'Walang celebration? Party? Inuman? Ano ba Jam. Yearly na nating ginagawa yon!' Angal ng kausap niya sa cellphone.

"Wala. I'm sorry to tell you pero araw namin ng Mahal ko ngayon. No liquor, just pure bonding lang." Pakiramdam niya ay nakikita niya ang matatalim na pag-irap ng kaibigan sa kabilang linya. Matapos sabihin ng kabila na tatawagan nito ang iba ay ibinaba na rin niya ang aparato. Pumunta siya sa kusina at nagsalin ng pagkain para sa kapitbahay.

Pagdating sa kabilang apartment ay kumatok lamang siya ng ilang beses bago bumukas iyon. Malapad na ngiti ang agad na isinalubong ni Adrian sa kaniya.

"Wow thank you. Once a year lang ako makakatikim ng luto mo eh." Agad na wika nito nang makita ang dala niya.

"Sorry yan lang. Di kasi ako maghahanda dahil may lakad kami ng bf ko." Pagbibigay alam naman niya dito. Kumibit balikat na lamang ito saka siya binigyan ng mabilis na halik sa pisngi.

"For your birthday, thank you! Sana next year sa lips na." Pagkasabi niyon ay tumalikod na ito upang ihatid sa lamesa ang pagkain. Naiwan naman na natutulala si Jam sa pintuan. Nang makabawi ay bumalik na siya sa sariling apartment dahi nakikita na niya sa di kalayuan ang mga kaibigan.  Mabuti na lamang at nakapasok na siya sa loob bago pa man sumigaw at ipahiya siya ng mga kaibigan.

"Hoy ano yon ha?! Ano yon!! Nakita ko yon!" Sigaw ng isa sa mga ito.

"Tigilan mo ko Anghelita. Biro lang yon ng kapitbahay ko." Sagot niya sa mga ito.

"Biro ha! Pero infairness may itsura yon. Matagal ko nang type yon pakilala mo naman ako." Sabad naman ni Afrika. Hanggang ngayon ay hindi confuse parin sila kung bakit Afrika pangalan nito. Matagal na kasing pumanaw ang ina nito kaya di na nito natanong.

"Magtigil ka Afrikana! Si Jam ang type hindi ikaw. Tsaka may Dandreb sa pagitan. Hindi sya makakaporma."

Natahimik bigla si Jam dahil sa sinabi nito. Naalala niyang muli ang panaginip. Ang mga pangyayari buong maghapon ay parehong pareho ng nasa panaginip niya maliban sa iilan gaya ng ilang naibang convo at simpleng bagay. Ngunit ang pagkakasunod-sunod ay pareho din.

Maghapon silang nagkulitan at asaran hanggang sa mag-uwian ang mga ito bandang alas singko. Saktong alas-sais ay nag ayos na siya ng sarili at saktong alas siyete ay dumating si Dandreb. Hindi na niya ito hinintay na kumatok at sinalunbong na niya ito sa labas.

"I'm ready,
let's go?" Masiglang wika niya sa bagong dating. Tumango lamang ito saka bumalik na sa sasakyan. Napabuntong hininga siya sa pagkadismaya dahil hindi siya nito pinagbuksan ng pinto ng kotse gaya ng nakasanayan nito. Kinakabahan man ay hindi na niya pinansin ang gawi nito. Ganito naman kasi ang kasintahan kapag may sorpresa ito sa kaniya. Pagtatampuhin siya sandali saka siya aamuin at matutuloy na sila sa isang buong gabi ng pagmamahalan.

"Who's that? He's weird." Sinundan niya ng tingin ang tinitignan nito. Si Adrian iyon na nakatayo sa pintuan ng tirahan nito at nakatingin sa kanila. Biglang kumabog ng malakas ang kaniyang dibdib.

"Si Adrian. Lagi yang nagpapahangin dyan kapag gabi. Hayaan mo sya,  mabait yan. Let's go na." Pilit niyang pag-iiba sa usapan. Kumibit balikat na lamang ang kasintahan bago pinaandar ang sasakyan.

"Well, he look useless."

Ang pinuntahan nila ay ang usual na restaurant na kanilang kinakainan. Doon sila pumwesto sa dulo na lagi nilang inuupuan. Umorder ng usual na inoorder nila at hinintay iyon bago sila nagsimulang mag-usap. Matapos mailapag ang mga pagkain at makaalis ang waiter ay nginitian niya ng matamis ang kasintahan.

"Well?" Senyales niya kay Dandreb na maari na nitong ireveal kung ano man ang sorpresa nito.

"I wanna break up with you." Walang ligoy na wika nito.

"What?  What is this, a joke? Ano ba love. You can reveal it now. What's the surprise?" Natatawa pang wika niya. Bumuntong hininga ang kaharap saka umiling.

"I spoiled you too much. I'm serious. I want a break up. May fiance na ko so let's break up." Seryoso ang muka nito habang nakatitig sa kaniya. Hindi naman niya malaman ang gagawin. Naalala niya ang panaginip dahil ganitong-ganito din iyon.

"Really?  Right now? Sa araw ng birthday ko? Di mo manlang pinalampas na hayup ka." Naiiyak na wika niya dito. Kita naman niya ang panlalaki ng mga mata nito.

"Shit! Today is your..."

"Ah! Ofcourse nakalimutan mo. How stupid." Tumayo siya agad at nagmamadaling lumabas ng restaurant. Hindi niya pinansin ang mga pagtawag nito dahil naiiyak na talaga siya sa mga nangyari. Parang gusto na lamang niyang mamatay na.

Kahit malakas ang ulan sa labas ay hindi niya ininda iyon. Tuloy-tuloy parin siya sa paglabas ng kainan at deretso sa kalsada. Hindi din niya napansin ang pagbagsak ng poste sa kabilang kalsada patungo sa kaniya.  Ang huli na lamang niyang nadinig ay ang pagtawag sa pangalan niya.

"Jam no!"

Nang muling magmulat ang mga mata ni Jam ay nagriring ang cellphone niya. Habang inaabot iyon ay tumumba ang flowervase at tumapon ang laman niyon. Halos manigas ang katawan niya nang magkorteng L ang pag-angdar ng tubig na tumapon mula doon.

Dandreb my man calling...

"Something's happening. Something is wrong!!!" Nagpapanic na sigaw niya sa mga pader ng kwarto.

What the hell is happening here?!

The Break Up LoopWhere stories live. Discover now