Dad asked me if I was dating Tina and I told him na oo, She's my girlfriend. Ayoko magsinungaling kaso nandun na eh. Tinulungan ko na siya, ituloy na namin. Magkakahiwalay kaya kami? Kailan? Bakit ganun, if I think about it, I feel like I have been punched in the gut. Hindi, this is just for a show. Huwag mong seryosohin, Matt. Ni hindi ka nga yata niya type eh. Pano na yan? Pano kami aarte sa harap ng Tatay at Nanay niya. Kailangan ko ding ipakilala siya kina Daddy.

Hindi naman nagalit or nagsalita ng masama ang tatay ko. Ang sabi lang niya, pagbutihin ko daw ang trabaho ko at huwag ilagay sa utak ang pag ibig na yan at nakakasira sa career. Well...sabi niya lang yun kasi si Tina ang girlfriend ko. Oooops, girlfriend talaga huh Matt.


"Sir, san tayo punta?"

"Kina President Francisco."

"Sir?"

"Oo nga. dumating na si Tina eh."

"Sir, seryoso kayo kay congresswoman?"

"Bakit hindi?"

"Kas sir, ngayon lang namin alam na kayo pala ni Ma'am Tina. Ni hindi niyo ikinukuwento sa amin eh. Nung naglolokohan kami about her, hindi man lang kayo nag react."

"Oo nga sir, Kaya nung tinanong kami ni Dad niyo wala kaming masabi eh. Lahat kami nagulat."

"O, ngayon alam niyo na. Kaya huwag niyo na siyang pag usapan pag nakaharap ako at malilintikan talaga kayo sa akin."

"Pero sir, in fairness huh...Bagay kayo ni Ma'am."

"Namboola ka na naman eh."

"Hindi Sir. Sir lalabas ba tayo nina ma'am ngayon?"

"Hindi. Hindi ko pa alam. SIya ang masusunod."

"Hahahaha, Oo nga sir."

RIIIING! RIIING! RIIING!

"Ssshhh, Hello Baby."

AT pinipigilan mangantiyaw ang mga mokong na to nung marnig nila ang BABY na sinabi ko.

"What time ka pala pupunta dito?"

"On my way na."

"Nandito na sina Dad eh. Nakita ako ni Mom sabi niya tawagan na kita."

"Sabihin mo 5 minutes pa andiyan na ako."

"Ang bilis ah."

"Siyempre, meeting with the in-laws na to. "

"Bruho!"

"Hahahaha, oh huwag kang magmumura at baka marinig ni Frank a Dax. HAhahaha"

"KAsama mo sila?"

"Siyempre baka ipa ambush ako ng tatay mo."


"Hindi ganun ang daddy ko huh!"

"Biro lang. Sige baba ka na, andito na ako sa gate niyo."

"Bakit ang bilis mo?"

"Eh, mabilis talaga."

"Sige wait lang."


Pinapasok kami ng guard nila nung makita ako. Si Frank at Dax lang ang kasama ko sa sasakyan. Yung iba iniwan namin. MApapagalitan na naman ako nito kung malalaman ni Dad. Hahaha Nakita ko na siya palapit sa sasakyan ko. Bumaba ako and she came to me. Ano, Matt yayakap ka ba o hahalik? Halikan mo na, pwede naman eh. Huwag yakap at para kayong magkaibigan lang.

She's wearing a dress hanggang below her knee at naka tsinelas siya.Nice toes. Nice feet. Bakit ba paa niya ang tinitignan mo. Bare face. Walang make up. Dito na siya.

I leaned down and gave her a smack on her lips. Hahaha nagulat siya. Hindi niya akalain na gagawin ko yun sa harap ng mga bantay niya at bantay ko. Ooooops, nandun din Tatay niya at nanay niya. Nakupooo! she looked at me sa mata and hugged me. I hugged her back. Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko> Natatakot ba ako na haharap sa tatay niya? Nung nag ka girlfriend ako di naman ako ipinakilala sa parents niya. Ngayon pa lang to, first time. Kalaban ko pa sa pilitika. She took my hand and guided me to where her parents are waiting for us. Nakangiti ang Nanay niya. Blanko naman ang mukha ng tatay niya. Eto na Matt, humanda ka na.

"I missed you." I whispered. She looked at me and made face.



AUTHOR

Please vote, comment and share.





GIVE ME A CHANCE (Completed)Where stories live. Discover now