mo ito."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Lolita.

"W-what?! L-love team? B-boyfriend?" Hindi makapaniwala kong sabi.

"Yes. Alam naman nating lahat na sikat din na artista si Jared at maraming fans. May mga artista rin na nagkakagusto sa kanya pero wala man lang siyang pinatulan kahit isa."

Jared Real?! The rude and the arrogant actor? No way! Ayokong maging boyfriend ang lalaking iyon. Marami na akong naririnig tungkol sa lalaking iyon dahil palagi nalang siyang nasasangkot sa mga issues! Hindi ko pa siya nakakatrabaho at wala rin akong plano na makatrabaho ang komplikadong tao na iyon. Marami siyang fans dahil pogi siya at marunong kumanta at sumayaw. Pero aanhin mo naman ang kapogian mo kung pangit naman ang ugali mo? Waley pa rin!

"B-bakit siya?"

"Hindi na rin kasi ma handle ni Madam Janice si Jared at katulad nang sa 'yo, he needs a girlfriend."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Onscreen Lies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon